VENICE'S POV
Tapos na ang klase namin ngayong lunch kaya naman inaayos ko na ang gamit ko para makapunta na kami sa favorite naming karenderya ni Monica. Natigil ako sa pagliligpit nung makarinig ako ng tilian sa labas.
" Anong meron? " clueless kong tanong kay Monica
Napairap muna si Monica bago nginuso ang daan sa pinto na sinundan ko naman ng tingin. Doon ay nakita ko ang anghel este isang poging lalaking may hawak na bouquet of roses na nakangiti sa akin. Lumapit ito sa akin na para bang slow motion ang paligid.
" Hey love, sorry na. Wag ka nang magalit sa akin. " wika neto na may panunuyong tinig saka umaktong inaabot ang bouquet.
" Fine, just do not do it again. " wika ko na inaabot yung bouquet at di maiwasang kiligin
" Marupok. " halos di ko na narinig na bulong ni Monica
" Ano yun Monica? " tanong ko sa kaniya
Umiling iling ito bago magsalita, "wala, sabi ko bilisan niyo na yan at nagugutom na ako. " wika neto
" Fine fine, tara na. " wika ko sa kaniya habang kinukuha ang mga gamit kong bibitbitin ko lang
" Akin na, let me carry that. " wika naman ni Jeremy saka inagaw sa akin yung mga gamit ko. Napangiti naman ako
" Thanks love. " wika ko sa kaniya
" Anything for you. " sabi nito sabay kindat kaya naman namula ako.
Nakarinig naman ako nang buntong hininga sa likuran namin at naalala ko na kasama pala namin si Monica. Psh, ayaw pa kasi maghanap ng boylet. Umangkla naman ako sa braso niya at baka magtampo ito sa akin. Nasa girl code kasi namin ang beshy before boys. Nauna na kaming maglakad ni Monica habang nasa likuran naman namin si Jeremy. Pagdating namin dun ay si Jeremy na ang nagvolunteer bumili ng makakain namin. Alam naman na niya ang oorderin kaya di na kami kumontra.
" Rupok mo talaga. " bulalas sa akin ni Monica
" Hindi ba pwedeng inlove lang? " tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang bouquet na bigay ni Jeremy na may pagtataka
" Yeah, roses are not your most favorite flowers, so I also wonder why ayan ang binigay niya sa iyo. " rinig kong wika ni Monica kaya napatingin ako sa kaniya. How did she know what am I thinking?
" It is still one of my favorites, Monica so it is okay. " wika ko sa kaniya to assure her I am fine. I know naman bakit siya nagkakaganyan, I experienced lots of heartbreaks before bago dumating si Jeremy. Siya lang ang nag express ng love sa akin, the rest pinaasa or ghinost lang ako.
" Ano pinag – uusapan niyo? " wika ni Jeremy habang nilalapag ang mga inorder niyang pagkain
" Random things lang. " wika naman ni Monica na nakangiti.
" Ahh, let's eat. " wika ni Jeremy
Kaya naman handa na sana ako kumain ng matigilan ako. Nagkatinginan kami ni Monica. Natigil naman si Jeremy sa pagkain niya nang mapansin niya na di pa kami kumakain ni Monica.
" May problema ba? " tanong niya
" Ahh wala love, kain na tayo. " nag aalangang wika ko
Pinagpatuloy niya ang pagkain habang nagsimula na din kaming kumain ni Monica. Walang nagsalita sa amin hanggang sa matapos kami kumain. Maya – maya ay tumunog ang phone ni Jeremy. Tiningnan naman nito kung sino ang tumawag at bahagyang nagulat.
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Novela JuvenilLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...