This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Medyo tinanghali ako ng gising ngayon kaya nagkukumahog akong hinanap ang bracelet ko na rosaryo. Malate man o hindi, hindi ko pwedeng makalimutan ang rosary bracelet ko na kulay blue. Nang makita ko ito ay lakad takbo ang ginawa ko papuntang kotse. Nagdasal naman kaagad na sana ay hindi pa ako huli sa flag ceremony.
Laking pasalamat ko talaga nang hindi pa ako late. 10 minutes pa pala bago mag flag, eh! Sira siguro ang clock sa bahay. Dapat 'yung kay Danilo ang biniling orasan, eh. 'Yung PimpKicks. Ehem, fangirl alert.
Nagdaldalan muna kami netong mga kaibigan kong loka-loka. Sadya naman, ah. Kaya ko nga kaibigan ang mga 'to dahil mga sira ang ulo. Sorry na, haha.
Tuesday ngayon at P.E. namin. Tss, ayan na naman 'yung nakakapagod na exercise. Sino ba kasing nag-imbento ng lintek na push-up at sit-up na 'yan?! Naiipit ang taba ko sa tiyan! Kaimbyerna, eh. Joke lang, hindi pa P.E. time baka malito kayo, eh.
"So, kamusta na ang heart heart mo?" ani ni Maria. Aba, lakas maka SDTG, ah!
Umiling ako, "what the hell are you saying?" tawang tawa ako sa english ko. Kaloka, hahaha.
Inismiran naman niya ako, "tss, sunget," haha. Binelatan ko na lang siya, bleeh.
Nag-bell na kaya hudyat na iyon para pumila at mag flag ceremony. Baka malitson ako sa sobrang init. Hay.
"Woy, pila pila na," sigaw ni Nile. Aba, is this even true? Nagpapapila siya? Ay jusme. Dahil mabait akong bata ay pumili na ako. Hehe. 'Yun nga ba ang dahilan? Tsk, haha.
"Bayang Magiliw,
Perlas ng Silanganan~"Pagsabay ko sa kanta. Natapos na ang Lupang Hinirang kaya Panatang Makabayan naman. Eto ang ayoko, eh. Kailangan naka 90 degress 'yung braso. Hay naku, pakana ng mga guro, oh oh.
Ngalay na ako, jusko. Mahabaging Diyos, salamat ho dahil natapos na ang hazing namin. Joke lang po! Mwehehe.
Nakarating na kami sa room. Upo tayo ang ginawa ko pagkarating ko duon. Magchecheck sana ako ng notes at baka mag-quiz nang may sumigaw sa room.
"WOO, PARTEH PARTEH. WALA SI SIR!" ani ni Luis at nagsasayaw duon sa gitna. Aba, may potential! Bigyan 'yan ng jacket. Joke, maka-ABSCBN ako, nandu'n ang KN, eh. Bleeh.
Naakit na ako ng sulat kong maganda kaya naman binasa ko pa rin 'yung notes, malay mo biglang sumulpot si Sir d'yan, eh di bokya? Hay. Mamaya na lang ako makikiparteh parteh sa mga baliw ko na kaibigan. Nagtatawanan na kaaged, eh. Ako na nga lang 'yung kulang. Wait lang kayo d'yan.
May humipan sa tenga ko kaya naman napasigaw ako, "Kingina ka!"
"Hahahahahahahaha," tss, si Nile lang pala! Palagi na lang akong ginugulat nito, ah? Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig?! 'Yan na naman tayo, eh. Motibo na naman. Kalimutan mo muna 'yun, Loise, okay?
"Bakit ba kasi?" tanong ko sa kanya na kasalukuyang naghahalukay na naman sa kanyang bag. Ano bang meron sa bag na iyan? Baka may pagkain? Lol.
"Eh kasi, ba't ka pa nag-aaral, ang tali-talino mo na naman." With his words, I was totally caught off guard. Matalino daw ako? Naiiyak, ako. If you know what I mean by naiiyak, ulit. Hehe. Hindi ko alam pero ramdam kong nag-init ang pisngi ko dahil lang sa mga sinabi niyang iyon.
"Pake mo ba? Eto na, itatago na po. Happy?" ani ko naman sa kanya nang naka-ngiti. I am happy, indeed.
Ngumiti siya sa akin, "very," HUWAT?! Jusko, naiiyak talaga ako mga men. Very daw, oh!
"Ah, okay," 'yun na lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Motibo na naman, oh, kainis. Pahinging sign?
Dahil nahihiya talaga ako, kinuha ko ang gitara ni Matteo sa sulok. Matteo, 'yung kras ni Angel, hahaha. Kulay blue ito kaya naman ang ganda. Basta blue, eh.
"Naks, haharanahin ako ni Loise," ay pagsakapal din naman, ano nga? But deep inside, kinikilig na ako. Kaloka! Kung gusto niya, pwede naman. 'Yung madadali nga lang ang chords. Haha.
Inismiran ko siya at umupo na ako sa sahig, "feelingerong palaka," nasabi ko na lang. Tumugtog na ako ng Baby Blue Eyes. To my surprise, he got a guitar also and sat beside me. Dahil naiilang ako, hinarap ko na lang siya kaysa naman magkatabi diba? Sa isip-isip ko naman ay ang mga thoughts na 'to: Bakit niya ako tinabihan kung pwede namang makipagdaldalan na lang siya sa mga lalake? Bakit? Bakit?
Naisip ko na baka sakaling may ano siya sa akin. But I'm wise now, imposibleng magkagusto ang isang tulad niya sa akin. Impossible.
Nasira ang pangangarap ko sa tinuran niya,
"Gwapo naman,"
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...