Chapter 23
Hours passed when Alizaq and I decided to leave in his office.
Okay na kami, we settled everything and I just hope that he'll do his best to built a good family.
"Kael is with Mama, nandoon sila ngayon kay papa" Saad ko nang makalabas sa binuksan niyang pinto.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Alizaq's walk became larger kaya naman ay nahirapan akong sundan siya.
Katulad ng nangyari samin kanina ni mama, ang mga tao don ay bumabati sa kaniya tuwing nakikita siya. Umismid ako, nahihirapan kung paano ba ang tamang reaksyon sa kanila.
"Hindi naman pwedeng magpakita ka sa pamangkin mo ng sabog ang itsura natin. Magtataka 'yun"
Napakamot siya ng ulo nang mapagtanto na tama ako. Bahagya niyang inayos ang kaniyang buhok at mukha para tingnan kung may dumi ba roon.
Lumiko pa kami sa bandang gilid at doon nakita ko ang dating secretary ni papa na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin sa kaniya.
"Good morning Mr. Alizaq and Ms. Azalea, hinihintay na po nila kayo sa loob" magalang na saad niya sa amin.
Ngumiti ako. He's on his age but his loyalty to papa is great.
Iginiya niya kami sa loob at doon, nakita namin ang maglolo na naglalaro.
"Tito Alizaq!" Masayang bati sa kaniya ni Kael nang makita siya.
Tumakbo ang bata at tumalon papunta sa tito niya. Alizaq smiled to Kael.
"Our little baby is now a big boy, how are you?"
"I'm fine. But you didn't visit us anymore" tampong saad ni Kael sa kaniya, ngumisi ako.
Pumunta ako sa tabi ni mama para uminom sa baso niya ng juice. Parang napaos ata ako dahil sa iyakan namin kanina ni Alizaq.
"Sorry, tito got so busy but don't worry, I kept your gifts for your past birthdays and Christmas."
"Really tito? Where is it?" Excited na tanong sa kaniya ng bata.
"It's on my room, I'll get it sooner okay?"
Pumalakpak si Kael, napakamot ako sa ulo.
"You have so many toys Kael. I heard that papa and mama also bought you a cars, aren't your daddy bought recently" suway ko sa aking anak nang maisip na puro sasakyan na naman ang niregalo ni Alizaq sa kaniya.
Mahinang humalakhak si papa habang si mama naman ay masamang nakatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko at bahagyang itinaas ang dalawang kamay.
"Kahapon lang namin nabilhan Azalea dahil kahapon mo lang rin unang pinakita sa amin" mataray na saad ni mama.
Kagat labi akong tumango, oo nga pala. Hindi na ako umimik, ayoko na rin namang makipagtalo. Hinayaan ko na silang i-spoil si Kael, ang tanging ginawa ko nalang ay suyurin ang buong office ni papa dahil tila'y nawala na ko sa paningin nila.
Maya maya pa ay nabaling ang atensiyon naming lahat sa tumutunog na cellphone ni Alizaq. Umatras muna ito sa kaniyang pwesto bago sagutin ang tawag.
Binalewala namin yun at bumalik na sa mga ginagawa namin pero ang mga sumunod na binigkas niya sa tawag ay umaalisawsaw sa buong kwarto.
"What? You did what?" Lahat kami maliban kay Kael ay muling bumaling sa pwesto niya.
Alizaq is always a serious person, pero iba ngayon. May halo, he's worried also,
"Don't cry, where are you? Alright, I'll pick you up" mabilis na ibinaba ni Alizaq ang cellphone.
"I'm sorry but I need to go" nanatili ang tingin namin sa kaniya. Naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "My wife needs me" he added.
BINABASA MO ANG
Lock-On Thee (Artista Series #2)
RomanceAzalea is a famous writer who has been working with the Veteran directors. Residing at Morocco to have a fresh ideas for her stories, she'll gonna met her husband whom she haven't seen for long. Marcus accepts the project and later on flew in Morocc...
