VENICE'S POV
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Huwebes kasi ngayon at katatapos ko lamang maglaba ng gabundok naming labahin kaya napagod talaga ako. Ngayon ako naglaba kasi nga aalis kami bukas papunta sa Zambales. Ayaw ko naman umalis dito sa bahay at iwan kay mama ang mga labahin kaya kahit di pa namin schedule ng paglalaba ay nagkusa na ako.
*** knock knock knock ***
Napabangon ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang katok na nanggagaling sa pintuan ko. Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin bago ko tahakin ang pintuan. Nung buksan ko ito ay nakita ko ang nakangiting si Grace at Monica.
" Oh, ano ginagawa niyo dito? Pasok kayo. " nagtatakang tanong ko sa kanila habang binubuksan ng mas malaki ang pintuan upang papasukin sila.
" Sinusundo ka " sagot ni Monica
" Ha? Bakit? " wika ko saka umupo sa kama ko
" Di ka kasi nag - oonline kaya pinuntahan ka na namin " wika ni Grace saka umupo din sa kama ko
" Bakit? May usapan ba tayo sa group chat? " nagtatakang tanong ko
" Oo Ven, dun sa GC nating lima kaso di ka nagrereply kaya wala na akong choice kundi pumunta dito. " paliwanag naman ni Monica
" Ahh, nag social media break muna ako. Masyado akong nasstress sa mga nagdaang araw kaya gusto ko muna magrelax. " paliwanag ko
" Ano ba pinag – usapan niyo? " pahabol na tanong ko sa kaniya
" Na sama sama tayo bibili ng foods and other necessity para bukas. " wika naman ni Grace
" Ahhh ngayon na? " tanong ko
" Oo naman kaya bilisan mo na at magbihis ka na. " wika ni Monica habang hinihila ako upang tumayo mula sa aking kinauupuan
" Eh? Hindi pa nga ako naliligo. " wika ko
" Edi maligo ka na. " wika naman ni Grace
" Grabe, plinano niyo na buhay ko ng wala akong kaalam alam. " bulalas ko kaya natawa naman sila
" Kasalanan mo yan kasi di ka nag online. " wika ni Monica
" Oo nga " pagsang – ayon naman ni Grace
" Kahit na, pwede niyo naman akong i-text para na kapag ready man lang ako. " wika ko
" Mahal magpaload girl, yung data free lang. " wika ni Monica
" Yeah, whatever. Dito na lang muna kayo, maliligo lang ako. " wika ko saka pumunta sa cabinet para maghanap ng susuotin
" Sa mall ba tayo or supermarket lang? " tanong ko sa kanila pero nanatili ang aking atensyon sa paghahanap ng susuotin
" Baka sa mall para kung may kailangan pang bilhin bukod sa food is nasa iisang place na lang tayo. " rinig kong wika ni Grace
" Sige " tipid na sagot ko at muli ng binalik ang aking atensyon sa pagpili ng susuotin.
Kinuha ko ang highwaist kong pantalon at saka sky blue fitted T-shirt pero di naman revealing yung fit nun.
" Maliligo lang ako. " paalam ko sa kanila bago ko tunguin ang banyo ko.
" Bilisan mo lang ha, baka naiinip na yung boys sa sala niyo. " rinig kong wika ni Monica bago ko maisara ang pinto ng banyo namin.
Teka? Sinabi niya bang boys? Kasama namin si Axcel at Bryan? Napahilot ako sa aking sentido dahil sa aking narinig na tinuran ni Monica. Iba din talaga magbiro ang tadhana. Kung kelan iniiwasan mo, mas lalo kayong pinaglalapit.
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |
Teen FictionLoving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk loving him even in secret despite possible pain? Venice Marquez is a typical girl. She is the definitio...