This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Mainit na panahon ang sumalubong sa akin pagkababa ko sa sasakyan namin. Today is the first day of school. I know that my story is cliché but still I have the guts to share it with you, my dear readers. So balik tayo. Grade nine na ako, I graduated in this school. I found it nice dahil ito parin ang iskwelang pinasukan ko mula grade one. Sino kaya ang mga kaklase ko ngayon?
As I walk through the noisy corridor, nakita ko ang isa kong kaklase which is luckily my close friend back in grade eight. I noticed that she already saw me so I decided to call her by her second name.
"Janina! Janina! Dito!" pasigaw na sabi ko sa kanya. Agad naman siyang dumiretso kung saan ako nakatayo. Niyaya ko siyang hanapin ang classroom for the ninth graders, and nakita namin agad ito. Unang classroom ito after the elementary teachers' faculty room. Dahil kakaunti pa lamang ang tao sa room and most of them are new comers, we've decided to stroll around the school.
"Oh ano, Loise, kamusta naman ang lovelife natin?" ani niya sa akin. Patawa talaga 'to. I forgot to say that my name's Loise, Louella Loise Guevarra. Yeah, inaamin ko, na inlove na ako. I was thirteen back, then. Too young, right?
"Ano ka ba? 'Di ba pwedeng vacation muna bago lovelife? Haha," ani ko sa kanya na natatawa pa. Porke siya'y walang lovelife, akin ang guguluhin. Hehehe.
"Tsk, damot. Wait- Angel! Angelinaaaa!" nagulat naman ako sa bigla niyang pagsigaw. Oh My! It's Angel! Kaway kami ng kaway sa kanya. God, how we missed each other. We hugged each other while laughing.
"Loise! Janina! Grabe, namiss ko kayo," ani naman niya sa amin. Hindi nagtagal ay dumating na ang iba pa naming dating kaklase.
Dahil sa sobrang kasiyahan namin ay nagbell na. It's a sign that we should go to our assigned rooms. Syempre, I saw new and old faces. At dahil first day nga, introduction and orientation blah blah blah. Pero hindi na kami tumayo sa unahan 'no. Bata lang? Nasaan na kaya si Anna? Annabelle Guzman, para sa akin, siya ang itinuturing kong pinakapinaka espesyal kong kaibigan. Miss ko na nga siya, eh. Kainis dahil nagskip siya ng first day, but she said that she'll attend na on Friday.
Our adviser already left so it means na pwede na kaming magrecess. Yeyz, my favorite part. Nagyaya na ako patungo sa canteen when Angel said something funny.
"Ano ba, Loise! Taba taba mo na, canteen na naman? Hahaha," and with that me and my classmates started laughing. Hindi ako pikon, seryoso. I find myself funny and humorous? Hahaha. Oo, mataba nga ako, but still, I am thankful because I graduated as a salutatorian. Angel was the valedictorian.
"Nasaan na kaya 'yung mga dati nating classmates?" ani ni Janina.
"Ay baka nasa school," sabi ko naman na ikinatawa namin.
"Sus, seriously talking. Nasaan na kaya si Jared? Yiieee, Jared," Jusme, inaasar na naman nila ako sa bugok na 'yon. Hahaha, he's just my past crush. Past is past and never been back.
"Nukaba. Wala na 'yun, baka nga ikaw diyan ay may lovelife na," ani ko naman sa kanya while smiling.
"Uy Loise, alam mo ba 'tong si Angelina ay may crush na agad sa transferees?" Loise is my nickname. Aba talande, hahaha.
"Oh, sino naman? Gwapo ba?" Nakijoin na lang ako sa trip niya. Namumula naman itong si Angel.
"Janina Marie! Nakakainis ka talaga," ani naman ni Angel habang naiinis at nagpapapadyak.
"Si Matteo! 'Yung Lopez ba 'yun?" Ah! Hmmm, may itsura nga 'yun.
"Oo, tama ka. Ikaw ha, yiieeee," Yeyz, may pang asar na ako kay Angel!
Hours passed, pinauwi na kami ng adviser namin. Mukhang magiging masaya ang school year na ito, ah?
Sana nga.
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...