CHAPTER 10: PLANNING

62 10 0
                                    

VENICE'S POV

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Monica. Dumiretso kasi kami rito pagkatapos ng klase namin ngayong araw upang planuhin ang evangelism day na gagawin namin sa school after ng final exams namin next week.

" So any suggestion for evangelism day natin sa school? " Nakangiting tanong ni Monica

" Yung evangelism ba is when gaganapin para maplano natin ang flow. " suhestiyon ni Grace

" Well, ayun sa napag – usapan namin ni James, gaganapin yung sharing after flag ceremony ganern. Bale, tayo yung maglelead ng prayer nun then after all the routine saka tayo magsheshare ng gospel. "

" So you mean Nic, pangkalahatan na ito? Hindi isa – isa? " tanong naman ni Axcel

" Well yes, since kasi diba malapit na rin naman ang foundation day ng school, so sabi ni James, pwede tayo gumawa ng booth sa foundation day kung sakali na gusto natin ng isa-isa sa evangelism. Pero kinuha ko na din yung opportunity sa flag ceremony para magkaroon tayo ng momentum at makapagtanim na tayo ng Word sa kanila" mahabang paliwanag naman ni Monica

" I agree with Monica. In that way din kasi magiging ready sila tumanggap lalo na kapag na one on one na if prior pa lang ay may naitanim na sa kanilang Word of God. " wika naman ni Bryan

" What do you think besty? " tanong naman ni Monica saka idinako ang atensiyon niya sa akin

Kinabahan naman ako dahil lahat sila ay nasa akin na ang atensiyon at lalo pang nag – abnormal ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin ni Bryan.

" Ah, ehem. " tikhim ko

" Maganda naman yung sinasabi niyo pero nagwowonder lang ako kung bakit nandito ako? " tanong ko

Bahagya naman natawa si Axcel at Grace habang si Bryan naman ay napangiti. Si Monica naman ay napasapo sa kaniyang noo dahil sa tanong ko.

" Oo nga pala, di pa nga pala kita nasasabihan besty. Sorry sorry. " wika niya na puno ng pagpapaumanhin with payuko yuko effect pa

" Ayos lang yun. " naiilang kong ngiting turan sa kaniya

" Kasi ganto besty, diba si Grace kasi is ahead sa atin saka ibang school siya so sa assembly lang siya makakasama ganun din ang case ni Axcel at ni Bryan. Kaya, I have decided na ikaw na lang makakasama ko sa pagbuo ng booth and sa gagawing one on one evangelism. " mahabang paliwanag ulit ni Monica

" Ahhh " yun lang ang nasabi ko habang pinoproseso ko pa ang sinasabi ni Monica.

" Anoooo?! " halos pasigaw kong wika after ko marealize ang sinabi ni Monica

" MIA ka talaga Venice. Ganyan ba pag Accountancy ang course? " natatawang wika ni Axcel

" Che " asik ko rito saka kunyaring inirapan siya

" Tigilan mo na nga si Venice, Axcel. " seryosong wika ni Bryan na nagpangiti naman sa akin

Teka, anong ngiti yan Venice ha?! Napatikom naman ako ng bibig dahil sa naisip ko. Tumikhim pa ako muli bago hinarap si Monica.

" At talagang plinano mo na ang buhay ko Ms. Monica. " wika ko habang nakacrossed arm pa

" Yes, I do. " natatawang wika ni Monica

" Sa paggawa ng booth, wala akong problema pero sa one on one, it is a no for me. " wika ko sa kaniya

" Bakit naman? " tanong ni Bryan kaya napalingon ako sa kaniya.

" First, hindi ko alam yung gagawin sa one on one. Second, mahiyain ako. Last, ba't ako? " sunod sunod na eksplinasyon ko.

" Tao ka, hindi paniki. " seryosong wika ni Axcel

" Ha? " buong pagtataka kong tanong sa kaniya

" Diba sabi mo ba't ako, eh ano ba English ng bat, diba paniki. " wika ni Axcel

" Ha? " sabay sabay naming wika nila Grace at Monica

" Oh diba di niyo nagets? Huwag kayong mag – alala, ako din eh. Gutom na kasi ako. " natatawang wika ni Axcel

Napailing naman kami ni Monica at Grace dahil sa sinabi ni Axcel. Si Bryan naman ay bahagyang sinuntok si Axcel.

" Loko ka bro, dami mo pang sinasabi, gutom ka lang pala. " wika ni Bryan

" Aba sa gutom ako eh. " wika naman ni Axcel

" Ewan ko sa iyo Ax, kukuha na muna ako ng meryenda. Panigurado ay hindi pa nakakaluto dahil wala pa sila mama at papa kaya wala pa us dinner. " wika ni Monica saka tumayo

" Tulungan na kita. " wika naman ni Bryan saka tumayo na rin

Pinagmasdan ko lamang sila habang binabagtas nila ang daan papunta sa kusina.

" Matunaw yan. "

Nabalik ang atensyon ko sa nakangising si Axcel.

" Ano na naman yan Axcel? " seryosong tanong ni Grace

" Eh kasi naman kayong dalawa kung makatitig ay sus, kung ice cream lang ang likod ni Bryan, natunaw na iyon. " mapang – asar na wika ni Axcel

" Luh, kung ano – ano sinasabi mo diyan. Gutom lang yan " wika ko

" Oo nga, ikaw talaga. " wika ni Grace saka umiiwas sa amin ng tingin pero halata ang pamumula ng kaniyang tainga.

" Fine fine, kunyari wala akong nakita. " natatawang wika ni Axcel

" Che, ikaw nga may pa Nic pa kay Monica, niknik mo, kala mo di ko yun napansin. " balik kong ngisi sa kaniya

Halata naman ang paglaki ng mata ni Axcel dahil sa sinabi ko.

" Got yah! " confident kong turan saka tumawa

" Hoy, ikaw ang ma-issue, talaga namang Nic ang tawag ko sa kaniya kahit tanungin mo pa siya. " depensang sagot naman ni Axcel

" Fine fine, kunyari wala akong narinig. " wika ko habang ginagaya pa ang tono ng pagkakasabi niya kanina

Napasimangot naman si Axcel sa sinabi ko kaya natawa kami ni Grace saka nag – apir. Lumipas ang ilang minuto ngunit wala ng nagtangkang magsalita sa amin. Marahil ay ayaw na ring maging pulutan sa aming usapan.

" Oh ! Anyari sa inyo? " tanong ni Bryan saka ibinaba ang dala niyang tray na may lamang tinapay. Parang familiar yungs scenario na ito. Is it déjà vu?

" May dumaan bang anghel? " natatawang wika ni Monica saka ibinaba ang dala niyang pitsel na may lamang juice.

" Ikaw besty, mukhang anghel. " wika ko saka tumingin sa gawi ni Axcel at ngumisi

" Ha? Bakit? " wika naman ni Monica saka umupo sa tabi ko at ganun din ang ginawa ni Bryan sa tabi naman ni Axcel.

" Akala niyo sa tabi ko uupo no? Akala ko din eh. " wika ng isip ko

Bahagya akong napahilot sa sentido ko dahil sa naisip ko. Seriously Venice, what is wrong with you.

" Oy, tinatanong kita. "

Nabalik naman ako sa realidad dahil sa pagtapik sa akin ni Monica.

" Ha? Ah wala, ang ibig kong sabihin ay ---- "

" Nagugutom na ako, dami niyo pang chika. " hindi na natuloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Axcel kaya naman natawa kami ni Grace.

" Lagi ka namang gutom kaya ka tumataba eh. " pang – aasar naman ni Monica

" Tama na muna yan, pagpray muna natin ang ating kakainin. " wika naman ni Bryan

Sabay – sabay naming itinaas ang kamay papunta sa direksiyon ng pagkain at yumuko. Si Bryan naman ang naglead sa amin sa prayer for food.

" Amen ! " sabay sabay naming wika saka pumalakpak.

" Yay, kakain na tayo. " masayang wika ni Axcel

Natawa naman kami sa naging asal nito. Para siyang bata na hinainan ng masarap na pagkain sa lamesa.

Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon