Si RP...

81 3 0
                                    

If you've read my post about Kfest, then kilala nyo na siya... :)

Siya kasi yung ultimate crush ko sa dinami-dami ng mga kasali sa cover group. Siya nga yung inspiration ko sa novel kong 'Seven Beats' XDD

Ewan ko ba kung kailan nagsimula yun. All I know is, nalipat sa kanya yung pagkaka-crush ko nung may nagsabi sa akin na may pagka-bading yung crush kong isa. XD Ayun, so siya na yung naging crush ko.

Wahahaha... First time in history yun. Gaya nga nung sabi ko dun sa last post ko, never na akong nagka-crush nung napasok ako sa KPOP World at nung nakilala ko si Lee Sungmin. Kaya nga hindi ko maintindihan yung sarili ko ngayon eh.

Matindi pa naman akong mgaka-crush. OA masyado, kaya feeling nung iba pag-crush ko, mahal ko na agad. Pero hindi naman ganun yun. XDD

Nung nalaman nga yun nung mga kaibigan ko ay sinumulan na nila akong tuksuhin sa kanya. Parang mas lalo tuloy lumalim yugn feelings ko. Pero hanggang ngayon, crush ko pa rin siya. Hindi naman sa in-denial ako or ano, pero hanggang crush lang talaga siguro yung kaya kong ma-feel sa kanya. Or in-denial lang talaga ako.

Nung medyo nagtagal na yung feelings ko para sa kanya, naisip ni LM na kailangan ko ng mag-move on. Move on talaga yung term, eh hindi naman naging kami. Mag-mo-move on na rin kasi si LM sa pagkaka-crush niya kay MP. Ayun, pustahan pa kaming dalawa. Paunahang maka-move on. Malaks yung loob kong makipagpustahan nun, kasi matagal ko siyang hindi makikita, so mas madali akong makakamove on.

Ayun, naka-move on si LM. Ako, medyo-medyo.

After exactly 89 days, nagkita ulit kami sa isang event. Naloka ako, kasi yun yung first time na nakapagpa-picture ako sa kanya. At kitang-kita dun sa picture na yun yung kaba ko habang nagpa-picture sa kanya, napilit lang kasi ako magpa-picture, pero deep inside, kilig na kilig ako nun. Itinatago ko lang. Nakakahiya naman sa kanya eh... wahahahaXDD

After 68 days, nakita ko ulit siya sa isang event. Nasanay na nga akong hinahanap siya ever event eh. Pero this time, hindi ako nakapagpa-picture sa kanya. Napadaan nga kami sa may harapan nila pero yumuko ako nun, at hindi ko siya tinignan. Nahiya kasi ako, kaya hindi ko tuloy siya nakita ng malapitan. Kaya ayun, nung nagperform sila, asa may stage siya, ako sa may audience. Patingin-tingin lang ako kahit nasa malayo siya. Sanay na naman akong makita siya ng malayuan eh. Never niya naman akong mapapansin. Crush lang naman eh. Inspiration kumbaga. :)

After 21 days. Yun yung araw nung Kfest. Finally, the sencond picture with him. Sobrang saya ko nun. Sobrang kilig ko rin. Nasa harapan kami ng stage nun. Tapos may mga katabi akong sobrang lakas kung isigaw yung pangalan niya. "RP! RP! RP" Oa nga eh. Basag na yung eardrums ko dun. Ako tahimik lang habang pinapanuod at nagfa-fancam sa kanya. Naiyak nga ako after nung isang performance niya eh. Di ko rin alam kung bakit ako naiyak, siguro tears of joy. Siya lang nga yung tinitignan ko buong performance nila. Ang nakakaasar. Minsan natatakpan siya nung isang member. Andun kasi siya sa left side, eh nasa may right side ako kaya hindi ko siya masyadong makita nun. Pero may part na lumipat siya sa may right side, andun ako. Abot-kamay ko siya. Shemaaaay! Baliw na baliw ako nun, pero self-contained lang yung emotions ko. Hindi ko maisigaw yung gusto ko. Mas malakas kasi yung sigaw nung iba kesa sa akin. Hindi ko sila kayang labanan. Isa pa, medyo paos na rin ako nun.

Ayun, after kong magpa-picture sa kanya, yung kilig hindi na nawala. Hanggang sa pag-uwi ko sa amin, kinikilig pa rin ako eh.

Natawa nga ako nung pag-gising ko nung kinabukasan nun eh. Yung mukha niya kasi yung una kong naisip nun. Napa-smile na lang ako nun bigla. :)

***

a/n: Ayan na si crush ah... XD wala lang... hihihi. I just posted something about him. Pag lang talaga naging close kami nitong si crush na ito... =__________= Libre lang naman mangarap eh... Pwede na akong mamatay... wahahaha... OA lang talaga.

Kaya nga nahihilig na ako sa pagpunta sa mga events dahil sa kanya... hihihi ^^ Ini-inspire ako palagi ni crush eh, kaya ayun, lagi tuloy akong masaya. Pero minsan nalulungkot din ako pag naiisip ko siya kasi sa lagay ko ngayon, never ko pa syang maabot. Pero I know that'll happen...

PERO MAS MAHAL KO PA RIN SI BEBE SUNGMIN KO!! XDD wahahaha... nagkaroon bigla ng turn-over eh... wahahaha :P

SARANGHAE ^^ MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA. THANK YOU!!! AYLABYOW~! :)

PARA-PARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon