"I CAN'T believe this!" Halos tumili si Avery. "You're engaged, Maia."
"Nakakagulat ba iyon?" kaswal na sagot niya dito. Dumating si Avery sa opisina at bago pa ito nakapagsalita ng kung anumang pakay nito ay ang suot na niyang singsing ang agad na napansin nito.
"Kung batukan kaya kita? Of course, this is a big surprise. Paano ka naging engaged? You don't have a boyfriend, Maia."
"I have a fiancé now."
"I still can't believe this." Pabagsak itong naupo. "Baka gusto mo akong balitaan? Ano ba talaga? Did you meet someone in Boracay?"
She groaned. "Sa Boracay lang ba makikilala ang taong papakasalan?"
"Not exactly. But in my case and in Rachel's case, it plays a big role."
"Not to me," sabi niya. But deep within her, naisip niyang bakit nga ba hindi na lang natulad sa naging kapalaran nina Avery at Rachel ang sa kanya?
"Maia, huwag mong unahan ang kasal ko. Remember, you are included in the entourage. May gown fitting nga pala kayo next week. Ako nga din sana kaso kabilin-bilinan ni Mother na huwag kong isukat ang traje ko. So be it! Teka nga pala, bakit ang bilis yata ng engagement?"
Tumaas ang kilay niya. "Bakit, ikaw ba? Pagkagaling mo sa Boracay, namanhikan na si Jake, di ba?"
"Yes. That was what we wanted. Pero ikaw? Are you pregnant?"
"No!" napabilis na sagot niya. Nang itikom niyang muli ang bibig ay bigla siyang nag-isip. Gaano ba kalaki ang posibilidad na magbunga ang nangyari sa kanila ni Drigo? Oh, God, please don't let it happen, she silently plead.
Narinig niyang tumawa lang si Avery. "Anyway, three weeks from now ang kasal ko. Whether you're telling the truth or not, I hope you're still trim and sexy on my special day." Isinukbit na nito ang bag. "I'm going. Dumalaw lang naman ako dito. Nami-miss din naman kita, dear cousin."
"You'll meet Art soon. You're invited to my engagement party. I'll let you know kung kailan iyon," nasabi na lang niya.
"Bakit parang wala kang ideya?" Napahinto si Avery sa pagtungo sa pintuan.
"Si Mommy at si Tita Madel ang mag-aasikaso. I have a lot of work here."
Tinitigan siya nito. "Maia, are you in love? Mas priority mo pa rin ang trabaho kaysa sa pag-aasikaso sa espesyal na okasyon sa buhay mo?"
Umiwas siya ng tingin dito. "Boracay played no magic in my life. Ganito lang talaga ang buhay ko. Workload... practical things... convenience."
Napahinga si Avery. "Don't set the wedding date too soon. Mag-isip ka muna ng isang daang beses."
NAISIPAN niyang dumaan muna sa apartment bago umuwi kay Estella. Nami-miss na rin naman niya ang lugar na iyon at pati si Tita Connie. Kinakabig niya ang manibela papasok sa compound nang mapansin ang suot na singsing.
Malungkot siyang napangiti. Tila iyon lang ang nabago sa buhay niya ngayon. Everything was the same routine. Tumawag si Art at sandali siyang kinumusta. Nang mag-alok ito na ihahatid siya at tumanggi siya ay hindi rin naman ito nagpilit.
"Maia, mabuti at dumating ka!" Maluwang ang ngiti ni Tita Connie. Hindi pa siya umiibis sa sasakyan ay sumalubong na ito. Halatang nag-aabang sa kanya.
"Baka inaagiw na ang bahay ko. Wawalisan ko man lang," pabirong sagot niya dito. "How are you, Tita?"
"Of course, still feeling young. And in love." She said the last words with emphasis at napangiti na lang si Maia. Wala siyang kamalay-malay na may iba pang kahulugan iyon. "Come to my place, Maia. Mamaya ka na pumanhik sa bahay mo."
"Pero hindi ako magtatagal. Nangako ako kay Mommy na doon maghahapunan." Pero ang mga hakbang niya ay patungo din sa unit nito.
"Problema ba iyon? I'll call her. Sasabihin kong hindi mo matanggihan ang luto ko. I would even invite her lalo at bihira siyang pumasyal dito." Nauna na itong pumasok at dinampot ang telepono.
"Gustuhin man niya ay hindi maaari. Hindi pa ina-advise sa kanya ng doktor ang pagbibiyahe. Pinagkakasya na nga lang niya sa telepono ang pakikipagkuwentuhan sa mga amiga niya."
"Well, one of this day, ako na lang ang pupunta sa kanya."
"Yeah. And I'm sure, pati ikaw ay kokonsultahin ni Mommy. Parang siya ang ikakasal. She couldn't decide what color motif to choose. Ano raw bang putahe ang dapat ipahanda. Hanggang ngayon nagde-debate sila ni Tita Madel kung alin ang mas maganda sa iba't ibang bagay. Tita Madel wanted a garden wedding while she wanted the ceremony to be done in church."
"Maia?! Ikakasal ka na?" Bumakas ang shock sa tinig nito.
"Tita Connie, may nakakagulat pa ba doon?" Itinaas niya ang kaliwang kamay at iginalaw-galaw iyon sa tapat ng mukha nito. Napakurap na lamang ang babae ng makita ang suot niyang singsing.
"Pero---"
"Who's getting married?" sabad ng isang tinig na bumungad buhat sa kusina. Mabalasik ang tono niyon at ganoon din ang ekspresyon.
"Drigo." Kahit siya ay hindi niya narinig ang sariling tinig. A hundred sensations went through her.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic
RomanceIn-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya...