Fifth

26 7 8
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang init talaga sa Pilipinas, nubayan. Dapat sumama na lang talaga ako sa Mommy ko papuntang New Zealand, eh. Hay.

Pumila na kami upang bumalik sa aming room. To make it clear, nakapila kami pero hindi pantay pantay. Hahaha. Ano kami bata para pumila? That's life. Habang naglalakad ay nagkukulitan kami ni Janina dahil siya ang nasa likod ko sa pila. Don't get me wrong, mas matangkad ako sa kanya ng konti pero gusto niya doon. Pagbigye nalang.

Nakarating kami magkakabarkada sa dulong room nang maingay at nagtatawanan. Lagi naman kaming ganito, eh. Sarap talaga magkaroon ng mga kaibigang mga luka.

I am way too excited to enter the room. Hindi ko lang alam kung bakit, pero may kanina pa talagang hinahanap ang mata ko, eh. Nakaupo na ako sa silya ko dahil inaayos ko pa ang bag ko. Mamaya na ako makikipagdaldalan. I will still check if my assignment's correct. Syempre, talino ko, eh. Lol.

"Uy Loise," ganyan talaga priority muna ang pag-aaral. Ano ba 'yan ba't parang may lumilikot sa buhok ko? Must be the wind. Busy pa ako dito sa takdang aralin ko, noh.

"Huy!" Ay kabayong itlog!

"Bakit ba?!" agad ko namang sininghalan 'tong si Nile, kainis, eh! Can't he see I'm busy?! What does he need ba?

Ngumiti siya, "Hehe, pakopya." Hindi ko alam kung bakit pero I just found myself smiling, too. His smile was contagious.

"Kfine," binigay ko na sa kanya 'yung notebook ko. It's fine lang naman magkopyahan, eh. Basta wag ka papahuli. Thug life! Naglalakad ako papunta kay Ana tapos kinurot 'yung pisngi niya. Ang cute cute cute talaga! Lalong lumaki ang ngisi ko nang sumimangot siya, hehehe.

"Loise naman!" pagalit na ani niya sa akin. Hindi ko na siya sinagot at pumunta ako sa side row.

"Hello, Janinaaaaa," pang-asar ko sa kanya. Ayaw niya kasing tinatawag ang pangalan niya in a long way. Arte 'noh? Sumimangot lang din naman siya sa akin. Hahaha. Two girls, five down.

"Hi M," gulat na sabi ko kay Angel. 'M' stands for 'Matteo', crush niya, eh. Instead na mainis siya, she even smirked. Bakit kaya?

Tinanong ko siya, "Hoy, ba't ka naman naka ngisi d'yan?"

Tumayo siya at sinabing lumabas daw kami. Huh? Sinundan ko na lang siya. Wala pa namang paparating na teacher kaya okay lang tumambay muna dito sa garden.

Tinanong ko naman ulit siya, this time medyo sumeryoso ako, "Care to share why you're smiling like an idiot?"

Ngumiti nanaman ang loka at sinabing, "Care to share why you're smiling like an idiot whenever you see Nile?"

Nalaglag naman ang panga ko sa kanyang tinuran. What is she trying to say?

Tatanungin ko pa sana siya kung ano ang ibig sabihin niya kaya lang lumabas na si Sir sa faculty at papunta na sa room. Kaya naman tatakbo na kami nitong si Angel. Kaloka 'to.

At ang notebook ko nga pala! Dali-dali ko'ng tinanong si Nile kung nasaan ang aking notebook. Nasa bag ko daw. Tumango na lang ako sa kanya habang kumukuha ng red ballpen para i-check ang mga sagot.

Sinulat na ni Sir ang correct answers sa board and I'm very confident na tama lahat ng answers ko. Easy as a pie. Yabang ko ba? Sorry na, hahaha.

I am about to check the answer nang may sinabi si Sir, "Wait, exchange muna pala kayo. Walang madaya ha." Ay okay.

"Oh, exchange daw," ibinigay ko ang notebook ko kay Nile. Ayaw kong makipag exchange kay Gin, 'di kasi kami close nun, eh. Binigay din naman pabalik ni Nile 'yung notebook niya na may tatak na motor. Boys will always be boys talaga.

Natapos na kaming magcheck at pareho kaming perfect sa assignment. Malamang, kumopya siya, eh. Nilagyan ko na ito ng checked by sabay pirma at smiley face, ganan talaga ako.

Ibabalik ko na sana ang red ballpen ko sa pencil case ko nang hinawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya at agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa ginawa niyang iyon ngunit hindi ko alam kung bakit ba. Feels weird.

Nag make face ako sa kanya na nagpapahiwatig na 'bakit?' at na-gets naman niya kaagad.

Ngumiti nanaman siya, ayan nanaman ang ngiting iyan!

"Thanks!"

Medyo pa-cool pa niyang sabi sabay talikod at kalikot ng kung ano sa kanyang bag.

Shit! Naiwan akong tulala parin at hindi makapag-focus sa ibang mga subjects.

Uwian na ng na-confirm ko'ng crush ko na siya.

Crush ko siya, tae!

Motives & SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon