***
A/N: Ang baliw lang kasi nung nakilala kong fanboy. Nakakatuwa. Di ko inakalang mahilig din siya sa Super Junior. ^^
---
This happened to me last Monday. (July 30, 2012)
Wala kasi akong pasok nun sa eskwela, eh may practice pala ng sayaw yung cover group namin for the upcoming album launch so kailangan namin mag-practice.
Mga 2pm na sila dumating, nagulat ako kasi may kasamang lalaki yung isa nameng member. Habang naglalakad kami sa place ng pagpa-praktisan namin, introduce-yourself-mode yung nangyari.
"Ate Lai, si *sorry, i forgot his name XD*" pakilala sa akin nung isang member namin.
[a/n: let's call her 'Kuya' na lang. Nakalimutan ko talaga yung pangalan niya. I'm not good with names...]
"Hello..." bati ko, tapos kumaway pa sa kanya.
[a/n: naging habit ko na kasi yung nagwa-wave ng kamay kapag nagha-hi or hello or nagba-babay^^]
"Hi..." maikli niyang sagot.
Nung nakarating na kami sa place kung saan kami nagpa-practice, tahimik lang siyang naupo sa isang sulok, habang kami ay nanonood sa laptop nung mga dance steps to be memorized.
Tapos pinalapit siya nung isa naming member.
[a/n: mag-gf-bf yata sila. Hindi ko alam...]
Lumapit siya tapos dun naupo. Tinuturuan namin yung bago naming member nung mga dance steps kasi hindi niya pa alam yung ibang steps, tahimik lang si 'Kuya' na nanonood.
Nung nagtagal na, nagsasalita-salita na rin siya. Nag-solo muna kasi silang bf-gf sa may isang sulok. Tinuturuan din yata ni Kuya yung gf niya.
Kami, nanood muna ng ibang mga videos sa laptop. Tapos practice ulit. Paulit-ulit sa pag-play yung kantang 'It's War' ng MBLAQ. Yun kasi yung sasayawin namin eh.
"LSS na ko sa kanta..." mahinang sabi ni Kuya. Dun niya kami unang kinausap.
"Eeeeeh... I-do-download niya yan mamaya..." tukso ni gf.
Nung nag-break muna kami sandali, nagpatugtog ng kung anu-anong KPOP songs yung kasama ko. Yung mga dance songs. Natutuwa ako kasi, halos pareho naming alam yung step, kaya ayun, sayaw lang kami pareho kahit hindi naman iyun yung ipe-perform namin.
Tapos lumapit na sina Kuya. Tumutugtog yung 'Goodbye Baby' ng Miss A nun, nasayaw kami pareho nung kasama ko.
"Sino kumanta nyan?" tanong ni Kuya.
"Miss A" halos sabay-sabay naming sagot.
"Bago ba yun? Wondergirls lang kasi kilala ko..." Tapos natawa akong bigla kasi ginawa niya yung step nung 'Nobody' ng Wondergirls. Yung step sa 'Nobody, nobody but you...' Andame kong tawa sa kanya nun. Nakakaloka kasi yung pagsayaw niya.
Tapos tumunog naman yung 'Bubblepop' ni Hyun-ah. Sayaw lang kami pareho nung kasama ko.
"Sino kumanta nyan?" tanong niya ulit.
"Si Hyunah..."
"Ah... Diba member dati yun ng Wondergirls?"
"Oo..."
"I-search mo yang 'Bubblepop' sa Youtube. Panoorin mo..." sabi ni gf
Then, ayun. Usap-usap about Kpop Groups. Pati nga mga Entertaiments sa Korea, napag-usapan namin.
"Magagaling talaga yung artists ng SMent no?" sabi ni Kuya.
"Syempre, andun yung asawa ko..." sabi ko,
"Yung sakin din" Taemin-bias kasi etong si gf.
"Pasensya na ah... Wala kasi sa Ent na yun ang asawa ko..." pasaway na sabi nung isa kong kasama. Kiseop-bias kasi siya.
Nung tumugtog yung 'Oh' ng SNSD, nakisali na siya sa'ming dalawa. Well, hindi naman niya alam yung sayaw, ginagaya niya lang yung ginagawa namin. Laughtrip nga si Kuya eh. Pag siya yung nage-execute nung steps, kakaiba. Parang hindi tama, laughtrip talaga.
Nung medyo pahinga mode na...
"Laos na ba yung Super Junior?" tanong niya.
At dahil ako'y isang ELF di ko napigilan ang bugso ng damdamin ko, XDD "HINDI AH! KAKA-RELEASE NGA LANG NILA NG BAGONG ALBUM EH.., MAY REPACKAGE PA NGA EH..." halos pasigaw kong sagot. XD
"Fan ka ba nun?" tanong niya.
Hindi ba obvious? XDD
"Oo naman..." super proud kong sagot
"Ano namang nagustuhan mo sa kanila?" tanong niya ulit
Eto naman yung timang kong sagot, "SI SUNGMIN..." with smiling face pa yung sagot ko nyan ah...
[a/n: well, yung maayos na sagot? masyadong maraming katangian ang Super Junior kaya ko sila gusto. Hindi ko kayang isa-isahin. Too many to mention eh...Kaya kahit sino pang KPOP Group ang lumabas, hindi maalis ang Super Junior at si Sungmin sa puso kow! XD]
Sumagot din si Kuya sa sagot niya, "Ako, nagustuhan ko sila kasi, magaling silang kumanta, tapos may magaling sumayaw, tapos may magaling din kumain..." tapos natawa siya sa joke niya.
Nakisakay na lang ako. Nakitawa din sa kanya. Natatawa kasi ako sa tunog ng tawa niya eh. Kaya napatawa na rin ako.
"Hahaha... Oo nga, magaling kumain... XDD" natawa dahil sa tawa ni Kuya. XD
After nung convo na yun, nag-practice ulit. Nakikisabay siya sa sayaw na ginagawa namin,
"Bakit pag siya yung sumasayaw, natatawa ako... hahaha" sabi ko sa kasama ko. Natatawa rin si Kuya sa sinabi ko. Muntanga nga kasi, pero nakakatuwa... Wahahaha... :))
Tapos nung last na, nag-request pang turuan ng sayaw.
Pinatugtog nung kasama ko yung 'Mr. Simple', eh di ayun, sayaw kami. Ginagaya lang ni Kuya kung anong moves yung ginagawa namin.
Tapos 'Sorry, Sorry' naman. Ayun, medyo nakuha niya yung steps. Medyo madali lang din kasi yung steps eh... After nun, uwian mode na... ^^
---The End---
[a/n: Hello Kuya, kung mabasa mo 'to, wag kang magalit, tuwang-tuwa lang ako talaga sa'yo kaya ko 'to naisulat. Ang kulit mo kasi eh... Next time yung Sexy, Free And Single naman ang sayawin natin... ^^]
![](https://img.wattpad.com/cover/1545370-288-k183920.jpg)
BINABASA MO ANG
PARA-PARAAN
HumorMUNTANGANG stories at walang kwentang post ng author... based on life experiences... XDD