VENICE'S POV
After ng nangyari kahapon sa flag ceremony ng school namin, mas lalo kong nafeel yung urgency to share God's Word lalo na sa panahon ngayon na maraming kabataan ang naliligaw ng landas at kinakain na ng sistema ng mundong ito.
" Oh, tulala ka na naman diyan " rinig kong wika ni Monica na nagpabalik ng katinuan ko
" Wala naman, may iniisip lang ako. " kibit balikat kong tugon sa kaniya saka siya nilingon
" Ano naman? " wika niya saka umupo sa tabi ko
" Na kailangan pala talaga nating magstand para sa generation na ito. " wika ko sabay tingin sa kaniya
Nakita ko naman ang bahagyang pagtango niya at mga mata na parang may nais sabihin pero ayaw lang niya sabihin
" Ano ba yun? May pahiwatig ang iyong mga mata. " sentiminto ko sa kaniya
" I am just amazed kung paano ka binabago ng Diyos. Tingnan mo nga, himala na nakatagal ka ng walang ka-MU for almost 6 months now. " wika niya sabay tawa
" Well, I am a changed woman na eh. " nakangiti kong wika
" Dapat lang, worth the wait tayo. "nakangiti niyang turan
Tila natigilan naman ako sa sinabi niya. Bigla kasing nagflashback sa isip ko yung panahong umiyak ako sa bahay nila Monica at dinamayan ako ni Bryan. At yung huli niyang sinabi sa akin na I am worth the wait bago siya umalis.
" Para kang ewan diyan . " rinig kong wika ni Monica
" Ha? " buong pagtatakang tanong ko sa kaniya
" Ngumingiti ka mag – isa Ven. Naku, kasasabi ko lang na worth the wait ka eh. " pagsusungit nito
" Grabe ka, porket ngumingiti mag – isa, may something na. Hindi ba pwedeng may naalala lang ako. " nakangusong wika ko sa kaniya
" At ano naman ang naalala mo? " tanong niya
" Nung sinabi mo kasing worth the wait ako, si Bryan ang naalala ko. " sagot ko sa tanong niya
" At bakit naman? " tanong niya habang nakasalubong pa ang kaniyang mga kilay na parang handa ng sumuong sa giyera
" Overthinker ka masyado Mon. Ang ibig ko lang namang sabihin ay naalala ko lang yung time na sinabi sa akin ni Bryan yung sinabi mo. " paliwanag ko sa kaniya
" Ha? Kelan? " nagtatakang tanong niya
" Nung broken ako kay Jeremy tas pumunta tayo sa bahay niyo. And then, sabi mo kukuha ka lang ng tissue pero di ka na bumalik kaya naman si Bryan ang naging karamay ko nun. Then nung tapos na ako magdrama, umalis na siya pero bago siya umalis, sinabi niya sa akin yun. " kwento ko sa kaniya
" Ah, parang wala akong matandaan tungkol diyan. Naku, " wika niya sabay sundot sa tagiliran ko
" Ano na naman yan? " wika ko habang pinipigilan ang pagsundot sundot niya sa tagiliran ko
" You are really an exception Ven. " namamangha at natatawa niyang wika
" Bakit naman? " nagtataka kong tanong sa kaniya
" Kasi ikaw lang yung nagawan ng ganiyan ni Kuya Bryan. Iwas kaya yun sa girls " wika niya
" Baka naawa lang sa akin nung time na iyon o kaya nahiya lang siyang iwan ako habang umiiyak. " wika ko
" Baka nga " kibit balikat na tugon sa akin ni Monica
" Oh paano tara na? Uwi na tayo. " pag – aaya niya sa akin
Kasalukuyan kasi kaming nasa parke. Nagrelax lang kami rito pagkatapos ng stressful semester. Sinusulit din namin ang nalalabing oras bago kami mag fourth year college dahil sigurado akong madugo at nakakabaliw na ang natitirang huling dalawang term namin sa college.
" Sige, tara na. Maaga pa tayo bukas. " wika ko sabay tayo at nag unat unat
" Naks, ayaw niyang ma-late. " natatawang wika ni Monica
" Syempre, sabi nga ni pastor sa prayer meeting natin netong nakaraan na kapag late ka dumating, late din ang pagpapala. " wika ko
" Tama " wika niya sabay check sa hangin na parang may itinatamang exam kaya natawa ako sa ginawa niya
Kahit kelan talaga ay isip bata itong si Monica. Pagkatapos naming mag unat unat ay naghiwalay na kami ni Monica ng daan pauwi sa aming mga bahay. Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang maghanap ng susuotin bukas sa aming Sunday Service. Pagkatapos kong ihanda ang isusuot at dadalhin ko ay ginawa ko na ang aking night routine hanggang sa makatulog na ako.
>>> IN THE NEXT DAY
Maaga akong pumunta sa church sa sobrang excited ko sa aming Sunday Service. Pagkarating ko roon ay nagpapractice pa ang worship team kaya pumwesto muna ako sa likuran upang di ko sila maistorbo. Sakto naman ang pagdating ni Grace para may makausap ako.
" Good morning, Grace. " masigla kong bati sa kaniya
" Ohh Venice, good morning. " tila nagulat niyang bati sa akin
" Gulat na gulat " natatawang wika ko
" Nakakagulat naman talaga. Anong oras pa lang. Ang aga mo ngayon ah." mahabang wika niya
" Syempre naman, binago na ako ng Diyos. " nakangiti kong wika sa kaniya
" Amen naman dun. " wika niya bilang pagsang ayun
" Bakit ka pala andito? Eh diba sa harap ka umupo? Dagdag na tanong niya
" Ahh kasi nagpapraktis pa sila, baka madistract sila pag nandun ako. " wika ko
" Hindi naman pero baka magulat sila na maaga ka. " biro niya
" Wag ka nga, baka majinx eh. " biro ko ding tugon sa kaniya kaya natawa kami parehas at itinuloy ang mga kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay
Maya – maya ay natapos na ang rehearsal nila Monica. Paunti – unti na ring dumadami ang tao sa simbahan. Pagkababa ni Monica ng stage ay agad niya akong nakita kaya naman kinawayan niya ako at patakbong pumunta sa kinaroroonan namin ni Grace.
" Good morning Ven, aga mo today ah. Naunahan mo pa ata si Grace dumating ngayon " masiglang wika niya pagkatapos niyang bumitiw sa kaniyang pagkakayakap sa akin
" Syempre, I am a changed woman by God's grace. " confident kong wika
" Aba ang aga mo ngayon ah. " rinig kong wika ni Axcel kaya nilingon ko siya
" Ako pa ba, " wika ko kaya natawa sila
" Oo nga, ikaw pa ba. " pailing iling na wika ni Axcel na sinigundahan naman ni Monica at Grace
" Grave kayo sa akin. Kaya nga di ako nagpa-late ngayon eh " nagtatampo kong wika sa kanila
" Asus, oo na. Isa ka ng ganap na angry este early birds " natatawang wika ni Axcel
" Trip mo na naman si Venice. " wika ni Bryan sabay umakbay kay Axcel
" Oh, andito na ang attorney mo. Tatahimik na ako. " wika ni Axcel sabay parang izinip ang kaniyang bibig
" Ewan ko sa iyo. " wika ko kasabay ang pabirong pag – irap sa kaniya
" Grabe kayo sa akin ah. " sabi naman ni Axcel na umakto pang nasasaktan kaya natawa kami sa kaniya
Pinagmasdan ko sila habang tumatawa. We became closer day by day. I thank God dahil dinala Niya ako sa right circle of friends na ilalapit ako sa Diyos. Napaiwas naman ako ng tingin noong magtama ang mata namin ni Bryan kasabay ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
ITUTULOY!
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Teen FictionLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...