Chapter 3
"Azalea?" Nalilitong tanong ni Caleb sa akin habang salitan niya kaming tinitingnan ni Marcus.
I lost my words. Pinandilatan ko ng mata si Marcus para humingi ng tulong kahit siya naman ang may pakana kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon.
Hindi ito nagpatinag sa tingin ko kaya naman ay marahan akong napapikit, iniisip kung anong pwedeng idahilan.
"He's my childhood friend" amin ko kay Caleb. It's not a lie tho ito lang ang naiisip ko. Hindi naman siguro ito ipagsasabi ni Caleb, I know him.
"What?" Kunot noo niya akong binalingan. "You didn't tell me Zia?"
"I... We're not that close anymore kaya 'di ko na rin binanggit sayo" pagdadahilan ko.
I saw Marcus eyes darted on me. I'm sorry, I am just trying to save you.
"Then you should come with me..." Tiningnan niya muna si Marcus bago magsalita muli "Ako na ang maghahatid" he said pagkatapos ay hinila ako papunta sa kaniya.
'di natinag sa kaniya si Marcus at nanatiling nakahawak ang kamay niya sa braso ko.
"Uhmm..." Tanging saad ko na lamang.
Kung mananatili kami dito ay baka makita kami ng ibang reporters and I don't want that to happen.
"Kanino ka sasabay Azalea?" Malamig na tanong ni Marcus.
Tiningnan ko ito ngunit nanatili ang tingin niya kay Caleb. Ganon rin si Caleb sa kaniya.
Iwinaksi ko ang mga kamay nilang nakahawak sa braso ko.
"I'm going with Caleb, Marcus" sagot ko sa kaniya "Still thanks for the offer" dugtong ko.
Agad akong umiwas sa tingin niya, nanlilisik ito. Hindi ko alam kung bakit pero dapat lang ay magpasalamat siya sa aking desisyon.
I am keeping our secret para na rin 'di siya mabuking.
"Let's go Caleb" hinila ko na si Caleb. Feeling ko kapag nanatili ako doon ay tuluyan na akong magiging abo.
Caleb continued his speech na hindi ko na maintindihan kung anong sinasabi niya. I am just nodding to him.
I'm still thinking about what Marcus did. Ngayon lang siya kumilos ng ganon, dati'y wala siyang pakealam sakin pero ngayon ay kakaiba.
I snapped at my position when Caleb called me. "Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo ko sinasagot" he said, mapanuri niya akong tiningnan ngunit tinapos ko na agad iyon.
"I'm sorry, I am just too tired" tiningnan ko kung nasaan na kami.
We are on the parking area of my condo. Tinanggal ko ang seatbelt ko at nagpaalam na agad sa kaniya.
"Can I rest first?" I asked. Malalim itong bumuntong hininga at tumango.
"Alright! Have a rest first" pagod na saad niya.
Ngumiti ako dito "Thank you, ingat ka sa paguwi. Goodnight!" I said.
'di ko na siya pinagsalita pa at isinarado na ang sasakyan pagkababa ko.
Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ay agad akong dumeretso sa elevator. Dito nalang muna siguro ako sa condo matutulog.
I'm pretty sure that Marcus will go home, malaki ang chance na baka may paparazzi'ng nakasunod sa kaniya dahil sa dami ng reporters na nakaantabay kanina.
Kaya mas pinili ko munang hindi ako umuwi sa takot na baka may makakita samin sa iisang bahay.
Pagod akong pumikit matapos tingnan ang kisame sa aking kwarto. I am really tired na kahit ang tawag ni Maryann kanina ay hindi ko na sinagot.
BINABASA MO ANG
Lock-On Thee (Artista Series #2)
RomanceAzalea is a famous writer who has been working with the Veteran directors. Residing at Morocco to have a fresh ideas for her stories, she'll gonna met her husband whom she haven't seen for long. Marcus accepts the project and later on flew in Morocc...
