NAGTUNGO si Maia sa Central Boracay upang pasyalan ang mga souvenir shops. She already had a mental list para sa mga taong papasalubungan niya. And of course, a special strand of pearls for herself.
Marami na rin siyang napamiling T-shirts at decorative magnet nang makadama ng pagod. She stopped at Hey Jude Bar. Isang Internet café iyon kaya nagpasya na rin siyang doon mag-check ng email niya.
She also contacted Ella at mabilis naman ang koneksyon kaya nakapag-chat sila ng sekretarya. Napanatag pa ang loob niya sapagkat wala namang malaking problema sa opisina para maligalig ang bakasyon niya. She cut the connection at itinuon ang atensyon sa mainit na kapeng isinilbi sa kanya.
Sa pag-iisa niya ay parang nangati ang lalamunan niyang manigarilyo. Subalit siya na rin ang pumigil sa sarili. It had been years buhat nang tigilan niya ang basyong iyon. Ang totoo, buhat nang tumigil siya ay nakadarama na rin siya ng iritasyon makalanghap pa lamang ng usok.
But her craving for cigarette was a sign. Nangangahulugan iyon na mayroong bumabagabag sa kanya. She remembered her mother. Anyong pipindutin na niya ang call button ng cell phone niya nang i-cancel iyon. Sa halip nagpadala siya ng text message ng pangungumusta. Mas mabuti na iyon kaysa sa talagang hindi niya ito maalala.
She was worried na isisingit ni Estella sa magiging usapan nila ang tungkol kay Art. Hindi pa panahon para pag-usapan nila iyon. Wala pa siyang konkretong desisyon sa bagay na iyon. In fact, hindi pa niya napag-iisipan iyon nang husto. Buhat nang dumating siya sa Boracay, she took every thing lightly.
Kagaya na lang ng pagpapaunlak mo sa bawat imbitasyon ni Drigo? A small voice within her asked.
But vacation was fun and some adventure, parang gusto niyang ikatwiran. At kung si Drigo ang kahulugan ng fun and adventure sa bakasyon niyang iyon, why not? But something within her seemed to believe otherwise. Na parang hindi lamang magtatapos bilang bahagi ng isang bakasyon niya si Drigo.
She sipped her scalding coffee. Nang halos mapaso ang dila niya ay parang nagamot na rin ang pangungulila niya sa sigarilyo.
She smiled to herself. Hindi siya dapat na mabagabag. She was on vacation. Ang dapat ay magsaya siya at mag-relax.
She thought of Drigo. Umiiwas siya sa binata subalit kapag naman ganitong nag-iisa siya ay hinahanap niya ito.
She felt herself looking forward for the evening to come. At isang ideya ang kumudlit sa isip niya. She believed it wouldn't hurt kung siya naman ang mag-aya dito sa isang dinner. After all, palagi na lamang si Drigo ang nagti-treat sa kanya.
Tumindig na siya at nagbayad. Parang nasabik siyang bumalik sa resort nila. She would be looking for Drigo. At parang nakatitiyak naman siyang madali itong makikita. Para naman kasing itinalaga na lamang ni Drigo ang sarili na nasa paligid lang niya.
"I'VE BEEN waiting for you," salubong sa kanya ni Drigo.
Pumapasok pa lamang siya sa resort ay natanaw na niya ito sa terrace ng cottage nito. mabilis itong tumayo upang lumapit sa kanya.
"Para kang linya ng isang kanta," nangingiting tugon niya dito.
"I'm not aware of it," kibit-balikat nito bago palagay ang loob na kinuha nito sa kanya ang mga dala niya. Magkaagapay silang tumungo sa cottage niya. He even got the key from her at ito ang nagbukas ng kanyang pinto. "Ano bang mga ito, pasalubong?"
"Yeah. Wala akong maisip na gawin kanina so I got shopping."
"Yeah," gagad nito. "Shopping. Women's most favorite sport."
"Kaunti lang iyan. Para lang sa mga tao sa opisina saka sa bahay," kaswal na sabi niya.
"Opisina?" para namang gulat na ulit ni Drigo.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic
RomanceIn-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya...