// Assignments

167 5 4
  • Dedicated kay Gia Baylon
                                    

Nak, ito lang yung nakayanan ng isip ko.. wahahah... ayoko ng habaan pa eh.. XD wala na ko maisip. ^_______^

***

Assignments

"Pakopya nga!" yan ang kadalasang naririnig sa room namin. Lalo na sa mga mahihirap na assignments.

Isang araw, nagbigay yung auditing prof namin ng assignment na sobrang hirap. Eh dahil sa online ako at walang magawa, nag-try akong magsearch sa net about dun sa auditing problem na yun.

Luckily, I saw a problem, the same as what our professor gave us, pero magkaiba lang ng amount. Ayos na sanang pagbatayan para dun sa assignment namin, kaso nga lang walang solution dun sa problem na yun, so parang walang kwenta din yung nahanap ko.

2 days yung pagitan, bago yung klase namin sa auditing.

Yung first day, wala kaming pasok so wala akong ginawa. Nanood lang ako ng DVD buong maghapon. Tinatamad kasi akong gawin yung assignment. Feeling ko hindi ko magagawa yun eh. Nung gabi, nabasa ko yung mga status ng classmates ko sa FB, 3 books na daw yung nasa harapan nila pero hindi daw nila masimulan, hindi nila magawa. Ayun, kaya nag-assume na ako na hindi ko nga magagawa yun. Hindi ko na talaga ginawa.

Yung second day, may klase naman kami ng 6pm-9pm. Kaya nagpunta muna sa amin yung mga friends ko. Yung dalawa gumawa ng report nila. Ako binasa ko lang yung ire-report sa subject namin for the day. Yung dalawa nanood ng movie, yung 'Snowhite and the Huntsman'. Yung isa, nag-try i-solve yung assignment sa auditing pero hindi niya natapos since papasok na kami. Magbabiyahe pa kasi kami papasok sa school.

Ayun, in the end, hindi din namin natapos yung assignment sa auditing. After nung klase namin, mga 9pm na nun,

"Sama ka sa'min. Gawa tayo ng auditing sa McDo" yaya nung kaibigan ko.

"Eh? Gabi na eh... Baka pagalitan ako..." paliwanag ko. "Pakopya na lang bukas. O di kaya itext mo sa akin yung sagot..."

"Eh? Sumama ka na kasi..."

"Ayoko nga. Pagagalitan ako ni ama..."

Ayun, gumawa sila sa fast food restaurant na yun, ako umuwi na. Inabot daw sila ng halos magtu-twelve midnight pero hindi din nila nagawa yung assignment.

Napag-usapan naman namin nung kaibigan ko na maaga nalang pumasok bukas. Baka sakaling makakopya sa iba naming classmate.

Sa bahay naman, halos mabrain damage na ako. Hindi ko alam kung paano gagawin ko. Medyo naintindihan ko na yung iba kaso parang hindi ko alam kung paano yung gagawin. Ayun, ang ending, tinulugan ko yung assignment.

"Bahala na bukas. Maaga naman kaming papasok. Sana makakopya... XD"

---

The next day, 12 noon pa yung start ng klase namin. Pero 11 palang andun na kami sa school. Naglabas na ng worksheet at nagsimula ng mangopya ng assignment. Pahirapan mangopya kasi nagdidiskusyon pa sila kung alin yung tamang entry. Eh since nangongopya lang kami, hindi na kami nagrereklamo kung may mga mali sa mga nakokopya namin. Natatakot kasi kami na baka matawag kami at wala kaming maisagot. Patay yun! kasi matagal-tagal na sermon ang aabutin namin.

"Pakopya nga!"

"Uy! tapos ka na sa Problem 1? May sagot na ko sa problem 2..."

"Anong basa dito?"

"Bilisan mong magsulat... Dali... Pakopya na..."

PARA-PARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon