Chapter 18
Unti unti na kong bumibigay sa bawat halik niya but I know this is not right. I gather all my strength to push him away at hindi naman ako binigo ng sarili ko.
Nakaawang pa ang mapulang labi niya habang tulalang nakatingin sa akin.
"This is not right Marcus" bulong ko.
Inayos ko ang sarili ko bago mabilis na pumunta sa kwarto.
Pagkasarado ay agad akong napasandal sa pintuan. Pinilig ang aking ulo nang maalala ang nangyari ngayon samin ni Marcus.
Nasapo ko ang aking ulo... Now I really don't know what to do, he learned about Kael at nararamdaman kong hindi papayag si Marcus na hindi makita ang anak niya.
Mas lalo akong namroblema sa sitwasyon ko. I can't run anymore, mahihirapan na akong manirahan sa ibang bansa lalo na at hindi pa rin kami nagkakabati ni Alizaq.
Para makapagpalamig ng ulo ay pumunta ako ng bathroom at hinayaan ang tubig na dumaloy sa aking ulo papuntang katawan.
Gusto ko ng solusyon pero 'ni isa ay walang pumapasok sa utak ko.
-
"Betty nakakailan na kayo?" Tukoy ko sa mga hinarvest na rosas.
Kahit dito man lang ay pumayapa ang utak ko.
"Nasa 8,000 mahigit palang Zia. Tuloy tuloy yung shooting nila kagabi hanggang kaninang madaling araw. Kanina ay nakaharvest kami nong nagbreak sila pero madalian lang rin kasi mabilis silang bumalik" she explained.
Kumirot ang puso ko nang maisip si Marcus. Kung tuloy tuloy ang shooting nila ibig-sabihin ay wala pa siyang maayos na tulog.
"Anong oras sila natapos kaninang madaling araw?"
"Mga maga-alas singko na ata? Tapos mga alas-syete na ulit sila bumalik dito. Ngayon ay break nila kaya nakakapagharvest na rin kami"
Napatango nalang ako sa kaniya. "Hindi pa ba sila babalik?"
"Mukhang hindi pa naman, magsasabi naman sila samin kung kailangan na nila" kibit balikat na saad neto "Speaking" dagdag niya.
Tumingin ako sa tinitingnan niya, it was Paul. Madilim ang presensiya neto kaya naman ay tinansiya ko pa kung paano ko siya babatiin.
"Paul" tanging saad ko.
"Azalea... Nakita mo ba si Marcus?" Malamig ang tono niya, tingin ko ay may sinermonan na naman siya.
"Kanina ay nasa bahay siya"
"Now?"
"I don't know?"
Nanliliit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. May gusto pa siyang sabihin pero hindi niya matuloy tuloy.
Kumunot ang noo ko.
"Zia, doon lang ako" singit ni Betty samin nang mahinuha na gusto akong makausap ni Paul in private.
Mabilis itong naglakad palayo samin.
"Did you fought? Kagabi pa siya tulala at hindi mapakali" umiiling niyang saad.
"Normal naman sigurong mag-away kami"
"When it comes to you Azalea, he's calm pero iba kahapon. May iba pang bagay na bumabagabag sa isip niya, sigurado ako don"
Tumingin siya sakin, tingin ng may alam at parang hinuhuli ako pero hindi ako kumibo sa kaniya.
Kung nalaman niya ang tungkol kay Kael kahapon baka ito ang sinasabi ni Paul na bumabagabag sa isip niya pero hindi naman siguro.
Pero tama ako, kinuha ni Paul ang picture ni Kael sa bulsa at pinakita 'yun sakin.
BINABASA MO ANG
Lock-On Thee (Artista Series #2)
RomanceAzalea is a famous writer who has been working with the Veteran directors. Residing at Morocco to have a fresh ideas for her stories, she'll gonna met her husband whom she haven't seen for long. Marcus accepts the project and later on flew in Morocc...
