Chapter 11
"Marcus, nakita mo yung phone ko?" Tanong ko sa kaniya habang hinahalughog ang aking bag.
"Nasa akin"
Tumaas ang kanang kilay ko. Tinigil ko ang paghahanap at inilahad ang aking kamay sa harap niya.
"Amin na"
"Later Azalea, ibibigay ko sa 'yo kapag nasa Manila na tayo" he said.
Muling tumaas ang kilay ko.
"Why? Is there's something wrong?"
Hindi siya umimik pero alam kong meron. Kinabahan rin ako sa message ni Maryann kanina, pero pinigilan niya kong buksan muli ang cellphone ko.
"I'll tell you kapag nakabalik na tayo sa Manila" pinal na saad niya.
Hindi ako kumbinsido pero tiniis kong hindi na magtanong muli.
Pagkarating sa aming bahay ay agad kong hinanap ang cellphone sa kaniyang sasakyan.
"Azalea" suway sakin ni Marcus habang ibinaba ang konti naming gamit.
I pouted my lips. Kalaunan ay binigay niya na rin ang cellphone ko.
"Hard-headed" he just murmured.
Hindi ko siya pinansin, agad kong binuksan ang twitter ko. Bumungad doon ang napakaraming pictures ni Marcus na kasama ako sa Zambales. Natutop ko ang aking bibig. It's trending.
Kumunot ang noo ko ng malaman na iba ang dinadawit nilang pangalan sa picture kahit na ako ang nandon.
Tiningnan ko ang isang picture kung saan halos magkapareho ang suot namin ni Natalia. Magisa lang siya doon pero dahil hindi ganon kakita ang mukha ko ay inakala ng mga tao na siya ang nasa larawan kasama si Marcus.
Marahan kong binaba ang phone at litong tumingin kay Marcus.
"What the hell?"
Marcus sighed when I give him some expression.
"I already talked to Mr. Geronimo. We will have a presscon before the release of our movie... I will tell them that I'm married Azalea, hindi ko ibibigay ang pangalan mo for your protection. We are also ready to block anyone from media to know more about you"
He seriously said. Napapitlag ako roon.
"Marcus, wag muna! Ipapalabas na ang movie niyo. Baka maapektuhan"
Mariin siyang pumikit.
"I told you Azalea, I don't care"
"Pero Marcus..." Muling angal ko
"Hush Azalea, napagusapan na natin to. All you can do is to trust me. Okay?" Maingat itong tumingin sa mga mata ko.
Gradually, I nodded to him.
"Good, rest first. Ako na ang bahala sa mga gamit natin"
"Can I meet Maryann?" Habol ko sa kaniya bago siya magayos muli.
"Is it okay if you will meet her here?" My lips parted.
Wala pang nakakapunta dito na mga kaibigan namin.
"Malalaman nila Marcus..." Paalala ko
"They will eventually know Azalea, it's better if your friends will know about us first" he said.
Somehow he's right. Agad akong nagtipa ng message kay Maryann at binigay ang address namin.
'Kaninong bahay yan? Bagong bahay niyo?' pahabol niya.

BINABASA MO ANG
Lock-On Thee (Artista Series #2)
RomanceAzalea is a famous writer who has been working with the Veteran directors. Residing at Morocco to have a fresh ideas for her stories, she'll gonna met her husband whom she haven't seen for long. Marcus accepts the project and later on flew in Morocc...