Chapter 4

35 1 0
                                        

Chapter 4

'Zia, I'm sorry. Boss wants you to post, kahit isang chapter lang daw' Joe replied.

Sumulyap ako kay mama at Marcus na naguusap sa gilid ng glass door pagkatapos ay binalik muli ang tingin sa text.

I'm overloaded, pinagiisipan ko tuloy kung sasama pa ba ako kay Caleb sa interview bukas kay Marcus.

Sumabay pa si mama na marami pang hinabilin kay Marcus bago pa kami tuluyang pakawalan.

Bumuntong hininga ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

"What?" mahinang saad ni Marcus, napatingin ako sa kaniya. Nakakunot ang noo neto habang nagdadrive.

Umiling ako "Nothing.." I replied for assurance

I know i'm distracting him by my sighs. I really don't know how to finish my work today. Pinagbigyan ako hanggang midnight, pero mukhang hindi pa rin kaya. I sighed deeply again.

"What happened Azalea?" Seryoso na netong saad.

Napanguso ako at marahan ginulo ang ang harap ng aking buhok.

I'm crazy.

"Don't mind me" I said.

Tumingin nalang ako deretso sa labas at hinihintay na makauwi sa bahay.

Hindi ko alam kung mabagal ba talaga ang oras o mabagal lang talaga siyang magdrive ngayon, kaya naman nang ipark na neto ang sasakyan ay nagmamadali na rin akong pumasok sa loob, leaving him in an awe.

Agad kong binuksan ang laptop ko pagkatapos ay tuloy tuloy nang nagtipa sa keyboard ng mga scenario'ng pumasok sa isip ko.

I even use some scenes na nangyari samin kanina ni Marcus at mama sa kadesperadang matapos ko na 'to.

Panay na rin ang pangungulit sakin ni Joe. Tinaas ko muna ang eyeglass ko para imasahe ang mga mata kong papikit na. I set my phone in silent mode para makapokus ako sa pagsusulat.

Tiningnan ko ang oras and it's almost 1am in the morning, buti na lamang at patapos na rin itong chapter na ipopost ko sa site mamaya.

I massage my hands after I clicked the publish. Uminom ako ng tubig habang kinukuha ang cellphone ko.

'I'm done' I texted to Joe.

Ilang minuto pa akong tulala, nafi-feel ko na rin na hindi na maganda ang pakiramdam ko. Tumikhim ako at muling uminom ng tubig.

Tumayo ako at pumunta sa pintuan nang may kumatok rito. "Sino yan?" Paninigurado ko

2AM na, Marcus might be the one who knocked on the door pero bakit? Nang walang sumagot ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan.

No one is here! Minamaligno ba ko? Pinilig ko ang aking ulo at agad agad na sinarado ang pintuan sa takot. Ngunit maya maya ay binuksan ulit ito nang may mahagip ang paningin ko sa baba.

There's a milk in a glass that was put in tray. Agad kong tiningnan ang labas ng kwarto ni Marcus. The lights were still open, it means that he's still awake.

I smiled sweetly at kinuha ang gatas sa baba. He sent a milk to me! Marcus sent a milk to me!

Hanggang sa pagtulog ay dinala ko ang  katotohanan na dinalhan ako ni Marcus ng gatas. Tila'y inichapwera ang kanina pang dinaramdam.

-
Nagising ako sa tunog ng cellphone. Kinuha ko yun at sinagot.

"Hello?" Namamaos kong saad.

Tiningnan ko ang oras at alas sais palang ng umaga. Kukunti palang ang oras na naitutulog ko.

Lock-On Thee (Artista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon