This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Mabilis na lumipas ang mga araw, actually second quarter na nga, eh. Ilang buwan ko na ring crush si Nile, still, wala pa ring improvement. Naging busy kasi kaming lahat these past few weeks dahil sa sobrang sunod sunod na lessons. Tsk, buhay taeng ngarag na this.
Lunes ngayon at katatapos lang ng second mid exam natin noong isang linggo. Argh, new lesson na naman ito. Pero sana hindi.Math time na, we were expecting na magdidiscuss ngayon pero laking tuwa namin ng ipinamigay lang ang test papers at pagkatapos nun, we can do whatever we want. Yown naman. Mataas naman ang exam ko though may three mistakes. Tsk, matatanggal ako sa Top One nito, eh. Yes, top One ako.
Syempre, daldalan to the max kami nitong si Nile. 'Di kami close netong si Gin, eh.
"Huy," kalbit ko sa likod niya.
"Ow?" Mahina niyang tugon sa'kin saka humarap.
Ngumiti naman ako, "score mo?"
Agad naman na napalitan ang ngiti niya ng simangot, hulaan ko, bagsak ito.
"Bagsak ka na naman, ano?" Giit ko sa kanya na parang mangha mangha pa.
"Tss, tinatanong pa ba iyan."
Ediwow! Bismud ang lolo niyo. Nakakatuwa talaga siyang asarin. Hay naku, Onyok.
Makapunta na nga lang kay Janina at maasar.
I was about to stand up when I felt something on my arm. It was Nile's hand. Why?
"Ha?" Ani ko sa kanya dahil talaga namang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Jusko, why am I like this?
"Uh," siya naman ang nagsalita. Jusko, bakit ba? Ayaw pa sabihin, eh! Buti na lang wala kaming titser.
"Ano, Loise... why don't we make an agreement? I'm sure you'll like my offer."
Shet! Ano kayang offer? Omg, baka naman magkukunwari kaming boyfriend-girlfriend tapos diba, ang ending nun, magiging totoong couple?! Pakshet, jusko, oo na! Omg, omg. Tapos, tapos-
"Huy! Ano ka ga, Loise?" Nawala ang pangagarap ko nang may naramdaman akong humampas sa akin. Aba, jusko!
"Ha?" Yun na lang ang tangi kong nasambit sa kaniya. Jusko, I didn't know I was overthinking.
"Kako, do you agree with our deal?" Ha? Ano ang deal na sinasabi nire?
"Anong deal?" Ani ko sa kanya.
"Tsk, sabi na, eh. You weren't listening," aba, sorry naman.
"Sorry, hehe. Ano nga ga ulit 'yun?" Muli kong tanong sa kaniya.
"Ganito, itututor mo ako sa Math atsaka magrereview tayo parehas..."
"Teka, may kapalit dapat, uy!" Putol ko sa kanya, dapat lang no!
"Oo, meron! Patapusin mo muna kasi ako, atat naman, eh." Jeske, kasalanan ko pa ba?
"Ang kapalit ay...kiss ko."
HA? ANO? WEH? HA?! ANO DAW?!
"Hahahaha! Sabi ko na nga ba, eh!" ha? Oh my God! He was making fun of me. Grr. Natanga na naman ako, jusko.
"Hindi nakakatuwa, promise." Ani ko sa kanya ng nakasimangot. Pinipilit ko na huwag tumawa at manatiling nakasimangot. Part of the act. Tsk.
"Joke lang naman, Loise! Oo ba o hindi? Please?" Makakatanggi pa ba ako nito? Tsk, bahala na nga.
Lord, bahala na po kayo.
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...