a/n: uwaaaaaaaaaaaa...February 13 nangyari ito. A day before valentines. Si Lord kase pinakilig pa ko... hihihihi :)) Nais ko lang itong i-share sa inyo. Hahahah~ Mga kalandian ni author-bels. XD mga kabaliwan. XD hihihi~
Ayun, eto na...
---
Sabi ko nga minsan sa status ko, ako'y isang OJT. Sa may Ortigas located yung place ng OJT ko. Para makapasok its either mag-jeep or mag-FX ako papasok. Eh maarte ako, ayoko lumakad kaya nag-e-FX ako. Diretso na kasi yun sa building namin. Konting lakad lang. Eh pag nag-jeep ako medyo mahaba pa yung lalakarin ko. Baka mas ma-late ako. Kaya ayun, nag-FX nga ako papasok.
Medyo inaantok-antok pa ako nun. Medyo puyat kasi kanonood ng TV. Ayun, pahikab-hikab tuloy ako habang naghihintay ng sasakyan. Sakto may dumating. Kaso walang sakay. Pero sumakay na ako. Sa gitna ako napwesto. Hindi ko nga alam kung bakit dun ako naupo. Kadalasan kasi sa likod talaga ako sumasakay. Para hindi hassle sa ibang pasahero kapag baba na ako. Ayun nga. Medyo naghintay pa ng sandali yung FX bago umalis. Nagdadasal nga ako na sana may sumakay na iba. Hindi kasi ako komportable kapag ako lang mag-isa yung pasahero. Pero walang sumakay. So, ako lang yung pasahero niya. Sumandal na ako at pumikit sandali dahil nga puyat ako. Tapos nung naramdaman kong tumigil yung FX, dumilat muna ako panandalian para makita kung sino yung sumakay. Dalawang lalaki. Yung isa sa tabi ng driver. Tapos yung isa sa tabi ko. Naloka ako kasi gwapo yung lalaki. Yung tumabi sa akin.
Grabe~ Hindi ko alam pero parang nabuhayan ako ng dugo. Nawala yung antok ko.Napalitan ng kaba.
Ayun nga, biglang may mga ilang nagsakayan. Sumikip tuloy yung FX. At sobrang katabi ko na si Kuya.
Grabe, kilig-kiligan yung drama ko nun.Suuuuuuuupeeeeeer. Eh sobrang magkadikit na kasi yung arms naming dalawa. Na-o-awkward nga ako eh. Di ko alam kung bakit.
Napapansin ko pa naman siyang tumitingin doon sa front mirror sa may harapan. Eh alam ko, sa'kin nakaharap yung salamin na yun. So yung repleksyon ko yung tinitignan niya...
Omgeeeeee~ Super mega kilig. Super mega landiiii~
Napapansin kasi siya ng peripheral vision ko kaya nakita ko. Ako naman pasimpleng sa labas ng bintana nakatingin pero nakikita ko kasi kahit papano yung repleksyon niya dun. Yung tipong simpleng sulyap lang...
hihihi~ Gwapo kasi.... ^^
Tapos nagbayad na siya ng pamasahe niya. Sabi niya, "Megamall po..." Bigla akong nalungkot nun. Mas mauuna kasi akong bumaba sa kanya. Ibig sabihin konting oras lang yung panahong magkasama kami. Buti na lang, medyo trumapik ng konti. Pero kasi, nag-shortcut si Manong driver kaya mas mapapabilis yung biyahe. Kahit medyo male-late na ako, wala akong paki kasi baka eto ng katabi ko yung maging Valentines ko bukas.
Wahahahaha.... Syet! Fast forward. nyehehehe. ambilis eh no? XD Parang baliw lang. hihihihi~ Advance thinker kasi ako. Meron ba nun???? Hihihi
Ayun, so habang na-trapik, pareho kami ng pwesto ni Kuya. Pareho kaming sa labas ng bintana nakatingin.
Muntanga lang si Kuya. Gaya-gaya ng peg. hihihi~ De joke lang. XD
Eh malakas kasi ang pakiramdam ko kapag ganun. Kapag hindi gumagalaw yung saaskyan, lumalakas yung pakiramdam ko. Nararamdaman ko tuloy yung bawat paghinga ni Kuya. At eto yung kinaloka ko, sabay yung paghinga naming dalawa.
Ay sheeeet~ Destiny nga... Wahahaha... LOLs
As in, nararamdaman ko yung paggalaw ng lungs niya. Hindi ko alam kung nababaliw lang ako pero nararamdaman ko talaga. At sabay talaga siya sa paghinga ko. EH na-conscious ako, kaya binago ko yung pace ng paghinga ko. Binagalan ko ng konti para hindi na kami sabay. Mas tinatagalan ko yung pagpigil sa hininga ko. Hinihintay ko siyang mag-breathe out bago ako mag-breathe out. Para hindi na kami sabay. Nakaka-awkward kasi baka mapansin niya na sabay kaming huminga.
Nawala na doon yung atensyon ko nung nagbago yung tugtog sa music player ko. Medyo umandar na rin ng konti yung FX.
Bigla na naman akong nakaisip ng not-so-bright-idea. XD
Gusto ko pa kasing mas makatabi ng mas matagal si Kuya. Kaya parang trip ko na sa Megamall na lang ako bumaba para sabay kami. Lalagpasan ko muna yung building namin, tapos maglalakad ako pabalik.
Mygaaaaaaas~ Ang utak nga naman ni Lai. XDD wahahahaha...
Hindi ko alam pero parang napa-evil laugh ako sa utak ko nung maisip ko yung ideyang iyon.
Nung nasa may ilalim na ng tulay, hindi pa rin ako makapag-decide kung sa Tektite or sa Megamall ako bababa. Hindi na ako makapag-isip ng maayos.
Nung dumaan na malapit sa building namin yung FX, pinalagpas ko muna. Pinaandar ko ng konti, tapos tsaka ako bumaba. Iniwan ko na si Kuyang mag-isa. Pero eto lang talaga ang masasabi ko.
Gwapo siya. Swerte ako.
---
Kinabukasan, Valentine’s day. I was expecting na baka makita ko siyang muli. Halos ganung oras din kasi ako pumasok para nga sakto. Nagbabaka-sakali ako na baka maging magkatabi ulit kami. Pero hindi naman nangyari. Walang sign. Hindi siya dumating. Siguro nakasakay na siya ng mas maaga.
Sayang naman. Hindi ko na ulit makikita si Kuya. Malapit na rin kasing matapos ang OJT namin. Sayang talaga. Hindi ko na makikita si Kuya. Pero alam ko kung saan banda siya sumasakay. Hihihi~ Magkikita kaming muli. I know. hihih~
---The End---
a/n: maraming salamat sa pagbasa ng kabaliwan ko. Nakakaloka. This is a true story. XD kaya nakakaloka. Thank you sa pag-vote, pag-comment, pag-follow dito... Thank you. Very much appreciated.. SARANGHAE :)
BINABASA MO ANG
PARA-PARAAN
HumorMUNTANGANG stories at walang kwentang post ng author... based on life experiences... XDD