CHAPTER 11: QUESTION

65 7 0
                                    


VENICE'S POV

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng meeting namin about Evangelism Day. Sabado asalukuyan akong nakatingin sa kalangitan sa may veranda nila Monica. Katatapos lang kasi ng prayer meeting ng youth kila Monica kaya napagdesisyunan ko na mag-unat unat sa may veranda at pagmasdan ang night sky. Ang iba kasing youth ay umuwi na dahil maaga pa daw ang klase nila bukas habang kami nila Axcel at Grace ay nagstay para magkwentuhan

" Ano iniisip mo? "

Napatingin ako sa may pintuan ng veranda at natagpuan ko si Bryan na nakasandal sa pader habang nakapamulsa pa.

' Bakit parang ang gwapo niya sa pwesto niya today? ' sabi ng isip ko kaya muntik ko na masapo ang noo ko buti na lang ay naalala ko na andito nga pala si Bryan baka mamaya isipin na talaga niya na weird ako.

" Venice? " patanong na tawag ni Bryan sa akin kaya naman nabalik ako sa realidad.

" Ha? " tanging nawika ko, daydream pa girl jusko ka.

" Ang sabi ko este tanong ko pala ay kung ano ang iniisip mo? " wika niya

" Ahh, wala naman akong iniisip. Tinitingnan ko lang yung mga bituin sa kalangitan. " wika ko saka ibinalik ang tingin ko sa kalangitan

" Hmmm, you like night sky? " tanong niya

" Like is an understatement. I love night sky especially the stars. " nakangiting wika ko

Naramdaman ko ang presensiya niya na papalapit sa akin kaya naman bigla akong kinabahan. Ramdam ko ang dagundong sa puso ko pero at the same time I feel peace being with him. Napailing naman ako sa naisip ko.

" Why? " simpleng tanong niya sa akin nung nakalapit na siya sa kinaroroonan ko pero may ilang metro naman ang layo namin sa isa't isa

" Kasi it reminds me na even in darkest times, we can shine on our own. " nakangiting wika ko sa kaniya saka ibinalik ang aking tingin sa kalangitan.

Namayani ang katahimikan sa aming kalagitnaan. Sobrang payapa ng paligid at masarap ang simoy ng hangin.

" Anong trip niyong dalawa? "

Napalingon ako sa pintuan ng veranda at nakita si Axcel na may nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.

" Tumitingin sa langit " kibit balikat na wika ni Bryan

" Obvious naman yun pre. " natatawang wika ni Axcel

" Obvious pala, nagtatanong ka pa. " sarcastic na wika ni Bryan kaya napanguso si Axcel at ako naman ay natawa sa sagot niya

" Ang harsh mo bro. " wika ni Axcel habang umaakto pang nasasaktan

" Madrama ka lang talaga. " wika naman ni Monica

Na kasalukuyang papunta sa kinaroroonan namin habang may bitbit na tray kasunod si Grace na seryoso ang mukha habang bitbit ang pitsel. Ano meron sa kaniya?

" Kayong magpinsan lagi niyo na lang akong pinagtutulungan. " parang batang wika ni Axcel

" Pikon ka lang talaga. " wika ni Monica habang binababa sa lamesa ang dala niyang tray

" Eh kasi ----- " di na natapos ni Axcel ang sasabihin niya nung tinaas ni Monica kamay niya

" Hep, tama na yan. Alam kong di ka papatalo kaya tumahimik ka na. Kumain na tayo at gumagabi na baka anong oras na kayo makauwi " wika ni Monica

" Oo nga, dami mo pang sinasabi eh. " natatawang wika ni Grace

Nagtaka naman ako sa shifting ng mood ni Grace. Weird, kanina ang seryoso niya tas ngayon nagbibiro na ulit siya.

Secretly Into You (Waiting Series #1) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon