Chapter 12
Umikot ako sa pwesto ko at patuloy na binasa ang mga comments ng mga fans tungkol kay Natalia at Marcus.
The issue is getting bigger, may mga dumadagdag na iba't ibang kwento na rin.
Marcus is currently out. Dealing with this news. Hinilot ko ang sentido ko at binuksan ang isang text message mula sa 'di kilalang number.
'This is Azalea right? Let's meet, this is Natalia by the way'
Kunot noo ko itong tiningnan, where did she get my number? Pero bakit gusto niyang makipagkita sa akin?
Inayos ko ang sarili ko, wala naman si Marcus kaya malaya akong nakalabas. Magpapaalam nalang ako kay Marcus kapag natapos na kami ni Natalia.
Ilang minuto pa ko naghintay bago siya dumating. Nakamask ito at sumbrero para 'di siya makilala ng mga tao.
Nang makita ako ay dumeretso na agad siya sakin. Mariin siyang tumingin.
"I am so dumb not to know your relationship with Marcus" panimula niya habang umiiling na.
Nagulat ako roon, paano niya nalaman? Lito akong tumingin sa kaniya, hindi umaamin.
"Kung 'di ko pa pinaimbestiga ay 'di ko pa malalaman... Don't small me Azalea, malakas rin ang koneksyon ko"
Mataray niyang saad, umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko para 'di na muli magsalubong ang mga mata namin.
I guess, my secret with Marcus is not a secret anymore dahil marami na ang nakakaalam.
"You will ruin it all... Lahat ng pinaghirapan namin ay sisirain mo..."
"So be thankful to me dahil kung hindi ko nilabas ang picture ko na halos katulad ng picture niyo ni Marcus Zia, bistado kayo. Sira ang asawa mo sa publiko" umiiling na saad niya.
So siya ang pasimuno ng pagkalat niya ng picture? Siya rin ang gumawa ng kwento tungkol sa kanilang dalawa ni Marcus?
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kaniya dahil sa pagtatakip na ginawa niya saming dalawa ni Marcus o magagalit.
Kinuyom ko ang aking kamao para pigilan ang aking sarili.
"But I am a celebrity Zia, lahat ng ito ay may kapalit. I already help you, so you need to help me now" dahan dahan kong inangat ang ulo ko.
Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil sa sumbrerong halos nakatakip na sa kaniyang mata.
"What?" Nakakunot kong saad
"Pag bumagsak si Marcus ay damay ako. There's a lot of fans who are supporting us right now... I guess, nagbabasa ka naman ng mga comment hindi ba? Pero kapag nalaman nilang hindi totoo ang rumor tungkol samin, na kasinungalingan lang ang lahat, na pinaasa lang namin sila. Lahat yun ay masisira, tapos kaming dalawa. Dawit ang pangalan ko"
Mariin siyang pumikit bago magsalita muli.
"Let's be honest here, you will become a hindrance to him Azalea, sa pagsikat niya. Sandali ko man nakilala si Marcus but I know that acting is his passion. There's still a lot of opportunity to him, he has an offer in Hollywood pero dahil sayo pa ata kaya hindi niya tinanggap yun"
Umismid ako sa pwesto ko nang marinig ang mga sinabi ni Natalia.
"I really don't know why Marcus married you when you are just a journalist but nevertheless, if you can let go him, then you should"
"Natalia, I can't" umiiling na sabi ko. Hindi pumayag sa sinabi niya.
"You can Azalea, ikaw ang hihila sa kaniya pababa kaya kung kaya mong iresolba 'to ng magisa then you should dahil talagang aalma si Marcus kapag sinabi mo ang plano mo sa kaniya. You are his weakness!"

BINABASA MO ANG
Lock-On Thee (Artista Series #2)
רומנטיקהAzalea is a famous writer who has been working with the Veteran directors. Residing at Morocco to have a fresh ideas for her stories, she'll gonna met her husband whom she haven't seen for long. Marcus accepts the project and later on flew in Morocc...