KABANATA 19: TRUTH

76 6 0
                                    

VENICE'S POV

" Kasi kung hindi, yari ako kay Monica. "

Paulit ulit na nageecho sa utak ko ang sinabing iyon ni Bryan. Sino nga ba naman ako diba para umasa na concern siya sa akin. Inis akong dumampot ng bato sa buhanginan at saka ito binato sa dagat. Andito kasi ako sa tabing dagat upang tingnan ang paglubog ng araw. Tapos na kasi ang activity namin at naka2nd place kami.

" Sinong kaaway mo diyan? " rinig kong wika ng nasa likod ko

Hindi na ako nag atubiling tingnan kung sino ang nagsalita dahil familiar na ako sa boses niya. Napasalampak na lamang ako sa buhanginan at saka yumuko upang hindi niya makitang umiiyak ako.

" Ano nangyari? " Tanong niya saka ako niyakap

" Mon " naiiyak kong wika

" Ssssh, bakit? Sino umaway sa iyo? " Naiinis niyang tanong sa akin

Umiling lamang ako saka umiyak habang yakap niya ako. Pinabayaan lamang niya akong umiyak ng umiyak sa bisig niya. Maya – maya ay parang wala na akong mailabas na luha kaya naman nagpunas na ako saka siya hinarap.

" Salamat Mon ha " wika ko

" Ano bang nangyari at umiiyak ka na naman diyan? " Nag – aalala niyang tanong sa akin

" Ano kasi " panimula ko

" Ano nga? " Inis niyang tanong sa akin

Wala na akong choice kundi ikwento sa kaniya ang nangyari kanina. Kahit ako ay naguguluhan din kung bakit ako naiiyak sa nangyari kanina.

" Sure ka ba na crush mo lang talaga si Kuya Bry? " Yan ang unang tanong niya sa akin pagkatapos ko ikwento ang nangyari sa kaniya kanina

" O-oo naman, anong klaseng tanong yan Mon? " naiilang kung tugon sa kaniya

" Kasi kung crush lang yan, di ka naman maapektuhan ng ganiyan. Kilala kita kaya alam ko na hindi lang yan crush. " Mahabang wika niya na ikinabigla ko

" What do you mean? " naguguluhan kong turan sa kaniya

" You like him. No scratch that, you love him. " Madiin na wika niya

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ako? Inlove kay Bryan? No way or is it?! Di pa rin akong makapaniwalang tumingin sa kaniya

" Do not try to deny it. I observe you this past months at alam ko na inlove ka sa kaniya. " Wika nito

" Impossible yun, saka magkachurchmates tayo. " Balik kong tugon sa kaniya

" In denial ka na naman. Ven, ako lang to oh " wika niya

" Pero hindi pwede " halos pabulong kong turan sa kaniya

" Edi umamin ka din hays. " Wika nito pagkatapos ay bumuntong hininga

" Hindi ko naman kasi sinadya besty. Kusa ko itong naramdaman. " pagtatanggol ko naman sa sarili ko

" Oh diba, mas magaan if inaamin natin ang mga bagay bagay. Pero sa case na yan, alam mo naman diba na wala pa sa tamang panahon yan. " seryosong turan nito kaya napalunok ako

" A-ang seryoso mo naman. " kinakabahan na turan ko

" Venice, lumalago ka na kaya wag kang papayag na patumbahin ka niyang nararamdaman mo. " wika nito

" Alam ko naman iyon, it is just lalo lang naggogrow each day ang nararamdaman ko sa kaniya. " Pag – amin ko kay Monica

" Surrender Ven, surrender " wika niya

" Anong isusurrender? "

Napapitlag kaming dalawa ni Monica sa gulat ng marinig namin ang boses ni Axcel mula sa aming likuran.

Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon