VENICE'S POV
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko dahil sa pagod. Kakauwi ko lang galing dun sa simbahan nila Monica. Grabe ang saya pala sa simbahan na yun. I cannot wait na bumalik doon. Bumangon na ako sa kama ko para maligo. Medyo pawis din kasi ako and I cannot sleep kapag malagkit ako. Though, di pa naman ako matutulog since may mga activity pa ako sa majors ko na need tapusin at pasahan na bukas.
After 45 minutes ay natapos na din ako maligo. Yes, medyo matagal ako maligo today kasi gusto ko magrelax bago ko sagupain ang aking mga activity na nakakastress. Accounting and auditing ang focus neto kaya mahaba haba ito , sana makatulog pa ako.
Bago ako magsimula gumawa ng activity ay nagonline muna ako sa messenger ko. Pag-open ko nun ay nakita kong inaadd ako ni Monica sa GC ng mga youth na babae sa simbahan nila. Di naman ako nagulat dahil pinaalam naman sa akin yun ni Monica. Nakibasa muna ako sa topic nila kasi nahihiya pa din ako makipag interact sa kanila, syempre bago pa lang ako at wala pa halos kakilala bukod kay Monica at Grace.
" Hi Venice . " basa ko sa chat ni Grace. Nagdalawang isip pa ako kung magrereply ako pero sa huli ay napagdesisyunan ko na din magreply sa message nito.
"Hello Grace. Hello po sa lahat" message ko sa gc na may happy emoji pa para di ako mukhang nakakatakot
"Oyy Venice pala pangalan mo, hello sa iyo, di kita nalapitan kanina hehe. " basa ko naman sa nagchat na Joy ang pangalan
" Ayos lang po baka nakakunot noo ko kanina kaya di mo ako nilapitan joke " reply ko rito
" Oo mukha ka ngang masungit kanina. " reply niya sa akin. Natawa naman ako rito kaya nag HAHA react ako sa sinabi niya. Lagi na lang kasi talaga ako na sasabihang masungit kaya di ko na yun alintana.
Tumingin ako sa orasan sa taas ng study board ko at nakita ko na 8PM na. Kailangan ko nang harapin ang mga activities na ito at baka pumasok ako sa school bukas ng walang tulog, mahirap na, mga terror pa naman ang prof ko.
" Ayaw ko man po mag paalam sa inyo ay kailangan ko nang gawin ang activities ko dahil marami rami rin ito atsaka mahirap pa. Advance good night sa inyo. " reply ko sa kanila.
Marami ang nagheart react sa sinabi ko at ang iba ay nagreply ng good night sa akin saka I will pray for you kaya naman napangiti ako I felt like welcome ako sa kanila kahit ngayon lang nila ako na kilala. Papatayin ko na sana ang cellphone ko nung may magchat sa akin.
" Hi Love, kita tayo bukas sa school. Good night. " basa ko sa mensahe na sinend ni Jeremy.
" Hala love, di kita minessage buong araw. Sorry nabusy kasi ako. See you tomorrow. Good night. " reply ko dito
"No worries, kwentuhan mo ko bukas. Love you. " basa ko rito
"Love you too. " reply ko naman
Pagkatapos ko magreply ay pinatay ko na ang cellphone ko at baka abutin na naman kami nang 12AM sa paalaman namin sa isa't isa. Jeremy is not my boyfriend yet, but we have mutual understanding. He understands naman na gusto ko muna makapagtapos, kumuha at pumasa sa board exam at finally maging certified public accountant before ako pumasok sa isang relasyon.
Sinimulan ko nang sagutin ang activities ko at di ko na namalayang ang oras, 12AM na pala. Niligpit ko muna ang mga natapos kong activities at nilagay sa isang folder na may nakalagay na "Finished" at yung iba ay sa folder naman na "UNFINISHED" ko nilagay. After ko i-fix ang isusuot ko bukas ganun din ang gamit ko ay humiga na ako sa kama at pumikit.
Ngunit napabalikwas naman ako ulit nung pagpikit ko ay yung lalaking naggigitara kanina ang nakita ko. Weird? Bat kaya? Umiling iling na lang ako saka humiga at pumikit muli hanggang sa makatulog na ako nang tuluyang.
***
Pagkagising ko kinabukasan ay nagmamadali akong bumangon dahil late ako nagising, napasarap kasi ang tulog ko kaya naman heto ako ngayon at nagmamadaling gawin ang aking morning rituals dahil ayaw ko masermunan. After ko gawin yun ay kumuha lang ako ng tinapay sa lamesa at tumakbo na palabas ng bahay. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Monica na hinihintay ako sabay kasi kami papasok sa school since magkaklase kami.
" Sorry, sorry. Late ako nagising. " naghihikahos kong wika
" Sus, nagpuyatan na naman kayo ni Jeremy, no? " tanong nito habang nagsisimula nang maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Napasimangot naman ako sa tanong nito.
" Kapag ba nahuli ng gising, nakipagpuyatan agad kay Jeremy. " nakabusangot kong wika sa kaniya. At tinawanan naman ako nito
" Ah, so hindi si Jeremy ang reason, eh ano? " tanong niya
" Gumawa ako nang activities natin, natambakan na ako eh. Ikaw? Natapos mo na yung iyo? " pagpapaliwanag at pagtatanong ko sa kaniya
" Yes, nung Saturday pa. " wika neto
" Sana all. " sambit ko naman kaya natawa ang loka
Bilib talaga ako kay Monica dahil never niyang pinabayaan ang kaniyang pag-aaral kahit na naglilingkod siya sa Diyos. I wish maging kagaya niya din ako. Sumakay na kami sa jeep papuntang school. Pagdating namin roon ay may 30 minutes pa naman bago ang first class namin kaya napagpasyahan namin na pumunta muna sa library.
Pagpasok roon ay natanaw ko si Jeremy na may kasamaang babae. Napataas naman ako nang kilay sa nakita ko. Sino ang babaeng kasama niya? Tsk ! Sinadya kong dumaan sa pwesto nila at mukha namang nagulat si Jeremy ng makita ako. Umupo kami ni Monica sa kabilang lamesa. Bumilang ako nang tatlo at nasa harapan ko na si Jeremy.
" Good morning love. " wika niya na halata ang kaba sa kaniya
" Morning. " wika ko saka umirap sa kaniya
" Love naman, ngayon pa lang tayo ulit nagkita, ganyan ka na agad. " pagsusumamo neto
" Get lost. " wika ko sa kaniya
" But ---- " he stopped after kong itaas ang kamay ko. Ayaw kong masira ang araw ko dahil gusto ko sana simulan itong linggong ito na masaya.
" Fine, I will see you around. " wika neto at tumingin kay Monica saka umalis
Napairap naman ako sa kawalan. Hindi talaga marunong manuyo ang taong yun tapos napakalapitin pa nang babae. Tas ang mokong gusting gusto naman.
" Smile ! Papangit ka niyan. " wika ni Monica
" Che ! Porket di ka makarelate sa nararamdaman ko, ganiyan ko. " wika ko dito na may pagtatampo. Imbes na i-comfort ako ay inaasar pa ako.
" Di man ako makarelate sa iyo, atleast masaya ako. Eh ikaw? Mas madaming beses kayong nag-aaway na ikaw ang sumusuyo. Ikaw naghahabol. " wika niya habang dinidiin ang "naghahabol. "
" You know I love him. " wika ko sa kaniya
" Did he? " she asked me straight in my face. Ang babaeng talagang to, walang preno.
" Of course, anong tanong ba yan Monica? " asik ko sa kaniya
" You know, if mahal ka nang lalaki, never niyang ipaparamdam sayo na maghabol ka sa kaniya. " wika niya
" Matagal na kaming ganto Monica, support me naman about Jeremy because I felt like he is my the one. " wika ko rito na may kilig pa.
Actually, ayaw ni Monica kay Jeremy since womanizer daw ito pero nung nagkaroon naman kami nang mutual understanding ni Jeremy, di na siya naghanap ng iba.
" I will support you if nakikita kong makakabuti sa iyo, but I will never tolerate kung hindi. " wika niya
" Trust me on this one, okay? " wika ko sa kaniya habang nagpapacute.
" Psh, pag nasaktan ka, wag kang iiyak sa akin ah. " wika neto kaya naman tumango tango ako.
Malakas talaga ang pakiramdam ko na si Jeremy na ang the one ko kaya for sure di na ako iiyak. Maya – maya ay pumunta na kami sa classroom at nagsimula na ang aming klase.
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Teen FictionLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...