This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(A/N: I'm sorry for this lame and late update. It has been a while, so yeah. Keep supporting my story by voting and commenting on every chapter of the story. Sorry also for the typo errors, I'm not perfect anyway. I repeat this is PURE FICTION. )
---------------------------------------------------------------------------------------July 28, 2014. Ano ba 'yan, bilis naman ng araw. Hay. Monday ngayon at sa Friday na ang birthday ni Nile, may surprise nga kami, eh. Kaso hindi bongga. Hindi na kami bibili ng malaking cake, 'yung maliit na lang siguro. No'ng sabado nanood kami nina Angel at Bria ng SDTG. Team SDTG 'yan, eh. Hihi. Bumili rin kami ng regalo para kay Nile, bench lang naman na kulay violet. Isa lang ang binili ko, aba hindi ako rich kid 'noh! Si Angel dalawa 'yung binigay.
Nakauwi naman kami ng ligtas nuon, at dahil mabilis talaga ang araw, akalain mong biyernes na kaagad. Meaning birthday na niya. Hay. Wash day kami ngayon, eh. Wala ding klase, hindi ko nga lang alam kung bakit. Maglalunch na ng naisipan ni Angel na ibigay na 'yung maliit na cake na binili pa sa Goldilocks. Naks, haha.
"Uy, sinong may lighter?" ani sa akin ni Angel, aba mukha ba akong naninige? Hahaha. Inilingan ko na lang siya at natanong kay Sir Nick, wala daw. Hmm.
"Si Allan mayroon, do'n kayo manghiram ng lighter, sabihin niyo'y may sisindihan lang na cake." aye aye sir!
"Tara na Angel," yaya ko kaagad kay Angel, hay. Nakakapagod talaga.
"Oh, ayun pala si kuya, oh," turo niya kay Kuya Allan. Buti naman nakita agad namin siya. Kung hindi baka mamayat pa ako at magutom. Kainin ko pa ang cake niya, eh. Haha.
Kaagad kaming nakabalik sa room. Ayan na, nagkukumpulan sina Nile, Stephen at kung sino pang mga kaklase namin. Pusta ko buhay ko, CoC 'to. Kainaman, buhay agad? Wagas, eh. Hahaha.
"Dali, sindihe na, Angel!" Medyo excited na sabi ko kay Angel, hahaha. Sorna.
"Atat ka 'teh. Porke crush, eh! Tsk," aba'y matindi! Sinimangutan ko na lang siya. Hay, totoo naman, eh. Kaya lang, wala talagang pag-asa. Punyatera.
"Tara na Loise!" Kfayn. Nakikanta na lang ako kay Angel ng Happy Birthday. Harujusko, nakakahiya! Babae pa, iisipin nanaman ng iba na may gusto ako dine. Kainis, crush pa lang hindi gusto! Does it even make a difference? Whatever!
"Naks, thank you," aba speechless ang gago, ah. Agad na akong bumalik sa upuan ko. Kahiya much! Sinulyapan ko na lang siya ng tingin at nakita kong nakangiti siya, takteng ngiting 'yan! Ugh.
"Ay teka, 'yung regalo nga pala," ani ko habang hinahalukay sa bag ko ang bench na towel.
"Sabay mo na 'tong sa'kin, Loise, uwi na 'ko." What? Hahabulin ko pa sana siya nang iniwan na niya ako at umuwi na, buti na lang nandito pa si Nicole, may makakasama pa ako.
"Wait lang Nics, bigay ko lang 'to." sabi ko kay Nicole. Pumunta kaagad ako sa grupo nila, shet, nakakahiya talaga! Ang dudumi pa naman ng mga isip nito!
"Nile, oh," abot ko sabay lakad paalis. Shet, 'wag kang lilingon. 'Wag, huh-
"Teka, Loise!"
"Ay Pikachung Itlog!" Harujusko, paano?! Kasi naman! Hinabol niya ako ta's hinawakan pa niya 'yung braso ko. OhMyy, naiiyak na naman ako. If you know what I mean, naks. Lakas ko maka PBB Teens. Pero 'wag ka ng umasa Louella Loise. Wala kang pag-asa d'yan. Wala.
"Thanks," Jusko! 'Yun lang pala ang sasabihin niya, nakakaloka.
"Is that all?" Napa-english ako dahil pakiramdam ko ay isa na akong matabang kamatis na ubod ng pula. 'Wag sana siya mapansin. Huhuhu. Babye na, please.
Tumango na lang siya at tinawag na siya ni Stephen, "P're, tara na,"
"Ge, bye," ako na ang nagbye sa kanya, juskopo. Nasa'n na si Nics, I just want to freaking get out of this situation! It's frustrating. Ugh.
While walking, napaisip naman ako sa aking sarili. Deep thoughts, eh?
Naisip ko lang 'yung kanina, pwede naman 'yang isigaw na lang 'yung 'thanks' na 'yun diba? Atsaka 'yun lang 'yung sinabi niya, eh. Diba diba? Pero bakit nga kasi?! Nagpapahiwatig na naman siya, eh. Here we go again, the motives that he's showing me. Hay nako, Loise. Stop keeping your hopes up.
Anong gagawin ko ngayong may panibago na namang motibo? Should I ask for a sign?
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...