Chapter 8

29 2 0
                                    

Chapter 8

[SPG - Mature Content]

"Lolo" magalang na bati ko pagkatapos ay nagmano sa kaniya.

Sinuri ko siya, he became thinner now at ang kulubot na balat neto'y kitang kita na. May nakasunod rin dito na dalawang mukhang nurse para bantayan siya.

"Lolo" Salubong naman ni Marcus sa kaniya, nagmano ito sa kaniyang lolo pagkatapos ay inalalayan papasok sa loob ng bahay.

Sumunod ako sa kanila. Pagkapasok ay may nakuha kaagad ang atensiyon ko. Isa itong malaking family picture na nakahang sa may harap ng sala nila. Nandon silang lahat, si Lolo Carlos at ang asawa niya. Si tito Carlos at tita Maris pagkatapos ay si tita Karla na bitbit na ang maliit na si Kristel. Napukaw rin ng maliit na Marcus ang atensiyon ko. He's in between of his parents, napangiti ako dahil doon.

"Buti nalang at napaunlakan niyo ang request ko" maligayang saad niya "kumusta ka na hija?"

"Maayos po" sagot ko.

"Cesar was here last week, mabuti pa'y bisitahin niyo rin siya habang nandito pa kayo" muli itong naglakad at may binulong sa kasambahay nila.

"Kumain na rin muna kayo. Alam kong malayo ang naging byahe niyo" he said pagkatapos ay lumiko papuntang dining room nila.

Napaawang ang bibig ko nang makita ang kabuuan neto. This not a house, this is a mansion!

"Kayo lo? Nakakain na po ba?" Tanong ni Marcus sa kaniya habang ako ay mangha pa rin inoobserbahan ang silid kainan nila.

"Oo Marcus, I ate first dahil 'di ako pwedeng magpalipas ng gutom" saad niya "Pinadala ko na rin ang bagahe niyo sa taas para mamaya ay makapagpahinga muna kayo" itinigil ko na ang ginagawa ko at itinuon ang atensiyon sa kanila.

Nagpatuloy ang paguusap nila hanggang sa dumako iyon sa kanilang business. Dahan dahan kong ibinaba ang kutsara at pinunasan ang aking bibig.

Their maid immediately saw me kaya naman ay lumapit ito at niligpit ang kinainan ko. Marcus look at me.

"You're done?" Tumango ako sa kaniya.

"Mabuti pa at magpahinga na kayo sa taas. Ihatid mo na siya Marcus sa inyong kwarto" utos ni lolo sa kaniya.

Napabalikwas ako ng upo nang may mapagtanto. We're sharing a room!

Hindi na sumunod si lolo papunta sa taas. Kaya malaya akong nakapagsalita ngayon.

"Iisa lang ba ang room natin?" Tanong ko

Kanina pa kami walang imik mula sa naging usapan namin kagabi. Magsasalita lang ako kapag may tinatanong siya sakin pagkatapos 'non ay wala na.

"We're married Azalea, we should be on the same bed" seryoso niyang tugon sa akin.

Tinikom ko ang aking bibig, binuksan niya ang isang kwarto at pumasok roon, sinundan ko siya.

Mangha ko muling tiningnan ang kwarto niya, malaki ito kumpara sa kwarto niya sa manila. And the paint this time is full of white.

Hinawakan ko ang couch niyang kulay puti rin at sinubukang umupo roon. Kilala ko na agad kung sino ang gumawa 'nun. 

Gumawi ang tingin ko sa gilid at napapikit nang makita si Marcus na naka topless na. Pumula ang mukha ko, likod lang yun pero iba ang dating sakin. I shifted my head to the other side para iwasan 'yun. Doon naman ay nakita ko ang mga bagahe namin. I should fix those first bago magpahinga.

Nilapitan ko ito at hinawakan ang maleta ko. Muli akong tumingin kay Marcus, he's still topless pero ngayon naman ay nakatingin na ito sa akin habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kaniyang labi.

Lock-On Thee (Artista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon