Part 13

905 52 5
                                    

DAHAN-DAHAN ay iminulat ni Maia ang mga mata. Naalimpungatan siya sa kaunting ginaw na sumisigid sa kanya. Nang matanto niyang hubad ang sarili ay napamulagat siya. Napasinghap siya nang matanawan si Drigo na himbing na himbing sa tabi niya.

Sa ilang sandali ay nanatili siyang walang kilos. Tanging mga mata lamang niya ang gumagalaw at gumagala sa paligid. Bawat tamaan ng paningin niya ay malinaw na palatandaan ng naganap nang nagdaang gabi.

Then she felt ashamed and incredulous heat rising on her cheeks.

Naitakip niya ang kamay sa kanyang bibig. Parang hindi siya makapaniwalang umabot sa ganoon ang ugnayan nila ni Drigo. But it did. Palatandaan na lamang ang lahat ng nasa paligid niya ngayon. Plus the tenderness she felt in her own body.

Pero buhat nang dumating siya sa isla at makilala si Drigo ay parang pansamantala niyang iniwan ang tunay na sarili niya. She had been bewitched and she let herself held in the wonder of some spell. O baka talaga lang hinayaan niya ang sariling mawalan ng kontrol?

Kung anuman iyon, isa lang ang alam ni Maia. She was now back in reality and she must also back in her right mind.

Maingat siyang kumilos. Gusto niyang makaalis sa cottage ni Drigo na hindi ito nagigising. Wala siyang ideya kung ano ang pag-uusapan nila kapag nagising ito. at hindi rin niya gustong mag-isip ng kahit na anong posibleng paksa.

She was consenting adult, all right. Pero hindi siya ang klase ng babaeng nag-i-indulge sa ganitong kaswal na relasyon. Whatever had lead her to engage with this, hindi na niya gustong isipin. Ang gusto lamang niya ay magkaroon ng espasyo upang mapag-isa at ibalik ang nawalang kontrol sa sarili.

Dinampot ni Maia ang mga damit at mabilis iyong isinuot. Not until she managed to leave his cottage, noon lamang niya naisip na para siyang isang magnanakaw sneaking in the dark. Tahimik na tahimik pa ang paligid. At parang siya lamang ang gising sa mga sandaling iyon. Kahit ang guard na nakatalaga sa resort ay namataan niyang natutulog sa may gate.

Pero mas gusto niyang ipagpasalamat iyon. Parang mas madali iyon kaysa may makakita sa kanya---kahit na nga ba hindi niya kakilala. Hindi niya alam kung saan galing ang guilt na nadarama niya ngayon. Or maybe, it was more on shame.

Parang may pakpak ang mga paa niyang tinawid ang cottage niya. Masasal ang tibok ng puso niya nang ganap na makapasok. For a while, nanatili lamang siyang nakasandal sa isinarang pinto.

Pagkatapos ay napadako ang tingin niya sa mesita. Parang may puwersang humihila sa kanyang tumingin doon. At nang makita ang cell phone niya na naroroon, tila noon lamang niya naalala ang gamit na iyon.

Wala sa loob na lumapit siya at dinampot iyon. Napakunot siya nang makita ang screen niyon. Fifteen missed calls! At nagbi-blink na rin ang text message icon, palatandaang puno na ang inbox niya. At halos mag-triple pa ang pag-alon ng kanyang dibdib habang pinipindot ang aparato.

"Oh, God!" she groaned nang mabasa ang mga text messages.

WER D HELL R U? DELIKADO SI MOMMY. INATAKE N NAMAN.

Salitan ang mga kapatid niya bilang sender ng mga text messages. All in caps lock. At ang mga ito rin ang rumehistrong caller niya. Hindi na niya tinapos basahin ang iba pang mensahe. She dialed her brother's number.

"Kuya Vic?" Kaba at takot ang nasa tinig niya.

"Maia, thank God! Bakit ba hindi ka ma-contact? You have to go back."

"Si Mommy?"

"She's under observation."

She grimaced. "Uuwi na ko. I'll take the first flight."

"That's right. Dumeretso ka na dito sa Capitol Medical."

Pumasok siya sa kuwarto at dinampot ang mga gamit. Nag-empake siya na parang hinahabol ng alagad ng diablo. Hindi nawawala ang matinding kaba sa dibdib niya. Nang sa palagay niya ay wala na siyang personal na gamit na naiwan sa cottage, lumabas na siya.

Noon pa lamang nagsisimulang pumutok ang araw sa silanganan. At tahimik pa rin sa paligid. Dumeretso siya sa resort office at kumatok doon. Alam niyang doon natutulog ang resort administrator.

Inaantok pa ang administrator nang pagbuksan siya.

"Good morning. I'm sorry na magising kita. I have to leave now." Dinukot niya sa bulsa ang inihandang pambayad.

Rumehistro ang pagtataka sa mukha ng babae. "Isang linggo ho ang booking ninyo, ah?"

"I know. But this is an emergency."

"Sandali lang ho."

Wala pang sampung minuto na inayos ng administrator ang registration record niya but she felt it took years. Alam niya, pina-check pa nito sa ginising na guwardiya ang iniwan niyang cottage. Wala naman siyang reklamo. Alam niyang SOP iyon pero naghahabol siya ng oras. Anhin na lamang niya ay makarating sa jetty airport sa Caticlan.

At bago siya ganap na umalis sa resort ay lumingon pa siya. Her eyes lingered on the cottage.

Drigo's cottage.

"SUWERTE pa rin daw si Mommy. She's okay now pero mahigpit ang bilin ng doktor. Iwasan daw nating sumama ang loob niya. You see, depression at loneliness ang nagti-trigger kaya naging mahina ang puso niya."

Marahang tango lang ang naisagot niya sa balitang iyon ni Allan. Ito at ang hipag niya ang dinatnan niya sa ospital na nagbabantay sa kanilang ina. Si Vic at ang asawa nito ay umuwi sandali.

"Nag-panic kami kagabi. Si Manang Patring lang ang kasama ni Mommy sa bahay ay tarantang-taranta nang itawag sa amin ang nangyari. Maia, lalong nadoble ang panic namin nang hindi ka ma-contact."

Pakiramdam niya ay namula ang buo niyang mukha. "Nag-night out ako kagabi. Naparami nang kaunti ang inom ko kaya tulog ako agad nang umuwi," dahilan niya. "I'm sorry I didn't hear your calls."

"At least, you're now here. Hindi naman namin gustong putulin ang bakasyon mo but we believe it's important na narito ka."

"Of course. Hindi ako magdadalawang-isip na umuwi kapag ganito ang sitwasyon. Puwede ko na bang lapitan si Mommy?"

"Puwede. Pero hindi mo pa siya makakausap. Sabi ng doktor ay mamaya pa ang gising niya."

"Gusto ko lang na nasa tabi niya."

"Since you're here, uuwi din ako sandali. Kayo na lang muna ni Marie ang maiiwan dito."

"Okay." Napasulyap siya a mga bagahe niya. "Puwede bang idaan mo ang mga gamit ko sa apartment? May mga pasalubong diyan pero saka ko na lang ipapamigay sa inyo."

"Speaking of apartment," ani Allan. "Hindi kaya mas mabuting kay Mommy ka muna mag-stay?"

Nasa dulo ng dila niya ang pagtutol ngunit pinigil niya ang sarili. Sa kabila ng mahinahong tono ni Allan ay alam niyang inuutusan siya nito. At nauunawaan din naman niya ang dahilan.

"All right."

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon