Chapter 19
"He's really my son" namamanghang saad niya habang nanonood sa malaking screen.
Tumango ako, I saved all Kael's important video. Wala akong binura doon at lahat yun ay itinago ko kasama ang mga pictures niya.
Now that Marcus is here, I want him to know Kael first para pag nagkita sila ay may alam na siya tungkol sa anak niya.
Inayos ko ang laptop ko at pinagpatuloy ang pagta-type. Kaka-update ko lang sa isang storya ko at agad na dumagsa doon ang notifications, ngayon ay kailangan ko naman sumulat muli ng isa pang chapter para sa ibang storya.
Kinuha ko ang cellphone sa tabi ko at agad na sinagot ang tawag ni Mrs. Helda.
"Azalea, kukunin mo ba ngayon si Kael?" Napatuwid ako sa aking pagkakaupo.
Oo nga pala! Ang sabi ko ay kukunin ko siya ngayong gabi. Pinanood ko si Marcus, nawiwili pa rin itong panoorin ang mga videos ng anak niya kaya hindi ko maistorbo.
"Mrs. Helda, may ipapakiusap po muna ako sa inyo. Pwede po bang diyan po muna si Kael? Bukas rin po ng maaga ay kukuhain ko siya diyan" pakiusap ko.
"Sure Zia. No worries" pagpayag ng matanda.
"Salamat talaga Mrs. Helda"
"Ano ka ba Zia! Kahit ilang araw mo pa pagistayin si Kael dito ay okay lang samin"
Napangiti ako. I still need to explain everything to Kael before he met his father, I know he's still a child but he's smart enough to understand all of this.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda para mapuntahan si Kael. Sa sala na nakatulog si Marcus dahil sa panonood ng mga videos ng anak niya.
Inayos ko ang kumot na nilagay ko sa kaniya kagabi, mahimbing pa rin ang tulog niya.
Nagluto na rin ako para makakain siya bago muling sumabak sa shooting. Nang okay na ang lahat ay sinigurado ko munang magpaalam kay Betty at Paul para kapag hinanap ako ni Marcus ay hindi siya mag-alala.
"Mrs. Helda" bati ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin na may nag-aalalang mukha.
"Zia, buti nalang nandito ka na! Tatawagan na sana kita"
"Bakit po anong nangyari?" Kinakabahang saad ko
"Si Kael kasi nakakatatlong suka na ngayong araw. Tinawag na rin namin si Riad para madala na namin sa hospital"
Mabilis akong pumasok sa loob nila at doon ko nakita ang anak kong namumutla habang nakahiga sa kanilang sofa.
"Zia, you are here. Let's wait for Riad, he will be here in a seconds" mahinahon na saad ni Mr. Adil
Hinawakan ko ang kamay ni Kael, malamig ito.
"Ngayon lang po ba? Kahapon po, hindi pa ba siya matamlay?"
"Hindi hija. Ngayon lang talaga, tinanong namin siya kung saan masakit ang sabi niya ay ung tiyan niya"
"Kael baby, wake up. Mommy is here" gising ko sa kaniya.
Unti unti niyang minulat ang kaniyang mga mata, nakahinga ako ng maluwag. He's awake.
"Mommy, my tummy is hurting" sumbong niya habang namimilipit ulit sa sakit.
Dahan dahan ko siyang niyakap at kinarga.
"What foods did he ate po?"
Lahat ng pagkain na kinain ni Kael ay sinabi sakin ni Mrs. Helda, kahit yung mga ginawa niya kahapon. Kakailangan ko yun para kapag tinanong ako ng doctor ay alam ko ang sasabihin ko.

BINABASA MO ANG
Lock-On Thee (Artista Series #2)
RomanceAzalea is a famous writer who has been working with the Veteran directors. Residing at Morocco to have a fresh ideas for her stories, she'll gonna met her husband whom she haven't seen for long. Marcus accepts the project and later on flew in Morocc...