This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Friday ngayon at walang klase, hindi ko alam kung bakit. Party party lang kami ngayon, eh. Wash day namin ngayon, simple lang naman ang suot ko. Cute ako, eh. Hahaha, ankonek?!
Kanya-kanya kaming hawak ng kung anu-ano, I am with my iPad, nagbabasa lang naman ako ng Wattpad. Ano pa ba? Si Janina, Maria, Danica at Angel, ayun nag gigitara. Si Anna, nakikipag asaran sa mga lalaki. May pagkaboyish kasi siya, eh. Pero 'wag ka, maganda 'yan! Nag-cCoC 'yan malamang. Hmm, speaking of.
Lumapit ako kay Stephen, "Uy, paayos," sabay abot ko sa kanya ng iPad, bahala siya mag-ayos ng base ko. Makikigitara na lang ako.
"Naman, Loise, may ginagawa ako, eh. 'Yan kay Nile na laang," Palisot niya, amoy tae. Tss, gunggong.
Binigay ko naman kay Nile agad-agad, "Oh, ikaw daw mag-ayos,"
Tumango naman siya sa akin at kaagad na ngumisi, tss, gago. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nawala sa mood ngayon, nakakaloka. Kaya naman pala, naggigitara si Stephen. Pagsagaling nga naman nito mag gitara. Si Nile kaya, maalam? Teka, bakit ko ba iniisip 'yon? Hay.
Ibinigay na sa akin ni Nile ang iPad ko nang matapos niyang ayusin ang base ko, ayos na din. Kasama ko ngayon si Leny, kaklase namin siya. Wala lang, usapang tae lang. Hahaha. Nag waWattpad ako, eksaktong may tumugtog ng gitara.
🎶 Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Tinatamad akong tingnan kung sino iyon dahil paniguradong sila lang naman 'yun. Tiningnan ko si Leni, tinanong ko siya, "Sino?"
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Nilingon niya kung sino at sinabing, "Si Alex,"
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
"Huh?" Dahil na-curious ako, nilingon ko na. Shet! Anak ng! Si Nile 'yong nag gigitara! Harujusko, parang kanina lang, ah. Naiiyak ako. Ganito talaga ako kapag kinikilig, parang gusto 'kong maiyak. Landi ko, kaane. Huhuhu.
"HUY!"
"Ay pikachung hotdog!" Ano ba?!
"Pfft, hahaha. Baka gusto mong tumayo d'yan? Nand'yan na si Sir, oh. Hala ka," banta niya sa akin. Duh. As if namang natakot ako, juskopo. Nile, why are you doing this to me? Take note, napatingin pa siya sa akin habang kumakanta! Basag trip naman 'tong si Sir, eh. Kitang nag jajamming pa. Awkward, katabi ko siya. Aynaku naman.
Kinalabit ko si Nile, "Maalam ka pala?"
Ngumiti na naman siya, takte. "Oo, ikaw ba?"
Ngumiti rin ako, "Medyo,"
At d'yan nagtatapos ang katangahan ko dahil lunch na pala. Agad naman siyang nagtatakbo papuntang canteen, gan'yan kasi sila nina Stephen at Renzo, masikip kasi sa canteen kapag nahuli ka. Haynaku, sayang naman 'yung guitar moment.
Nasa school na kaagad ulit ako, bilis ko, 'noh? Hahaha. Gan'yan talaga. And to their surprise, may dala akong gitara. Yeyz, naman! Maalam naman kasi talaga ako noon, ewan ko na lang ngayon. Kaya maypapaturo na lang ulit ako sa kanila. Gitarista mga 'yan, eh.
"Naks naman, Loise, may gitarang dala," Ay fota. Pagsaingay talaga nitong si Janina. Naglingunan tuloy sa akin lahat ng Sapphire. Tss, I hate people. Maliban sa kanila at sa sarili ko, bwahaha. Eksdi.
Umupo agad ako at nilapag ang gitara sa corner malapit sa blackboard. Nang bumalik na ako sa upuan ko'y nakita kong andun na ulit si Nile, hehehe. Saktong pagkaupo ko naman ay siyang pagtayo niya, anong trip nito? Ah, so kukunin pala ang gitara KO. Nakuha na niya, kainis.
"Iyo 'to?" Tanong niya sa akin.
Inismiran ko siya, "Obvious?" Wala lang, feel ko lang magtaray sa crush ko, hahaha. Naisip ko na magpaturo sa kanya, dagdag points na rin, hahaha. Pumayag naman kaagad siya.
"Eto 'yan, istrum mo lang siya ng four times," Sinunod ko naman ang sinabi niya, galing, ah. Syempre, magaling din ang tutor ko, eh. Ay ulaga. Haha!
Medyo nalito ako kaya namali ko ang chord ng 'C', "Nubayan," inis na bulalas ko na lang sa aking sarili. But I was wrong, he heard it.
"Ganito kasi," Hinawak niya ang kamay at daliri ko. OhMyG, nakakaloka. Naiiyak na naman ako. So, alam niyo na ang meaning kapag kinikilig ako, ah? Landi, kasi. Huehue. Nakakainis, ang bata ko pa for this. Nakakaloka talaga. Kasi naman may kuryente, eh. Alam mo 'yun?!
Nang nag-uwian na kami, napatanong naman ako sa sarili ko.
'Why are you giving me those motives?'
Ewan. Hihingi na lang ako ng signs, hmmm. Weird ko, hahaha. Bahala na nga.
Sadyang tanga at assuming lang talaga ako. Wala ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Motives & Signs
Teen FictionMotibo. Bakit nga ba siya nagpapakita ng motibo? Senyales. Bakit nga ba nagkakatotoo? Motibo at Senyales. Dahil binigyan ka ng motibo, hihingi ng senyales kung totoo nga ang motibong iyon. At kapag natupad ang senyales na hiniling, aasa, natupad kas...