This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Hindi kami nagtagal ni Red sa KFC kaya inihatid niya ako sa bahay namin. Kilala naman siya ng family ko, eh.
Kinalabit ko siya, "Oh ano na, Red? Bye na ba?" Naka ngiti kong turan sa kanya.
He nodded, "Yeah, d'yan pa rin naman kami sa dati naming bahay, eh."
Duon sila sa may Calicanto, kami naman ay sa Kumintang Ibaba. Medyo malayo na malapit lang na ewan ko, hahaha.
Paalis na siya ng bahay nang tawagin ko siya, "Jareeeed! May gagawin ka ba?"
Umiling siya at nagtaas ng kilay, "Wala naman, bakit Lulu?"
Nakakatawa talaga 'tong kausap, "Alam mo na 'yun!" Sabay kindat ko sa kanya. #AlamNaThis!
"Sige! 'Wag kang papatalo sa akin, huh!" Aba, dapat lang!
Siniko ko siya ng mahina, "Talaga! Magkano pusta?" Nag-isip muna siya kunware sabay sabing ,
"Dalawang piso, hahahahaha." Ay hadoy, dalawang piso? Is he even serious?
Pumasok na kami sa bahay namin at nagpaalam na sa balkon na muna kami. Alam na nila ang gagawin namin. At 'yun ay ang maglaro ng Snakes and Ladders! Corny ba? Hahaha, para sa akin kasi hangga't masaya ka, walang korni korni. Oh, pwede na ba pang AdVice Ganda? Dejoke.
"So, magkano nga? 50, sarado!" Aba, ayos na ang 50, isaang daan din 'yun pag nagkataon 'noh, bleeh. Tinanguan ko na lang siya at inihanda ang lamesa para sa game. Kinuha ko ang peyborit ko na pamato na kulay blue.
"Ay sorry, 'ge, sa'yo na." Nagkasabay kasi kami ng kuha, peyborit nga din pala niya ito.
Inilingan ko siya, "Hindi, oks lang, iyo na." Sabi ko.
Umiking din siya, aba manggagaya putomaya! "Nope, babae ka, lalaki ako, sa'yo na," Okay? What's the point? Aba't ang gentleman ata ng bespren ko ngayon, ah? Guguho na siguro ang mundo, hay buhay.
'Di nagtagal ay nagsimula na kami at nasa kalagitnaan na kami ng laro. Ako ang nangunguna! Yebah, I can smell victory! Igugulong ko na sana ang dice when my phone rang. Syempre, I answered it.
"Yes, hello?" Ang tatay ko pala, naku patay. Pauwi na kami neto. Wrong timing naman, eh. Sumenyas ako kay Red na lalabas ako saglit dahil mahina ang signal.
"Nyee, okay. Mag-aayos na ako ng gamit ko, bye." Sabi ko na lang. Hindi ako nangungupo ano, nakakaloka.
Pabalik na ako at napansin ata ni Red na malungkot ang mukha ko.
"Oh, bakit, uuwi ka na ano?" Natumpak niya!
"Opo, eh. Bilisan na natin ng magkaalaman na, haha!" Iniroll ko ang dice at sumaktong six ang dots. Yay, nasa number 68 na ako! Malapit naaaaa!
Minutes have passed ay narinig ko na ang busina ng kotse namin mula sa labas. Shete naman, oh, oh. Pero laking gulat ko ng may pamato ng nakalagay sa one hundred! Huwat the eff! Unfair.
Sinamaan ko siya ng tingin, "ang daya naman, eh."
Wala na akong nagawa kaya inabot ko na ang 50 ko sakanya. Kainis. Sayang 'yun, ah. Makauwi na nga lang.
"Pa'no ba 'yan, babes, uuwi ka na?" Babes, ginawa pa akong baboy. Sa bagay baboy nga naman, hehe. Hahaha.
"Babes ka d'yan. Manahimik ka nga," sabi ko na lang sa kanya habang nakatitig sa oras ng phone ko. 3:39 na pala. Two hours pa ang byahe.
"Text nalang kita," sabi ko habang sumasakay na sa kotse. Nagbabye na rin ako sa mga pinsan ko at mga lolo ko at lola.
Tinted ang kotse namin kaya hindi maaninag ni Red kung anong ginagawa ko ngayon. Nakangiti lang naman ako. Imagine, sa taba at ganda ko na ito. May besprend akong gwapo? Nakakapagtaka, haha.
Nasa gitna na kami ng byahe nang maalala kong wala akong number ni Jared!
Boom Tanga.
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...