This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Maaga akong pumasok ngayon sa school dahil may nakalimutan nga pala akong gawing assignment. Kainis naman, eh. Masyado akong nag-enjoy sa game namin ni Jared.
Speaking of Jared, nakuha ko na 'yung number niya. Haha. Tanga ko kasi, lol.
"Lalim ng iniisip, ah." Ay tokwa! Bakit ba palagi na lang akong ginugulat nitong si Nile?! Hayst.
Tiningnan ko na lang siya ng tinging nagsasabi ng 'bakit?'. Ay nako, ang cute niya talaga. Lalo na kapag nakangiti siya.
"Ta' sa canteen," aniya sa akin. Teka, ano daw? Siya, ako, canteen? OMG! Motibo na naman ba? Shet, nakakaloka.
"Eh? Magtitime na, oh!" Pagtanggi ko sa kanya. Naman, Loise, eh. That's your opportunity! Sinasayang mo. Pero kasi, ano kasi...naiiyak ako, eh! Waaah. Malala na 'to.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo, "Don't worry, libre ko." Kasabay noon ay ang pag-ngiti niya. Ako naman ngayon ang nakakunot ang noo pero agad din namang napawi dahil, "may Hany sa canteen, Loise."
Pangungumbinsi niya sa akin. Shet, did I hear it right? Bakit ako pa, eh ang dami dami niyang friends d'yan?
Ay ewan! Basta ang alam ko naglalakad na kami ngayon patungong canteen. Wala na kasing oras pa magpabebe. 'Di nagtagal ay nandito na kami sa bilihan ng sitsirya at mga sweets. Nakita kong mayroon ngang Hany at nagningning ang mata ko.
Napansin niya siguro ito kaya't bumili siya ng isang Nova at tatlong Hany. Naks, ritskid ang Lolo niyo! Haha, joke lang. Agaran kong kinuha ang Hany mula sa kamay niya at nagpasalamat.
I was about to open the Hany when he grabbed my left hand. Nagulat ako kaya natapon ang kaunting Hany sa sahig, sayang naman! Pero mas nagulat ako ng kinuha niya ang left hand kong may kutib kutib na Hany at dinala iyon sa kanyang bibig. WTF!
Tae, nananaginip ba ako?! Oh Gods, mas lalo akong naasa. No, no, no! Wala lang iyan. Okay, pero motibo iyon, eh! Ajujuju, naiiyak ako.
Saka pa lang ako natauhan nang hinila na naman niya ako at agad tumakbo. Humalakhak siya ng kaunti nang napansin niyang nagugulumihanan ako sa nga nangyayari. Ano ba kasing trip nire?!
"Shit naman, Nile! Ba't mo ba ako pinapatakbo, lilindol! Jusko," hirap kong sabi habang tumatakbo parin. Tumawa naman siya ng malakas. Saka ko lang napansin na time na pala at Science time na! Noooo, that's my favorite subject. Nakakaloka.
Nakarating na kami sa room nang hingal na hingal. Shet, kapag ako pumayat nito! Jusme, eto namang si Nile ay prente lang na akala mo ay hindi takot na mapagalitan ni Sir.
Ay bahala nga siya d'yan. Pumasok na ako sa room at nagsabi ng 'sorry po' kay Sir. Chichay lang, ganern? Chos! Pumasok na rin si Nile ngunit nagimbal ang mundo ko at maski mga kaklase ko ay napatigil sa pagsusulat.
"Sorry po, Sir. Sinamahan ko lang po ang girlfriend ko sa canteen. Baka po kaso kainin niya ako kapag hindi ko sinamahan, hehe."
Nagtawanan ang mga kaklase ko sa huli niyang tinuran. Pero iisa pa rin ang nasa isip ko,
Bakit?
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...