KABANATA 24: CONFIRMATION

116 8 0
                                    

VENICE'S POV

" Anong iniisip mo? " nabaling ang atensyon ko sa pinagmulan ng boses kahit alam ko kung kanino yun galing

" Wala naman " natatawang wika ko kaya kumunot ang noo niya. Grabe, makikitang nagmature talaga siya physically.

" Bakit ka natatawa? " wika niya sabay lapit sa kinaroronan ko

Andito kasi ako sa parang veranda ng church. As usual, nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Katatapos lang kasi ng practice namin at naghahanda pa ng kakainin kaya naman lumabas muna ako para magpahangin. Hanggang ngayon kasi di pa rin ako makapaniwala na andito na siya ulit

" MIA ka talaga " rinig kong wika niya kaya nabalik ako sa ulirat at napatingin sa kaniya na halos katabi ko na

" Ha? " tanging nasabi ko

" Sabi ko, bakit ka natatawa? " ulit niya sa tanong niya

" Familiar kasi yung tanong mo. Parang nangyari na rin dati " natatawang wika ko at nakita ko ang bahagyang pagngiti niya

" Naalala mo pa pala iyon ." wika niya sabay tingin sa kalangitan

" Oo naman " wika ko saka ibinalik ang atensyon ko sa kalangitan

Narinig ko ang pagtikhim niya kaya naman nabalik ang atensyon ko sa kaniya na kasalukuyang nagkakamot sa batok.

" May sasabihin ka pa ba? " bulalas na tanong ko

" Nagbago ba ang dahilan kung bakit mo mahal ang mga bituin? " nahihiyang wika niya kaya napatawa ako

" Anong tanong yan? " natatawang turan ko

" Sagutin mo na lang kasi " sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.

Natawa naman ako sa asal niya dahil namumula ang tenga niya. Ibinalik ko ang mata ko sa kalangitan saka sumagot.

" Hindi naman sa nagbago. Nadagdagan lang ang dahilan. " nakangiti kong wika

" Mula ng mabasa ko yung pangako ng Diyos kay Abraham, mas na – appreciate ko ang mga bituin. Stars symbolizes promise for me at kahit gaano katagal hangga't may mga stars sa kalangitan, I will wait and hold on to that promise especially yung galing kay Lord. " dagdag ko

" Ang lalim niyan ah. Mukhang malaki din ang paglago mo sa loob ng limang taong wala ako. " wika niya

" Siguro nga, kung ikaw ba naman ang kasama mo lagi ay pastora, ewan ko na lang talaga " biro ko sa kaniya

" Hindi ko rin inasahan na ayun ang pagkakatawag niya. " wika nito

" Oyyy may shooting star. " bulalas niya kaya napatingin ako sa kalangitan at nakita ko ito

" Ang ganda " namamanghang wika ko

" Maganda nga " wika niya. Naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya napalingon ako sa kaniya

Nagtama ang aming mga mata kaya napaiwas ako sa kaniya ng tingin at palihim na ngumiti. Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa naalala ko. Three years ago kasi ay pumunta kami sa purity fest na ginanap sa kabilang church namin wherein sa dulong activity ay naglist down kami ng gusto naming maging sign para sa aming the one at ipapanalangin namin na yun ang marecieve namin pag nagtagpo na ang landas namin ng aming second best. Isa sa mga sinulat ko dun ay dapat magkasama kaming makakakita ng shooting star since I am really in love sa mga bituin and now it is happening ?! Teka, I need more confirmation...

" Venice? " rinig kong wika ni Bryan kaya napalingon ako sa kaniya

" Ha? Ano yun? " tanong ko

" Sabi ko, pasok na tayo, mukhang luto na ang dinner. " wika niya

Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon