This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"Since when?" Tanong ni Maria sa akin.
Nandito kasi kami sa headquarters naming magkakabarkada. At ayan sinusunggaban na agad ako ng tanong. Kaloka. Eto kasing si Angel naipagsabi kaagad na crush ko si Ano kahit hindi ko pa kinoconfirm sa kanya. Haynaku. Kami lang tatlo nina Janina ang nandito. Ayoko sabihin kay Danica at Anna dahil for sure ipagkakalat no'n sa higher years.
Sinagot ko na sila, "Kahapon?" Patanong pa iyan ha. Kainis kasi!
"Yiiiiieeeeeeeee!" Oo na! Oo na! Kinikilig ako, shet.
Agad ko silang sinuway dahil pinagtinginan kami ng grupo nina Nile, "Shut up, guys! Pinagtitinginan na tayo, oh. Mamaya mabuking pa, eh. Tsk,"
"Okay okay, your secret is safe with us. Diba girls?" Tumango naman ang sina Janina at Maria. Buti na lang ka-vibes ko 'tong si Angel.
Reccess kasi ngayon. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong three minutes na lang. Pumasok na kami sa room dahil maglilipatan pa kami ng upuan. Ganon kasi sa Science time, kung sino ang nakakuha ng highest sa test siya ang nasa unang upuan. At dahil mahal ko ang Science, ako ang first syempre. Bwahaha. Kaya lang, hindi ko katabi si Ano.
Ugh! What am I thinking? I need to focus!
Sa malayo kasi siya nakaupo. Hindi naman kasi siya masyadong katalinuhan, eh. Nevermind. Ayan na pala si Sir!
Natapos na ang subjects ngayong pang-umaga kaya lunch na. Umuuwi ako sa lunch. Ayoko sa school kumain, eh. Siksikan sa canteen. Pareho kami ni Angel at Nicole kaya nagsabay na kami. Si Nicole ay kaibigan din namin.
"Grabe kanina si Sir noh?" ani ni Nicole.
Medyo nagalit kasi kanina sa amin si Sir, ingay kasi nina Nile, eh. Hay.
Nagsalita din si Angel, "Yup, agree ako d'yan," Hmmm. Parang wala ako sa mood makipagdaldalan. Nang makarating kami sa shade ay agad akong umupo dahil ngalay na talaga ako at isa pa masakit ang puson ko ngayon kaya 'wag silang makulit.
"Anyare sa'yo, Loise?" Inilingan ko na lang sila dahil wala talaga akong balak magsalita.
Nagbulungan naman sila, ano nanaman kaya ang pinaguusapan nitong mga 'to? Aba't.
Sitsit ko naman sa kanila, "Hoy,"
Magsasalita na sana ang dalawa kung hindi lang sabay na dumating ang mga sundo nila. Wrong timing it is.
"Hahaha, bye Loiseeee!" Sigaw na lang nila sa akin, bilang ganti binelatan ko sila at pinakyu. Patago 'yung pakyu syempre, hahaha.
Binati ko naman 'yung guard namin, "Hi Ate,"
Nginitian naman niya ako, "Hello, wala pa si Doctor?"
Inilingan ko na lang din siya, tagal ng sundo ko, eh. Nubayan.
Naglalakad ako at kumakanta ka pa ng may humipan sa tenga ko, "Ano ba?!" Singhal ko sa kung sino man ang taeng iyon.
Si Ej lang pala, Eric John Mendoza, ang crush ni Maria. Sshhh lang kayo, ah! Hehe.
"Yow, 'sup?" Naks naman makabati 'to.
Natawa ako sa kanya, "Hahaha, ano ka nigga?" Ayun natawa na lang kaming dalawa, aba past crush ko ata 'to bwahahaha. Nile na ako ngayon, eh. Sarreh, okay?
Ayan nand'yan na pala 'yung sundo ko. Nagpaalam na ako kay Ej, "Bye Eric!" Nag-wave na lang din ako.
Nakabalik na ako mula sa bahay namin. Binilisan ko na ang lakad ko dahil A.P. time na, kapag na-late ka ay mag Papanatang Makabayan ka, kahiya kaya 'yun. Ayan hindi pa ako late, woo! Agad akong tumungo sa upuan ko at inayos ito dahil nawala ito sa pagkakaalign.
Umupo na ako nang dumating si Nile may bitbit na Fres. Huwaw, my favorite!
Kinalabit ko naman siya, "Uyy, pahinging Fres,"
Ngumit siya sa akin, taeng ngiti! "Piso isa,"
Ay fota. Napafacepalm na lang ako dahil sa mukha siyang pera. Ganan talaga siya, eh. Gusto niya palaging may kapalit. Ngumuso na lang ako dahil ayaw niya akong bigyan. Hmp, kainis.
Nakanguso parin ako ng may nalasahan akong Fres sa bibig ko. Ay tae! Ang sarap. Favorite ko 'to, eh. Hahah- Pero teka?! Kanino 'to galing?!
"Hehehe, 'wag ka ng magtampo, Loise, sinubuan na nga kita ng Fres oh." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis siya dahil tinawag siya ni Jace.
Iniwan niya akong tulala sa kinauupuan ko, agad naman akong umubob at tumili.
Shit! Kilig!
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...