a/n: bale, hindi po ito story, ahmmm... reaksyon ko lang ito sa mga current issues na nababasa at naririnig ko... dito ko na lang ipo-post :) Kunyare, blog ko rin ito... Salamat sa babasa. ^_______________^
Naasar ako kaya ko nasulat ito. Hindi ko na rin kasi ma-contain, baka di ko kayanin kung itatago ko pa. Actually, alam ko waste of time lang ang pagpo-post ko nito pero naasar na talaga ako eh. Yung tipong matutulog na lang ako, iisipin ko pa yung tungkol dito. Kaya pa-post lang...
---
After nun SiHae event sa Trinoma, may nabasa ako kahapon (08-19-12) na mga bashes about sa kanila.
Yung una ay si Jay ng Kamikazee. Well, hindi naman about sa SiHae yung pag-bash niya pero nag-tweet daw siya at sinasabi niya na wag ng suportahan yung Super Junior kasi Super Junior na daw yun. Opm daw dapat yung suportahan. Tapos pag daw album ng Super Junior, original yung binibili tapos pag Opm, pirated na.
Well, guilty ako about sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh. Pag Super Junior, original ang binibili ko. Tapos pag Opm, hindi ako bumibili, nagda-download lang ako sa mga music sites. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na gusto ang Opm. Sa totoo nga lang, gusto ko ang Kamikazee. Favorite ko ngang kanta nila yung 'Director's Cut' at 'Narda'. Tapos favorite ko rin yung Spongecola, Silent Sanctuary, Callalily, Parokya ni Edgar at marami pang iba.
Pero hindi ganung katindi tulad ng pagsuporta ko sa Super Junior. Pasensya na, andun kasi yung asawa ko kaya kailangan kong suportahan. XDD
Kidding aside, pwede naman kasing mag-promote ng Opm, withour bashing others naman diba?
Then ayun, after ng rant ng iba't ibang Kpop fans, nag-sorry siya about his tweet. Nagso-sorry siya sa mga na-offend na Kpop fans. Nagbibiro lang daw siya.
Buti naman nag-sorry siya. :) Pero hindi ka namin mapapatawad hangga't hindi ka nagsasayaw ng 'Sorry, Sorry'. LOL. Corny~ XDD Sana naman kase, sa susunod, yung nakakatawa yung biro. Hindi kasi nakakatawa yung biro niya eh. Para kasing.... ah basta~ You know what I mean...
---
Tapos ditong isyu talaga ako naasar ng bongga. Yung tipong muntik ko ng masira yung kapit kong unan habang binabasa yung pesteng article niya.
May post kasi sa net. Abante newspaper yata yun. Tapos may article dun na nagsasabing kesyo nangarap daw ng gising si Donghae at Siwon about sa 25,000 fans na dumating sa event na yun.
Ampooooooota~ Sakalin ko kaya 'tong columnist na to? Tara! Pagtulungan natin XDD
Ayun, bale ang basehan niya at 25,000 daw kasi ang capacity ng MOA Arena tapos kung ikukumpara mo sa Trinoma, ang laki ng difference.
Eh kasi naman po! ESTIMATE lang yung 25,000 fans na yun! Sa dami naman ng umattend dun, bibilangin pa ba ng SiHae kung ilan yun? DUH~ Konting common sense naman po kasi. Buong Trinoma, mula first floor hanggang fourth/fifth floor yata, may mga ELF nung araw na yun...
Nakakaasar siya.
Oo. Alam ko, kailangan makatotohanan yung news, pero bakit kailangan pang i-bash yung dalawa para lang masabing credible yung news mo? Di man siguro 25,000 yung andun, pero kailangan talagang gawan ng isyu yun? Tapos yung mga terms na ginamit pa. Kesyo nangarap ng gising? Dahil ba alam mong maraming Kpop fans sa Pilipinas kaya ka naglabas ng article na ito. Gusto ulit sumikat? Gustong gumawa ng news? Gosh~ Isn't this a pathetic tactic?
Sa susunod naman, good news ang ibalita mo, nakaka-bad vibes ka kasi eh... >_________________<
Maraming ELF ang nag-rant about this topic. Halos buong news feed ng Facebook account ko punung-puno ng comment about this article. Syempre, papalagpasin ba nila yung topic about Super Junior. Hindi noh? Kami pa. Sadyang nagiging war freak kami kapag idols na namin yung bina-bash. Ano nga ba kasing ginawa ng SUper Junior or ng ibang K-artist/Kpop groups kaya bina-bash nyo sila? Sobra na ba ang insecurity nyo kaya umabot na sa extent na kailangan pangit yung ibinabalita about sa kanila? Bakit ganun?
Sa susunod na event, tandaan mo! Bilangin mo kami. One-fourth palang yata ng population ng ELF yung nakapunta sa Trinoma nun eh. Pasalamat ka nga at maliit yung Trinoma, at hindi lahat ng ELF kayang pumunta nung araw na yun. May mga pasok kasi yung iba at hindi pwedeng umabsent. Kung nagkataon at lahat ng PhELF ay nakapunta nung araw na yun ay baka gumuho na yung Trinoma. Baka hindi na nagkasya mga tao dun :)
Ganito na lang, mag-head count tayo sa SS5 or kahit sa SJ Convention kaya? Ipakita natin sa pesteng columnist na 'to yung 25,000 na taong hinahanap niya. :D
---
Ayun, alam ko may iba't ibang saloobin tayo about sa isyu. Eto lang gusto kong sabihin, everyone is entitled to his/her opinion. So ayun, opinyon ko 'to. Ikaw ano opinyon mo? :))
---The End---
a/n: Pasensya sa rant ah... Dito ko talaga pinost kasi konti lang ang makakabasa at walang mga epal na non-Kpoppers na magco-comment. Ayoko kasi sa FB ko, maraming paepal at pasaway na friends ko dun XDD
Ayun, salamat sa pagbabasa~ ^^, USAP TAYOOOO~
BINABASA MO ANG
PARA-PARAAN
HumorMUNTANGANG stories at walang kwentang post ng author... based on life experiences... XDD