Part 2

1K 51 2
                                    

"MAINIT ang ulo mo?" Lumbas si Tita Connie buhat sa unit nito nang marinig ang malakas na kalabog ng pinto ng kanyang kotse.

"No," paiwas na sagot niya. "Nagmamadali lang ako. May tatapusin pa kasi akong trabaho."

Subalit sa anyo ni Tita Connie ay wala itong balak na pagbigyan siyang makalayo agad. "Galing ka pala kay Estella. Tinawagan ko siya. Katatapos lang naming mag-usap. Mukhang may misunderstanding kayong mag-ina."

Dumilim ang mukha niya. "Ewan ko. Si Mommy lang ang masama ang loob. She didn't want to see my point. Arranged marriage! Ano tayo, nasa Victorian era?"

Ngumiti si Connie at dahil doon ay nagmukha lang itong fifty-five gayong ka-edad ito ng kanyang ina. "I don't see that as an arranged marriage. Sa kuwento ni Estella, I think it's more of a marriage of convenience."

Napatitig siya dito. "Hindi ba't pareho lang iyon?"

"No. Hindi ka naman yata pinupuwersa ni Estella para magpakasal kay Art. Baka naman inirereto ka lang."

"Tita Connie, I'm not sure if I have a romantic bone in me. Kung mayroon may ay baka lumipas na iyon sa mga nangyari sa akin noon. Pero hindi rin naman ako kumbinsido sa ganyang klase ng pagpapakasal. I'm liberated. Siguro, sobrang liberated kaya hindi ako ganoon kadaling mapapasok sa ganyang klase ng relasyon."

Mataman siya nitong tiningnan. "Bakit hindi mo isiping concern lang sa iyo ang mommy mo? You're not getting any younger, Maia. Kung may balak kang mag-asawa, why not now? Isipin mong para sa kabutihang mo kaya gusto ng mommy mo si Art para sa iyo. I won't believe you if you tell me na naghihintay ka pa ng prince charming. Nilagpasan ka na niya," brutal pang wika nito.

"Bakit ikaw, hindi nag-asawa?"

"I almost did. My first love died in an accident after he asked my hand from my parents. From then on, sinabi ko sa sarili kong hindi na ako mag-aasawa. It's my choice. At wala akong pinagsisisihan."

"Tita, Connie, choice ko rin na ituon muna ang atensyon ko sa trabaho ko."

Tumango ito. "I just wished your mother could understand that. Hay, naku, Maia. Kung alam ko nga lang kung saan hahanapin ang pamangkin kong lagalag, baka maging pareho lang kami ng mommy mo. Come to think of it, bagay kayo ng pamangkin ko."

Napatawa siya. "Tita Connie, iyon nga lang mina-match ni Mommy sa akin, hindi ko na alam kung anong palusot ang gagawin ko; sasali ka pa?"

"Wala naman akong balak makigulo," nakangiting sabi nito. "Masama ba kung ipapakilala ko sa iyo si Rodie?"

"Rodie?"

"My nephew. Don't worry, Maia. Kung ako mismo ay hindi ko alam kung nasaan ang batang iyon. God knows where he is. Nang huli akong kumustahin ay nasa Bacolod daw siya. He had little businesses everywhere. Hindi siya nagdadalawang-isip na tulungan ang mga kaibigan lalo at kailangan ng kasosyo. Ayaw niyang matali sa isang trabaho. Soon after he had his right on his inheritance, kung saan-saang negosyo niya iyon in-invest. Wala namang masabi ang mama niya dahil magaling naman siyang humawak ng pera. And he had all his time para sa mga adventures niya." She paused at nakita niya kung gaanong pagmamalaki ang nadama nito para sa tinutukoy. "I just wished I know where to find Rodie. Gusto ko sanang magkakilala man lang kayo."

Ikinibit na lang niya ang mga balikat. "Good night, Tita Connie. Haharapin ko na itong mga trabaho ko."

"Good night. Sana subukan mo ring intindihin ang punto ni Estella."

Napatango na lang siya. Ang totoo ay parang nalito pa siya. Hindi niya alam kung sino kina Estella at Tita Connie ang higit na tama.


Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon