Chapter 4

11 0 0
                                    

Nang makarating sa Gymnasium, Nahagilap ko si Yena na kausap si Aesthrelle pero itong isa naman ay nakatingin lang sa harap at minsan lang sumagot kay Yena. Dumiretso ako sa kanila at umupo sa tabi ni Yena.

Mukhang ako nalang ang hinihintay, pero mabuti at hindi pa nag uumpisa. While waiting for our professor, I noticed other students from another department came here too. I think they're from the Law Department.

Kumislap ang mata ko ng mahagip si Blade kasama si Finn. Nagtatawanan sila at sinusuntok pa ni Finn ang braso ni Blade. Napaayos ako ng upo at tinitigan sila. Napansin ako ni Finn kaya't kumaway sila at lumapit sa amin.

Yung mga babaeng kaklase ko ay biglang nagbubulungan. Ang iba ay kinikilig nang makita ang dalawa. Nang makalapit silang dalawa ay nginitian nila kami.

"Hello, Celeste! P.E nyo ngayon?" Finn asked. Napalingon naman si Yena at Aesthrelle sa amin.

"Yeah, kayo rin?" I asked too while staring at Blade.

"Yes," Sagot ni Blade. He looks hot with his P.E uniform.

He's wearing a blue t-shirt and blue shorts. Well, for boys, they're wearing a T-shirt and shorts and for girls, we're wearing T-shirt and pants. The color is based on what department we are in. Since we're in the Finance Department, our color is Red. Nagkukuwentuhan kami ng biglang pumito si Sir Jeth, sanhi na mag uumpisa na ang klase.

"Okay, the boys who are not my students, go back to your class." Saad ni Sir Jeth.

Napalingon kaming lahat sa dalawang lalaking kasama ko. Napatawa silang dalawa at kumaway na sa amin paalis. Napabalik ang tingin namin nang magsalita si Sir Jeth.

"Okay class, we're going to play dodgeball. Alam nyo naman na siguro iyon." Saad nito habang inaayos ang bolang gagamitin.

Nagtaas ng kamay ang isa kong kaklaseng babae.

"Sir, I don't know how it works, could you explain it to us?" She asked.

"Alright. To play dodgeball, there are 2 or more players. You'll make 2 teams. For the one who's holding the ball needs to hit their opponent. As for the other team, you have to dodge the ball. One per a team ang gagawin. Salitan ang mangyayari. If your opponent hits you, you're out. Hanggang sa maubos ang isang team, ang matira ay siyang may mataas na grade, ganon rin ang kasamang team. Do you understand?" Paliwanag ni Sir Jeth.

"Yes sir!" Sabay na sabi naming lahat.

I can say that Dodgeball is fun to play and the easiest. But, the ball might injured you kapag natamaan ka ng malakas sa katawan lalo na sa mukha. Lalo na kapag may galit sayong tao then binato sayo yung bola ng napakalakas. Masakit yon.

"Since you are 30 all in all, I'll group you into two, 15 for team 1 and 15 for team 2. I will call names for those who will be in team 1."

Sana lang kagrupo ko si Yena, para siya makapitan at gawin kong shield kapag may bumato sakin, Hehe.

"Ramos.. team 1." pagtawag ni Sir.

"Oy, mukhang masaya to ah. Sana kateam kita." Bulong ni Yena.

"Oo nga, tapos gawin kitang panangga." Sabi ko at tumawa.

"The fuck, Celeste? Ginawa mo pa akong shield ah." Inirapan pa niya ako.

"May sugat na ako sa mukha, ayoko nang madagdagan, that's why I want you to cover me." Itinuck in ko ang T-shirt sa pants ko.

"Merlich, go to team 2." Tawag ni Sir sa akin. Tumayo na ako at pinagpagan ang pwetan at pumunta na sa team ko. Nakatunganga lang ako habang hinihintay na tawagin ang pangalan ni Yena.

Our Broken PromisesWhere stories live. Discover now