This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"'Neng, kain na," tawag ng aming Lola mula sa ibaba.
Sumigaw naman ako kaagad, "opo, pababa na po!" Mahirap na, baka kasi magalit pa, eh. Medyo may pagka ano pa naman 'yun, hehe.
Nandito kase ako ngayon sa Batangas, tuwing weekends lang kami pumupunta rito. Nabisita lang sa mga lolo't lola namin dito. Syempre, pati sa mga baliw kong pinsan. Magtatanghalian na ngayong oras na ito dito.
Pagkababa ko mula sa itaas ay nakita kong nakaayos na ang hapag-kainan namin. Ayos! Sarap ng ulam, ang peyborit ko! Puchero come to meeeee!
"Oh, magdasal muna," tumango kami kay Lolo at nagsimulang magdasal. Si Shiela, pinsan ko, ang naglead sa prayer before meals. Banal kami, syempre.
Tumingin ako kay Ate Mel, kapatid siya ni Shiela, so pinsan ko din siya, "ang sarap 'te ng ulam, sino po nag-luto?"
Sumubo muna siya ng isa at tumingin din sa akin, "sino pa ba? Edi si ka Apeng," Kaya naman pala masarap, eh! Luto ni ka Apeng. Kaibigan siya ng pamilya namin dito sa Batangas. Nginitian ko na lang siya at masayang isinusubo ang bawat butil ng biyaya.
Linggo ngayon kaya nakakalungkot na dahil pasukan na naman bukas. Pero ayos lang dahil makikita ko na naman siya, eh. Hahaha, sorry na.
Nakita kong pupunasan na sana ni Lola ang mesa kaya kinuha ko na ito mula sa kanya, "'La, ako na ho," sabi ko.
Ngumit siya sa akin, "aba'y sige, namamayat ka ata 'neng,"
Jusko, ketanders nito, nagsisinungaling! Hmp, "Lola naman," Natatawa na talaga ako. Katawatawa, duh. Lalo nga akong tumataba, eh! Letseng mga pagkaing 'yan ayaw akong layuan. Nasisi pa talaga, eh?
Paakyat na sana ulit akong kuwarto dahil may tinatapos akong assignment ay tinawagan kaagad ako ni Ate Mel, "punta daw tayong palengke," ah, okay.
"Wait lang 'te, ah," Kumuha pa kasi ako ng pera in case na may maibigang mabili. Haha, gutom na naman ako, eh. Kainis. Lumakad na kami papuntang palengke. Bibili pala kami ng sangkaka pansahog mamaya sa Estupado. Alam niyo ba 'yun? I guess not.
Hawak ko ang braso ni Ate nang may humawak sa kanang braso ko, "Hi Loue," sabi nung guy. Wait, he looks familiar, ah? Pinauna ko na muna si Ate pa-Palengke dahil baka matagalan kami niyong si Kuyang hindi ko kilala. Hindi kilala pero nagpa-iwan? Ay tanga. Pero, he is really familiar talaga, eh!
"Uhm, do I know you?" Sabi ko sa kanya na medyo inis pa. Joke lang naman, 'wag sana niyang seryosohin. Baka mapano ako dito, teka, mabigat naman ako. Hindi ako makikidnap neto. Ay, ano ba 'tong pinagiisip ko?
"Aww, kasad naman 'tong si Lulu," Wait-what? Lulu? OhmyGoodness! Don't tell me he's-
"Walang iba, Lulu, ako nga." Aba, mind reader ka koya?
Ngitian ko siya, "Gosh, Red! Na-miss kita!" Inambahan ko kaagad siya ng yakap, na-miss ko siya! He was my classmate back in Kindergarten. Nag-migrate lang sila papuntang France. Sa Paris nga, eh. Kainggit!
"Hmm, kulit mo parin, ah. Atsaka, teka, Lu, nawala lang ako ng ilang taon bakit parang napabayaan ka ata? Pfft," aba't loko ang gagong 'to, ah! Nagpipigil siya ng kanyang tawa kaya natawa na lang rin ako sa bwisit na'to. Funny.
"Ewan ko sa'yo, teka bakit ka ba napadpad dito?" Tanong ko sa kanya, naglalakad na kami papuntang KFC, sabi ko na nga ba, eh! Makakakain na naman ako, eh. Hahaha. Alam niya kasing favorite ko itong kainan. KN, eh. Bleeh.
Umiling siya, "wala naman," susme!
Inilingan ko rin siya, "maniwala gunggong!" Sabay takbo ko na sa KFC, malapit lang kasi ito sa amin. Nang makakita ako ng bakanteng upuan for two ay sinenyasan ko na siyang lumapit sa kinauupuan ko.
"Dine! Dine!" Saad ko sa kanya. Hay naku, in fairness, ah? Ang gwapo niya ngayon. 'Yung mata niya ganun pa din, medyo chinito tapos 'pag tinitigan mo ma-iinlove ka ganun. 'Yung ilong naman, hindi siya masyadong matangos at hindi rin naman pango kaya cute pa rin. Wait, the lips, don't forget the lips! Sobrang pink ng color niya, nagdududa nga ako minsan, eh. Bakla kaya 'tong si Jared? Mas mapula pa labi kaysa sa babae, eh. Hay naku. Tapos 'yung ano-
"Done staring?" Ay Pikachung Kamote! Was I staring at him? Hindi nga? Sows, gago.
"Fyi, I was not." Sabay irap ko sa kanya, kainis.
Ngumiti siya ng pagkatamia tamis, "sabi mo, eh. Order lang ako, ah."
Tinanguan ko na lang siya bilang sagot. And before I even forget, I already texted ate Mel na baka mamaya pa ako umuwi, pinasabi ko na lang kina Lola at Lolo. Payag naman 'yung mga 'yun, eh. Fourteen na kaya ako! Fourteen din naman 'tong si Jared, magfififteen na siya sa next five months so that would be January. Jared, Jared Cuesta.
'Di nagtagal ay dumating na siya ang dala ang order niyang dalawang Double Down. Bago 'to diga? Ayos. Drinks naren at syempre hindi mawawala ang Mashed Potato at Fries with gravy, the best evah! Tataba na naman ako nito, eh. Buti na lang naka pang-alis ako, hindi naman talaga siya pang-alis medyo medyo laang. Haha.
"Jared, pinapataba mo naman ako, eh." Turan ko kay Jared na naka pout.
He smiled and I was very shocked with what he said, "It's fine, I like the way you are,"
Shocked na shocked parin ako. Juskopo, ang landi ko naman nito. Ang matabang tulad ko gumaganern? Kainaman! At eto siya, naka-ngiti mag-isa. Kapag may ganitong pangyayari sa amin nanahimik na lang talaga ako. Kase, imposible naman diga? Palagi rin naman kasi kaming magkachat or video call. Hindi ko lang talaga siya nakilala kanina, as in.
Lingid sa mga sinasabi niyang ganun katulad nung ngayon, wala pa rin.
Siya pa rin ang sumabat sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...