VENICE'S POV
Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko sa kwarto ni Monica katatapos ko lang kasi maligo habang siya naman ay nasa banyo upang magbanlaw ng katawan dahil na rin siguro sa lagkit na nararamdaman namin kanina lalo na siya dahil nakipaghabulan pa siya kay Axcel. Kung nagtataka naman kayo, umuwi na si Axcel at Grace pagkatapos magpahinga ni Axcel kakatakbo kanina. Si Bryan naman ay di na bumalik sa veranda pagkatapos niyang magpaalam sa amin ni Grace na may gagawin siya.
* Knock knock knock *
Natigil ako sa pagboblower ng buhok ko ng makarinig ako ng katok sa pintuan nila Monica. Sino kaya yun?
" Pasok " sigaw ko ng di nililingon ang pinto
" Monica --------- " naputol ang sasabihin ni Bryan ng makita niya ang mukha ko sa salamin. Nakatalikod kasi ako sa pinto at nakaharap sa salamin
" Nasa banyo pa si Monica. " wika ko saka lumingon sa kinaroroonan niya
" Ehem " tikhim niya upang bawiin ang pagkabigla niya kanina
" Ikaw pala yan Venice. " dagdag niya
" Oo, mag – aaral kasi kami ni Monica kaya nagstay over na ako dito. " nakangiti kong tugon sa kaniya
" May kailangan ka ba kay Monica? " pahabol kong tanong sa kaniya
" Ahh, manghihingi sana ako ng extra pen kay Monica. Ubos na kasi yung tinta ng pen ko. Babalik na lang ako mamaya since nasa banyo siya " wika niya at tango na lang ang aking itinugon sa itinuran niya.
Paalis na sana siya nung lumabas sa banyo si Monica na nakapalit na ng kaniyang pantulog na kasuotan.
" Ohh kuya Bryan, bakit ka nandito? " puno ng pagtatakang tanong ni Monica
" Manghihingi sana ako ng extra pen, naubos na kasi yung tinta ng ballpen ko, magdedevotion pa ako. " wika niya
" Ahhh, andun sa study table ko, merong isang box pa ng pen doon, kuha ka na lang kuya Bry. " wika naman ni Monica
Tumango na lamang si Bryan saka dumiretso sa study table ni Monica upang kunin ang hinihingi niyang ballpen. Ibinalik ko naman ang atensyon ko sa salamin para tapusin ang pagboblower ng buhok ko. Maya – maya ...
" Oh paano, maiwan ko na kayo. Godbless sa pagrereview niyo. Matulog kayo ng maaga ah hindi mag uumaga. " wika ni Bryan
" Ok po / noted po. " sabay naming wika ni Monica
Nakita ko pa ang pag ngiti ni Bryan sa repleksyon niya sa salamin bago siya lumabas ng kwarto.
" Tama na yang pag sulyap mo sa pinto, wala na lumabas na. " rinig kong wika ni Monica
" Ha? " tanging nasambit ko at saka siya hinarap
" Ang sabi ko, tama na kakatingin sa pintuan, lumabas na si kuya Bry. " nakapamewang niyang turan.
" Luh? Ano ba pinagsasasabi mo? " wika ko habang palihim na lumunok ng laway
" Ay sus Ven, buong buhay natin magbest friend na tayo. Kilalang kilala kita. Yung mga ganiyang tingin tas palihim na paglunok, di na bago sa akin yan." Mahabang turan niya
" Ang issue mo talaga eh no. " wika ko habang binubunot ang panaksak ng blower sa saksakan.
" Ven, tumingin ka nga sa akin. Kanina mo pa yan nabunot. " rinig kong wika niya.
Napakamot muna ako ng ulo bago siya harapin. Yari na naman ako neto
" Aish, matulog na tayo Mon. Baka di pa tayo makapagreview mamayang madaling araw at wala pang masagot sa exam niyan. " wika ko upang baguhin ang usapan
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Teen FictionLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...