// Girl Crushes...

226 3 0
                                    

Just want to share this experience of mine. Naalala ko lang kasi naging topic ito ng pag-uusap namin ng mga friends ko kanina. 

***

Normal lang naman sa isang babaeng magka-crush diba. Normal din na magka-crush ka ng babae kahit girl ka. Ako, aaminin ko, may naging crush akong babae, si Seungyeon ng Kara at si Seohyun ng SNSD tapos pati si, itago na lang natin siya sa codename na JV. 3:) Pero kahit nagka-crush ako sa girl hindi ibig sabihin nun na nag-iba na yung sexual orientation ko. Girl pa rin ako and I super duper like boys... XDD

Hindi naman ako kagandahang babae, isa lang akong hamak na cute na estudyante, kaya maloka-loka ako nung nagconfess sa akin yung classmate ko na may crush siya sa akin. Hindi kasi ako sanay na malamang may crush sa akin ang isang tao kaya hindi ko alam ang ire-react ko nung sinabi niya sa aking crush niya ako.

"Crush na kita... Simula ngayon, boyfriend na kita..."

At ako pa talaga ang ginawang lalaki eh noh?!

Nung first year highschool yan... Take note: babae yung nagsabe sa akin nyan.

Sa harapan ko siya nakaupo at close kami. Eversince, sinabi niya yun sa akin, hindi ko alam kung maiilang ba ako or ipagpapatuloy yung pakikipagkaibigan sa kanya. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko eh. First time kasing may nagsabing crush niya ako eh. Tapos babae pa, EPIC... XDD

Well, hindi naman kami nailang sa isa't-isa. Kasi naman eh, nasa harapan ko siya tapos magka-group pa kami sa mga projects kaya mahirap kung maiilang ako sa kanya. Tapos siya rin naman eh, lagi kasing nanghihiram ng cellphone sa akin. Uso pa kasi yung 3310 na Nokia nun, tapos mahilig siyang maglaro ng Snake kaya nanghihiram siya ng cellphone sa akin.

"Iha-high score ko 'to para kay crush..."

Ewan ko ba sa kanya kung bakit niya ako naging crush. Hindi naman ako lalaki eh...

Nagkahiwalay kami ng section nung 2nd year hanggang 4th year at mukhang nakalimutan na niya yung crush niya sa akin. Tsaka naman pumasok ang isa pang girl na nagkaka-crush sa akin.

---

Seatmate siya ng best friend ko nung 4th year. Sinabi niya rin sa akin na crush niya ako. Babae ulit siya.

"Crush kita. Ang cute mo kasi..."

Waaah! Cute daw! XDD Ayoko talaga kasing tinatawag na maganda, mas gusto ko pang tawaging cute...

Nailang ako sa kanya. Kasi naman yung lalaking bestfriend niya, crush din daw ako. Naloloka ako sa kanilang dalawa.

Ayun, kapag time ng recess, mahilig pa naman akong pumunta sa bestfriend ko para sabay kaming kumain. At lagi akong nauupo sa upuan niya.

Nakita ko siyang papalapit sa upuan niya, "Ay... sige" paalam ko sa best friend ko.

"Hindi, sige, ayos lang... Upo ka muna dyan..." tapos may kinuha lang siya sa bag niya tapos umalis na.

Ewan ko. Naging iwas na ako sa kanya after nun. Nakita ko nga yung picture naming dalawa sa FB eh. In-upload niya pala. XDD Niyaya niya kasi akong mag-picture nun at kahit naiilang ako, tumabi ako sa kanya at nag-smile na rin. Last day na kasi namin yun sa school.

---

Nung naging college ako, akala ko, matatapos na yung sumpa. XDD Sumpa talaga eh noh... :))

Yung naging kaibigan ko naman ngayong college yung nagsabi sa akin...

"Actually, naging crush kita eh... Pero ngayon wala na... Ayokong sabihin sa'yo kasi kaibigan kita. Baka mailang ka sa akin…"

PARA-PARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon