KFEST...
A/N: Sobrang saya ko kasi kanina kaya balak ko sanang i-share yung happiness ko sa inyo. Kaso malamang hindi nyo rin ako maiintindihan. Iba kasi ang takbo ng utak ng isang fangirl na katulad ko. wahahaha... :)) Pasensya na. Kailangan kong isulat ito, kungdi baka mabaliw ako sa sobrang kaligayahan. Nobela to... XDD Simula kasi pag-alis ko ng bahay hanggang pag-uwi ko, ikukwento ko. Hindi na kasi kasya sa diary ko. Kaya dito na lang sa watty :)
***
Annual KPOP and Culture Fest, yan yung title nung event na pinuntahan ko kanina. Pang-3rd na nila ito. Present ako nung 2nd at 3rd at hopefully sa mga susunod pa.
Once a year, every July nagaganap yan and sa Megatrade Hall sa may SM Megamall ginaganap. At dahil isang sakay lang ang Megamall sa amin, hindi ko na pinalagpas yung event na ito. Isa pa, makikita ko muli yung crush ko. :)
Ayun, nagtext sa akin yung kaibigan ko, siya kasi yung magme-makeup dun sa kaibigan niyang cosplayer and she wanted me to come to the even earlier. Mga 8:30 palang daw dapat andun na ko.
[a/n: Pasensya, excited yung friend ko masyado.]
Ma-o-OP daw siya. Let's call her GO. :)
Eh, may iba pa akong kasama bukod sa kanya. Ngayon kasi kami muling magkikita ni Ming [a/n: callsign namin nung friend kong na-meet sa isang ELF Clan] Kaya imber na 8:30 ako umalis sa amin, mga 9:00 na ako nakaalis, hinintay ko rin kasi yung ama ko for the pocket money for the event.
Ayun, naghintay na ako sa may sakayan. Nakakabwisit naman kasi bigla-biglang bumuhos yung ulan. Ayaw makisama nung panahon sa akin, buti may dala akong payong. Naghintay ako ng naghintay pero walang dumadaang 'Crossing United'. Kapag may dumadaan naman, puno na at wala ng space para upuan ko. At dahil sa inip ko, mas pinili ko na lang sumakay ng 'Quiapo' para makaalis na at makapunta ng Megamall. Susunod na lang daw si Ming kaya nauna na ako.
Naglakad pa ako ng kaunti para makarating doon, at nakakaasar dahil nabasa ng bonggang-bongga yung rubber shoes ko. Naiilang tuloy akong maglakad kasi, nabasa na rin pati yung medyas kong suot. Ayun, pati yung pantalon ko, may talsik na rin ng tubig ulan. Pero nakarating naman ako ng mabuti dun sa place. Nagkita kami sa Jollibee ni GO. Nagulat ako kasi kasama niya pala si EJ, tapos si SN, DH at K.
[a/n: si GO lang ang kilala ko sa kanila, kadalasan ko silang nakikita sa mga event pero hindi ko sila kilala personally kaya naiilang ako doon.]
Pinaupo naman nila ako. Medyo warm yung welcom ni JE at SN. Kaso hindi ko masyadong nakausap ng maayos si DH at K. Lalaki kasi sila and medyo naiilang ako. Ang tangkad kasi nila. LOLXD
[a/n: si DH, nag-solo cosplay siya ng Donghae, tapos si K, solo cosplay ni Kai, si SN, solo cosplay si Sunny]
Ayun, after nung chikahan portion, chu-chu, we decided na umakyat na sa 5th floor kung saan gaganapin yung event. And as usual, isang napakahabang pila yung tumambad sa amin. Ganyan naman palagi eh. Hindi na nakakapanibago, at may alam na kaming paraan para hindi na pumila. Syempre, sisingit kami..
[a/n: B.I. masyado si author... XD pasensya na...]
Joke lang... Actually, may nakapila na para sa amin, nagpabili na kasi kami ng ticket. Kaya ayun, hinanap namin. At nakita namin siya agad, konti na lang yung kailangan ipila.
Eto namang magaling na si GO, iniwanan ako kasama yung lalaking pinsan ni JE. Hindi naman kami close nun, ako pa tuloy yung na-OP. Buti na lang halos nasa harapan lang pala namin yung mga ka-clan ko. Nagulat ako kasi nakilala pa nila ako. Natuwa naman ako :) Ayun, usap-usap lang kami, kaso umalis sila after ng ilang minuto, nakabili na kasi ng ticket yung kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
PARA-PARAAN
فكاهةMUNTANGANG stories at walang kwentang post ng author... based on life experiences... XDD