Chapter 20

20 2 0
                                    

Chapter 20

Ibinaba ko ang sumbrero ni Kael kahit na buhat siya ni Marcus. Si Marcus naman ang nag-ayos ng sumbrero at facemask ko sa aking mukha.

Pagkatapos nun ay siya na ang naglagay ng mga maleta namin sa isang cart. Ako na sana ang magtutulak non pero pinigilan niya ako.

"Just wrap your hands around me Azalea. There's already a reporters here" tukoy niya sa mga iilang reporters na pinipicturan na kami sa airport.

"We will just wait for Mr. Geronimo before we leave here" tumango ako.

It's almost two months since Marcus stayed with us in Morocco, nauna ng umuwi yung iba bukod sa kaniya. And for that months I realised that we really need to go back here, kailangan ko na rin magpakita sa pamilya ko.

Kahit hindi reporters ay meron ring iba na kumukuha ng pictures namin. Kumapit ako sa braso ni Marcus at bahagyang tinago si Kael.

Dumadami na ang mga taong pumapalibot sa amin, kaya naman ang ibang guards ay pumunta na sa amin para maprotektahan kami.

Maya maya pa ay nagpakita na rin si Mr. Geronimo, saglit itong tumingin at ngumiti sakin bago kinausap si Marcus.

"Kami na ang bahala sa mga bagahe niyo Marcus. Kasunod niyo lang kami but you will use another car. I already advised them kung saan kayo isasakay" tukoy niya sa mga bouncers.

Tumango sa kaniya si Marcus, inayos niya muna ang pagkakabuhat kay Kael bago ako mahigpit na hinawakan sa kamay.

Nasa gitna na kami ng mga gwardiya at bouncers habang ang iba namang mga reporters ay sinusubikang lumalapit samin para magtanong at makakuha ng scoops. Hindi pinansin yun ni Marcus bagkus ay bumulong pa sa akin.

"Are you fine?" Tanong niya, tumango ako sa kaniya.

Nakakalakad pa naman kami ng maayos pero ilang minuto rin ang lumipas nang lumiit na ang espasyo ng nilalakaran namin.

Hindi lang ang mga reporter ang nandito kung hindi pati na rin ang ibang mga fans niya at nakakakilala sa kaniya.

"Marcus! Siya na ba ang asawa mo? At ang dala dala mong bata, anak niyo ba?" Deretsuhang tanong ng isang reporter.

Mabilis kaming naglakad ni Marcus, dinaan kami ng mga gwardiya sa exit kung saan kukunti lang ang tao.

Una akong pinapasok ni Marcus sa sasakyan bago silang dalawa ni Kael. Patuloy pa rin ang pag-aabang ng mga tao sa labas kahit na nasa loob na kami.

Maingat na tinanggal ni Marcus ang sumbrero ni Kael, kaya naman ay tinanggal ko na rin ang akin. Pagkalagay ng mga gamit namin sa loob ng van ay pumanhik na kami paalis.

"That was crazy!" Saad ko.

"I'm sorry, kaka-advise lang rin sakin ni Mr. Geronimo nung paalis tayo doon"

"It's okay Marcus. I am only in awe, you are too way popular now!" Amin ko.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko "You and Kael will be on news later, is it okay to you?" Nagaalala niyang tanong.

Tumango ako, I am ready for this. Ine-expect ko na ang ganitong senaryo una palang nung nakapagdesisyon akong umuwi na.

"Of course Marcus, it's fine for me but I want Kael's identity to be on private"

"I won't even let them know his name" seryoso niyang saad.

Tiningnan ko ang labas, I smiled sweetly when I realized the changeless of familiar places. Even the traffic na noon ay kinaiinisan ko, ngayon naman ay miss na miss ko.

Lock-On Thee (Artista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon