VENICE'S POV
Lumipas ang isang oras ngunit may ilang extension pa rin ang wala dahil naipit sa traffic. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench habang hinihintay si Grace at Monica dahil umalis sila upang pumunta sa comfort room habang si Axcel at Bryan naman ay pinatawag ni ate Max upang tumulong sa mga need buhatin. Plan kasi na magbonfire mamaya kaya naman kumuha pa ng mga kahoy at isa sila sa naatasan upang tumulong. Umunat unat naman ako upang di ako dalawin ng antok lalo na at ang aga ko pa naman bumangon kanina.
" Yung damit mo " rinig kong wika na naman ni Bryan kaya mabilis pa sa alas kwarto kong binaba ang kamay ko.
" Andiyan ka na pala " wika ko pagkatapos kong tumikhim
" You know na dapat aware ka sa pag – angat ng damit mo. Mahirap na makitaan ka pa. " wika niya sabay upo sa tabi ko pero may espasyo naman sa pagitan namin.
" Sorry, akala ko kasi walang tao. " nahihiyang wika ko sa kaniya
" No worries but next time be extra careful " wika niya na kinatanguan ko na lang at ibinalik ang atensyon sa dagat na tinitingnan ko kanina pa
" Here " rinig kong wika niya kaya naman napaharap ako sa kaniya at nakita ko na may inaabot siyang mineral bottled water.
" Thanks " wika ko pagkatapos ko tanggapin ang binigay niya. Lihim naman ako napangiti dahil sa ginawa niya
" Si Axcel pala? " tanong ko ng maalala ko na magkasama sila kanina
" Di ko nga alam eh, kung saan – saan kasi yun nagsusuot. " wika niya habang nagkakamot pa ng ulo
" Naku, sermon malala na naman siya mamaya. " natatawa kong wika kaya naman natawa din siya.
" Anong pinagtatawanan niyo diyan? "rinig kong tanong ng nasa likuran ko kaya napalingon ako
" Eh pano si Axcel nawawala daw sabi ni Bryan kaya sabi ko sermon malala siya mamaya. " sagot ko sa tanong ni Monica
" Ahh ayun, nakikipagchikahan sa ilang youth sa kabilang extension. " nakabusangot na wika ni Monica saka umupo sa pagitan namin ni Bryan
" Ahhh kaya, si Grace? " tanong ko ng napansin ko na di niya ito kasama
" Nasa rest room pa eh, may pila kasi. " wika niya
Napatango na lamang ako. Mukhang wala sa mood ang besty ko. Maya – maya ay pinatawag na kami dahil kumpleto na daw ang mga extensions kaya dali – dali kaming pumunta sa campsite. Pagdating namin doon ay nakita naming nakapila na si Grace at Axcel sa line ng church namin kaya pumwesto na kami dun.
" Oh, bakit antagal niyo? " nagtatakang tanong ni Axcel
" Ikaw ang bakit nawawala tol. " sabi ni Bryan
Di naman nakaligtas sa aking mata ang bahagyang pag – irap ni Monica kay Axcel. Kung hindi ko lang to bestfriend, malamang asarin ko ito eh pero alam ko na higit sa lahat purity niya ang pinaka – iniingatan niya kaya kahit crush niya si Axcel ay iniiwasan niya talaga ito. May mga pagkakataon pa na iniiyak niya sa Diyos ang pagsurrender ng nararamdaman niya para kay Axcel.
" Ahh kasi nakipag – usap ako sa mga magiging groupmates ko, get to know them ba since nahiwalay ako sa inyo. " paliwanag ni Axcel
Tumango na lang kami sa paliwanag nito. Kahit naman kasi loko – loko yan si Axcel, di rin yan mapapatumba pag usapang puso. Ako lang ata marupok sa grupo na ito eh dahil kahit si Grace na may gusto kay Bryan ay kayang makipag – usap rito ng casual unlike me. Pero mabalik tayo sa paliwanag ni Axcel, nahiwalay kasi siya sa amin. Si Grace at Monica ay magkateam at ako naman at si Bryan ang magkagrupo.
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Teen FictionLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...