VENICE'S POV
Lumipas ang finals week namin and tomorrow is our last day as third year Accountancy student. Grabe, sobrang struggle kami ni Monica nitong nagdaang linggo dahil na rin sa pressure at expectations ng mga professor namin sa results ng exams namin. Thank God talaga na natapos namin ang week na iyon na matiwasay and we did great job kasi maganda naman yung result ng exams namin.
Nagpagulong gulong ako sa kama ko dahil hindi ako makatulog dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ito kasing si Monica bigla - bigla na lang akong ina-ambush.
*** FLASH BACK ***
Kasalukuyan kaming nasa tusok – tusok ni Monica sa labas ng school namin. Katatapos lang kasi ng exam namin at napagdesisyunan muna naming kumain ng aming comfort food which is street foods bago umuwi ng bahay.
" Ate, 10 fishball, 10 kikiam tas 10 kwek kwek. 2 orders po. " parang batang wika ko habang kumikinang pa ang matang nakatitig sa niluluto ni ate.
" Para kang bata diyan Ven, " rinig kong sentiment ni Monica
" Wew, ikaw nga naglalaway na eh. " wika ko
Nanlaki naman ang kaniyang mata at hinawakan pa ang bibig niya para tingnan kong mayroon ngang laway sa bibig niya kaya naman humagalpak ako ng tawa.
" Uto – uto ka pa rin kahit kelan Mon, " tawang tawa kong wika sa kaniya
" Psh, ewan ko sa iyo. " wika niya saka ako inirapan
" Pikon " pigil tawa kong wika sa kaniya
" Luto na ito mga ineng, isang daan lahat. " wika naman ni Ateng nagtitinda
Inabot ko na ang one hundred ko kay ateng saka kinuha yung order namin. Oo na, madami na kami inorder, eh sa gutom talaga kami eh.
" Mon, peace na tayo " wika ko habang inaabot sa kaniya yung isang order ng street foods
" Akala mo madadaan mo ako diyan. " pagtataray niya
" Oo " pigil tawa kong wika na ikinalukot ng mukha niya
" Che, " wika niya sabay kuha nung street foods
" Okay okay, sorry na " natatawang wika ko
" Libre mo ito ah, kala mo diyan . " nakangising wika niya
" Ayun, kaya nagtatampo ka kasi ayaw mo magbayad. Ang kuripot mo. " wika ko
" Che, ako naman sa panulak natim " wika niya
" Milktea? " tanong ko
Tumango na lamang siya at nauna ng maglakad papunta sa favorite milktea shop namin. Yung shop na iyun kasi is masarap ang milktea plus tambayan din kaya sakto habang lumalapang kami nitong street foods. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating na rin kami sa milktea shop.
" Hi kuya. " hinihingal kong bati kay kuyang tindero
" Oh, parang pagod na pagod kayo mga suki ah. " wika niya
" Kasi naman kuya, pataas yung daanan nitong tindahan mo. " wika ni Monica na nakahawak pa sa dibdib
" Need niyo na exercise, baka tumaba kayo kakamilktea niyo. " natatawang wika ni kuya
" Gaya pa rin ba ng dati? " dagdag na tanong ni kuya na tinanguan na lang namin dahil sa hingal
" Okay, coming right up. " wika niya saka sumaludo kaya napailing na lang kami ni Monica
Dahil ginagawa pa ni kuya ang order namin ay napag desisyunan muna namin ni Monica na umupo sa favorite spot namin dito sa mini tindahan ni kuya.
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Teen FictionLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...