// Journey Towards Getting OGSManila Ticket

31 3 0
                                    

a/n: pa-spazz lang ulit! kakabili ko lang kasi ng ticket para sa 'One Great Step' in Manila ng Infinite :) wieeeeeh~ First solo concert nila sa bansa and I'm proud to say na sa maikling panahon kong pagiging Inspirit, hindi ko na palalagpasin ang ganitong pagkakataon :)

---

As from my previous post, mahihinuha nyo na na  ako'y isang pulubing bata sa mga ganitong panahon. After maubos ng ipon ko nung bumili ako ng ticket para sa SS5Manila nung September 6, 2013, hinintay ko yung sumunod na payroll para sa panibagong libre ulet.

Every month kasi, napagdesisyunan naming magkakaibigan na may LIBREHANG mangyayari sa bawat month. Kapag ikaw na-toka for the month, lilibre mo yung buong grupo. Eh sakto, ako pa yung na-toka sa September, ayun. Nilibre ko sila. Syempre hindi lahat naubos dun, ung ibang nasahod ko naman,n pinambili ko ng mga personal things and many food!. hahaha.. XD So ang ending ay 1020 na lang yung natira sa ipon ko.

Kwenta mode.

Galing talaga ng math. :)

Ayun, nagkwenta ako ng sasahurin ko for the next payroll which is September 30. Nakwenta ko na aabot siya ng 5k+. Lumabas na yung prices ng tickets ng OGS nun. Undecided ako sa bibilhin ko. Nagplano ako kasi na halos 4000+ per ticket lang yung gagastusin ko sa parehong concert. Yung sa Super Junior kasi is 3520 ung nagastos ko, so hopefully halos the same price lang yung plano kong gastusin for Infinite para walang lamangan na mangyayari, pero kabaligtaran ang nangyari. 

The ticket prices were:

PATRON (Standing) - P9,010 LOWER BOX - P9,010 UPPER BOX A PREMIUM - P5,725 UPPER BOX A REGULAR - P4,455 UPPER BOX B PREMIUM - P2,460 UPPER BOX B REGULAR - P1,910

Di kasi keri ng budget ko yung patron standing at lower box, kaya yung natira is the upper box a premium at upper box a regular. I don't know what got into me pero yung Upper A Premium yung binili ko. 5725 yun plus yung 20 pesos na charge. Mygaaaaaas~ Naubos yung sinahod ko. AS in! sagad! HArd na hard.

---

Ayun, nung nakarating na ako sa TIcketNet booth! (Yay! Tama na yung pinuntahan ko.hahaha)

Walang pila sa Show Tickets na line, pero wala ring cashier. Ayun, kinapalan ko na yung mukha ko at kinausap si ateng cashier sa kabilang cubicle at nagtanong na "Wala pong tao sa Show Tickets?"

Tumingin siya sandali tapos, "Wala pa eh, sandali lang ha..." tapos inasikaso niya yung nasa harapan niya, sa Bills Payment kasi siya. 

After nung customer sa harapan niya, kinausap niya ako,

"Sang show yan?"

"Yung sa Infinite po." sagot ko.

"Yung sa Smart Araneta?"

"Yes po." nakangiti kong sagot.

"Wait lang ha, may ginagawa pa siya eh..."

Ayun, waiting mode. Yung ilang minuto parang sobrang tagal. Grabe...

Tapos dumating na yung girl sa Show Tickets. Lapit agad ako sa harapan tapos hinanda ko yung wallet ko.

"Para saang show?"

"Yung sa Infinite po, yung One Great Step" paliwanag ko.

"Sa Smart Araneta?"

"Yes po..."

"Kelan yan?"

"November 3 po..."

Tapos may pinindot-pindot siya sa computer niya. Waiting pa rin ako.

"Eto yung mga price nung tickets, alin dyan?"

Wala ng patumpik-tumpik pa, "Yung 5745 po..."

"Ang mahal naman ng ticket niyan... Eto ba yung mga Korean?"

"Yes po." napangiti na naman ako.

Tapos inabot na niya sa aking yung mahiwagang ticket,

Juskooo~ Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinipigilan kong magtatalon, maglupasay, magtitili, umiyak at magsisigaw nung mga oras na yun. Tapos nung naglalakad ako pauwi, nararamdaman ko na parang gustong lumuha nung mga mata ko. Siguro dahil sa sobrang saya lang.

---

Sa totoo lang, wala na akong gagastusin for the days before payroll. Wala na akong pera. Huhuhhu... T^T Pero magagawan ko ng paraan yan! Ako pa! Basta para sa kanila, kayang gawan ng paraan, tinulungan naman ako ni Lord jan eh. hihi~ PAUTANG! XD

Over all, sobrang saya ko pa rin kasi finally, ma-me-meet ko na si Second bias ko! :) Hello Lee Howon! I want to see your abs on OGS MANila. wahahaha.. Okay ako na perv. :)

Hihih~

See you sa mga pupunta ng OGS.

Upper Box A Premium Row 3 Seat 3,

Yung nasa Row 3 Seat 2 at Row 3 Seat 4. :) See you~ Ako ang katabi nyo! Sana maging friends tayoooooooo~ :)

---

a/n: as of now, wala pa ring updates sa mga story. pasensya ha! pansariling experiences lang yung na-se-share ko. hihi~ Naghihirap para kumita ng pera. Kailangan pa ng lightsticks for both concert. Gusto ko rin bumili ng souvenir shirts kahit fanmade lang for both concerts. Yay! IPONING STARTS AGAIN! Wish me Luck! :"""">

PARA-PARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon