This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"It goes like this, ang gagamitin nating formula sa pagkuha ng Squareroot ay ang 'Base 20'. So, ganito iyon- Wtf?!" Agad akong napasigaw dahil sa ginawa ni Nile.
"Hahahaha! Cute mo," Eh kasi naman, bigla ba naman akong pinicturan sa cellphone niya, naku, epic na naman iyon. Nakakai- WAIT! OMG, narinig ko 'yon, ah! Ang cute ko daw! Ay, pakshet.
I felt my cheeks burning 'coz of what he said. He just stared at the paper while smiling. Why is he smiling? Ay, 'di naman bawal mag-smile, pero bakit kapag siya, illegal at nakamamatay?
Malala na 'to.
I felt something snapped in front of me, "ikaw naman itong 'di nakikicooperate, eh." Sorry naman, uy.
"Ang kulit mo kasi!" Sabay pisil ko sa pisngi niya. Wait, what?! Ba't ko ginawa iyon? Jusko.
"Ikaw ha," Mapangasar na sabi niya sa akin pero hinayaan ko na lang ito at nagsulat na lang muli sa aking papel.
"Pwede ba, mag-aral na lamang tayo?" Asik ko sa kanya. Napakunot naman ang aking noo sa sunod niyang ginawa.Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin, mga five inches ata iyon. Shit.
Ngunit agad din naman akong nakabawi at umilag, pinilit kong mag-seryoso kahit na hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay hinahalukay ang aking tiyan sa kilig. Hays.
He returned the paper to me and I was quite surprised 'coz his answers are damn right.
"Mas maganda ka pala kapag nakasimangot," Ha? Ano daw? Wtf?!
Literal na nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. I shouldn't feel this way. Pero, anong magagawa ko? The more I will try to forget his playful thoughts, the more I'll surely fall. Hard.
Hindi na talaga ako mapakali. Hinding hindi ako kailanman magiging matino sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang presensya.
"'Wag kang gan'yan, Nile." Agad ko namang natutop ang bibig ko sa naibulalas ko. Shit! Where the hell did that come from?
Napaangat siya ng tingin mula sa papel, "ha? Ano ba 'yun?"
I immediately avoided his gaze. "Haha, wala. Sabi ko, tama lahat ng sagot mo!"
I laughed. A fake one. Bakit ba kasi ganito? Tatamaan ka na lang bigla ng pana ni Kupido.
"Talaga ba, Loise?!" Sumilay sa mukha niya ang kasiyahan. Naku, 'yang mga ngiting iyan.
I nodded at him. I asked him what would be my verdict. Aba, dapat lang ay may kapalit, ano! Wala ng libre sa panahon ngayon. Maski nga ata gustuhin ka ay hindi na rin libre...
Aysh. Ano ba itong iniisip ko? Dapat ay masaya ako. Tama, tama. Happy thoughts lang!
"Syempre meron, halika!" Hindi ko pa naiaayos ang mga gamit ko nang haltakin na niya ako palabas ng classroom.
Wala ngayong masyadong teachers at mga kaklase. Ang iba namang istudyante ay nagpapractice ng sayaw, play at kung anuano pang proyekto.
"Teka, Nile! My things!" Asik ko sa kanya habang tumatakbo pa rin kami. Bakit ba ang hilig mang hila ng isang 'to? Could it be...? Hell, no!
"Don't worry, you'll like it." Okay? Bahala na nga.
Napangiti na naman ako, "sige na nga,"
Nang matapos kami sa pagtakbo ay napapikit ako dahil bigla akong hiningal. Grabe ang itinakbo namin, ano!
Hays. "Grabe, nakakapagod!"
Pagmulat ko ay nagpalinga-linga ako nang mapansin kong nawala si Nile. Aba, iniwanan ba niya ako dito sa stock room? Walanghiya 'yon, ah!
"HOY NILEEE! NASAAN KA BA?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil nakakatakot kaya dito sa stock room.
Bubuksan ko na sana ang lockers upang maghalungkat ng kung ano nang may humila na naman sa kamay ko. Aba! Shit, nanghila na naman.
Galit na talaga ako! "ANO KA BA? BAKIT BA LAGI KA NA LANG- Nile? Oh my God..."
Napahinto ako sa pagsigaw nang mapansin ko ang dala dala niya. Nakangiti siya habang bitbit iyon.
"Eto na, oh. 'Wag ka ng mabeastmode,"
Gosh. Agad kong kinuha sa kanya ang kuting. Isang napakacute na kuting. How did he know that I love kittens?
"A special gift for a special person like you, Loise."
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...