Part 7

947 59 11
                                    

KALALABAS lang ni Maia sa shower. Ilang sandali na nasisiyahan siyang pinagmasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nagustuhan niya ang pagtingkad ng kutis niya. At bagaman mahahalata ang mga linyang iniwan ng strings ng bikini niya ay maninipis lang naman iyon. Maitatago na ng damit niya maliban na lamang kung magpapakita ng maraming balat ang outfit niya. Binalot muna niya ng roba ang sarili.

Pinatutuyo niya ang buhok nang maulinigan ang pagtunog ng door bell. Napakunot ang noo niya. Wala siyang inaasahan. Ni hindi pa nga siya nakakapagpasya kung magpapa-room service ng pagkain o lalabas siya. Pero naalala niya si Miss Bennet. Baka titingnan uli nito kung okay lang siya doon.

She smiled. Pinatutunayan ni Miss Bennet ang personalized service at hindi naman niya nararamdamang nakaka-invade itong kanyang privacy. Tumindig na siya at tinungo ang pintuan.

"Oh, my," usal niya nang pagbukas ng pinto ay hindi ang inaasahan niya ang makakaharap niya.

"Hi!"

His greeting came with a smile. It even hinted a certain intimacy lalo at parang nanunuot ang titig nito sa kanya. Sa ilang sandali ay hindi siya agad nakahuma. Kung may taglay na mahika ang kaharap niya, iisipin niyang hinihipnotismo siya nito. Isang mabilis na paghinga ang ginawa niya bago pormal ang ekspresyon na tinugon ito.

"What can I do for you, Mr. Valderama?"

Deep inside her ay nais niyang batiin ang sarili. Kahit na bagong kakilala ay hindi niya pinagkakalooban ng ganoon katabang na tinig. But she managed to do that. Sa isang dahilan na gumagawa na siya ng isang uri ng depensa sa isang palatandaang hindi pa niya matukoy kung ano subalit ramdam na niya sa sarili na umaamba sa kanya.

Attraction, anang isang bahagi ng utak niya. Attraction in its very strong form.

"Yes," agad namang sabi nito na tila lalo pang pinatamis ang ngiti. "Manghihingi sana ako ng kaunting kape."

Awtomatiko ang naging pagkunot ng kanyang noo. "Kape?" she repeated in controlled surprise. At sa sarili at parang nais niyang mapahiya. Malayong-malayo ang narinig niya sa inaasahang sasabihin ni Drigo.

She could tell the signs of unspoken attraction. At kung marahil sinabi ni Drigo na iniimbita siya nito upang kumain sa labas, much more ang maligo sa dagat ay malamang na hindi na niya ikagulat.

"Yes," kumpirma nito at itinaas pa ang kamay na may hawak na tasa.

Noon lamang niya iyon napansin. Kunsabagay, bakit ba niya mapapansin ang maliit na bagay na iyon kung sa pagngiti pa lamang nito ay parang nawala na ang pansin niya sa ibang bagay? At hindi lamang iyon. Bagong paligo rin ito at preskong-presko ang anyo sa ternong shorts at sando in Hawaiian print.

"Naubusan ako ng kape sa cottage ko," kaswal na sabi nito at bahagyang ikiniling ang ulo sa cottage na katapat lang ng inookupa niya. "I guess, we could be borrowing neighbors." At ikinibit nito ang balikat.

"Dito ka rin sa resort na ito?" sa halip ay tanong niya kahit na nga ba ganoon na ang mismong pag-intindi niya sa tinuran nito.

"Yes. I occupy that cottage." At muli ay ngumiti na naman.

Tumango lang siya at napahawak sa hamba ng pinto. "I'm sorry, Mr. Valderama. Pero wala akong napansing kape sa cupboard. And I don't drink coffee kaya hindi ko inisip kung kakulangan man iyon sa provision ng cottage."

Hindi nagbago ang ngiti nito. At sa ngiting iyon ay naisip niyang baka iyon lamang ang kunwaring dahilan nito upang makalapit sa cottage niya.

"Please call me Drigo," anito pagkuwa. "Kinapalan ko na ang mukha kong kumatok sa iyo dito upang manghingi ng kape. And I think we've introduced each other enough para naman tanggalin na natin ang pormalidad sa pangalan. I would like to call you Maia. You have a nice name. Parang pangalan ng ibon yet it sounded very feminine. Why Maia? From Margarita?"

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon