Part 14

918 52 4
                                    

AT PAGKATAPOS ng ilang araw ay parang nais niyang magsisi. Constant sight sa bahay nila si Tita Madel. At parang itinalaga na rin ni Art na maging taga-hatid at taga-sundo niya. Wala siyang iniwan sa nagkaroon ng isang personal driver.

"How's your day, hija?" salubong sa kanya ni Estella. Maganda ang ngiti nito ngunit kababakasan ng panghihina ang kilos. "Bakit maaga ka yata ngayon? Ipinagpaalam ka sa akin ni Art, ah? Iti-treat ka daw niya ng dinner sa labas. At saka nasaan nga pala si Art? Hindi ka ba niya inihatid?"

Itinago niya ang pagbuntunghininga. "Mommy, may sariling buhay din naman si Art. Hindi ba may trabaho din siya?"

"He only worked nine-to-three," anito. "I should know dahil ganyan din ang routine noon ni Madel until he took over. What happen to dinner date?"

"Tumanggi ako." At mabilis siyang nag-isip ng ikakatwiran nang makita ang pagkunot ng noo ng ina. "Mommy, palagi na lang kaming nagdi-dinner sa labas. Nami-miss ko na ang luto mo." At nilambingan pa niya ang tono. "Kaya ako umuwi nang maaga ngayon, nami-miss ko ang luto ko. Saka nga pala gusto ko kayong panooring magluto."

Muling sumigla ang anyo nito. "Bago yata sa pandinig ko iyan, Maia? May interes ka na sa pagluluto? Sabagay, pasasaan ba't mag-aasawa ka na. Kahit kaya ninyong bumayad ng kusinera, iba pa rin na ikaw ang magluluto para sa asawa mo."

Parang nalulon niya ang dila. Alam na alam niya kung ano ang tinutumbok ni Estella.

"Tena sa kusina. Ano ba ang gusto mong matutuhan?" Nang tumindig ito ay tila nadagdagan pa ng sigla. "Kumpleto ang pang-rekado natin diyan para sa potcherong baka. How about that?"

Ikinibit lang niya ang mga balikat.

"You know, Maia, parang nabanggit sa akin ni Madel na paborito ni Art ang mga beef dishes," kuwento nito. "He's not afraid of red meat. Palibhasa ay balanse naman ang intake ng gulay at alaga din sa regular na ehersisyo ang katawan." Magkatulong sila sa paghahanda ng mga gulay habang pinapalambot ang karne. "Maia, napag-isipan mo na ba?"

Napatingin siya dito. Gusto niyang tumanggi ngunit parang may gumuhit sa dibdib niya nang makita ang expectant na anyo ni Estella.

"I enjoyed my vacation, Mommy," magaang sabi niya dito. "Kaya lang, hindi ko pa iyon napag-isipan, eh."

"Bitin kasi ang naging bakasyon mo." Nagkaroon ng guilt sa tono nito.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin," may diing sabi niya sa pagsisikap na burahin ang guilt nito. "Mommy, hindi ako magdadalawang-isip na umuwi kung para sa iyo. Anyway, the days I spent there was all fun. Huwag mong isiping dahil sa iyo kaya ako napilitang umuwi. I think I've had enough." More than enough, sundot ng isang bahagi ng dibdib niya.

"Maia, kahit ba kaunti hindi mo pinag-isipan ang marriage proposal ni Art?"

"Mommy, hindi siya nagpo-propose," she answered patiently. "I mean that common line 'will you marry me?' and other stuff."

"Stuff as in engagement ring?" Lalong lumalim ang interes nito. "Walang problema doon, hija. I remember, nabanggit ni Madel ang tungkol sa isang heirloom. Malay mo, pinapa-adjust lang ni Art iyong singsing so it would fit perfectly on you. Soon that will be yours."

Ilang sandali na nag-isip siya. "Mommy, what if..." She paused and thought again. "What if I don't want to marry him?" maingat ngunit direktang sabi niya.

Napatigil si Estella sa ginagawa. "Are you sure?"

Napahinga siya nang malalim. "I'm not in love with him." Mahina ngunit malinaw ang tinig niya. at parang hindi siya makapaniwala na masasabi naman pala niya iyon ng direkta kay Estella.

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon