"MAGBABAKASYON ka raw?" kaswal na tanong sa kanya ni Art.
It was their fourth date. She kept on accepting his invitation at hindi niya alam kung dahil lamang gusto rin niyang pagbigyan ang sariling ina. Art was nice. Buhat nang una siyang makipag-date sa lalaki, wala naman siyang nakikitang dapat ika-turn off dito. Iyon nga lang, wala rin siyang maramdamang anumang senyales upang ikonsidera ang pagpapakasal dito.
"I bet, sinabi sa iyo iyan ni Mommy," aniya.
"No. Si Mama ang nagsabi sa akin. Siya ang sinabihan ni Tita Estella," magaang sabi nito.
Nakangiting napailing siya. "Our mothers are playing cupid."
"Well, sa parte ko ay hindi naman sila masyadong mahihirapan. Maybe they should double their effort on your part."
Napatitig siya dito. "Mas masunurin kang anak kaysa sa akin?"
"Let's say I have my own reason. My first marriage didn't work out. Hindi naman masasabing nagkulang kami sa pagsisikap. Until we discovered a kind of life that we didn't want each other to be involved in."
"I don't understand," aniya.
"My ex-wife wanted to go on her own. Sumuko na siguro para maisalba ang marriage namin. I think five years is long enough at iyon na siguro ang pinaka-practical na gawin. It was fortunate na madali lang makipag-divorce doon. So here I am, very much free para magpakasal uli."
"Sa akin?"
"My mother liked you very much. Noong una ay hindi ko na maalala ang mga pagkakataon noon na sinasabi ni Mama na magkalaro tayo. I can't imagine. I'm eight years older than you. Hindi ko maalalang nakipaglaro ako sa masyadong bata sa akin. But when I saw you again, I got attracted to you. I can say that it was my reason kaya parang pumabor sa akin ang gusto ng mga magulang natin."
"Paano ang pag-ibig?"
Tumawa ito nang marahan. "Aren't we mature enough para maging idealistic pa sa bagay na iyon? For me, what counts most is maturity. If we are mature and we can compromise our differences, then this marriage would work."
"I don't know if I could agree with you."
Ngumiti lang ito. "Well, kung totoo ngang magbabakasyon ka, then you'll have a lot of time thinking. Siguro pagbalik mo dito, you have already come up with a decision. At dahil hindi naman masamang umasa, I would like to hope na favorable sa akin---sa amin ng parents natin---ang magiging pasya mo."
"Mahirap magsalita nang tapos," maingat na sabi niya. "Pagbalik ko, saka na lang natin ito pag-usapan."
DINALUHAN muna ni Maia ang kasal nina Rachel at Andrew. Avery was also there at halatang in love na in love kay Jake. Natutuwa naman siya para sa mga ito.
"I'm planning to take a break," balita niya kay Avery. "May GC na ibinigay sa akin ang mga bagong kasal. Baka i-avail ko this week."
Lumarawan ang excitement sa mukha ni Avery subalit sandali lang iyon at napalitan ng pag-aalala. "Paano ang Womanly? I'm on leave. Hindi ko maipapangakong maisisingit ko sa mga schedule namin ang pagtingin sa opisina."
"Alam ko naman iyon," nanunuksong sagot niya. "Kay Jake na lang yata umikot ang buhay mo ngayon. You don't have to worry. Ella is well-trained at puwede ko siyang iwan. Besides, nakakahinga na tayo nang kaunti sa special summer issue ng magazine. Hindi naman masyadong masasaktan ang office kung aalis ako sandali. Pinakamatagal na siguro ang isang linggo na mawawala ako. Saka siyempre, tatawag naman ako sa office para mangumusta."
Ikinibit lang ni Avery ang mga balikat. Nakita niya kung gaano ito kalambing kay Jake na siyang nasa kaliwa nito. Natutuwa naman siyang pagmasdan ang dalawa. Kung sana ay mai-in love din siya kay Art, baka hindi na magdalawang-salita pa ang mommy niya at magpapakasal siya sa lalaki.
She still believed in love and the so-called magic that goes along with it.
Balintuna marahil na maituturing ang mga nangyari sa kanya. She fell in love when she was seventeen. Sukdulang makipagtanan siya upang patunayan ang pag-ibig na iyon. Why, she was swept off he feet. Ngunit hindi aprubado ng mga magulang niya ang college sweetheart niya. Pareho daw silang mga bata pa at walang magiging malinaw na kinabukasan. Minutes before they got married by his judge uncle, nabawi siya ng ama.
Gusto niyang magrebelde subalit higit na malaki ang takot niya sa mga magulang. Itinutok niya ang atensyon sa pag-aaral. After graduation, dumating sa buhay niya si Mark. Anak ito ng isang amiga ni Estella. They had three months to know each other and their parents set the wedding date.
That was the time she was disillusioned in love kaya naman nagpatangay lang siya sa agos. Pero hindi rin natuloy ang kasal. Mark met another woman at umatras ito sa kasal. Hindi niya alam kung ano ang talagang naramdaman niya nang mga panahong iyon. Ang alam niya, Estella was devastated. Ito ang higit na napahiya sapagkat ito ang gumawa ng lahat ng paraan upang magkalapit sila ni Mark.
Maybe her pride was wounded. Sino ba ang hindi? Naipakalat na ang mga imbitasyon at bigla ay sumabog na lamang sa sirkulong ginagalawan nila ang ginawang pagtalikod ni Mark. Upang makaiwas sa sitwasyong iyon ay nag-abroad siya. Napilitan lamang siyang bumalik dahil na rin sa pakiusap ng ama. Little did she know na bigla ay papanaw pala ito. kung konsolasyon mang maituturing, nagpapasalamat siya na nagpahinuhod siya na bumalik na lang sa Pilipinas.
Nabuhos na ang atensyon at panahon niya sa magazine na itinatag. Marriage is much far in her mind. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang maitutulong ng balak niyang pagbabakasyon. Maybe, gusto lang niya talagang umiwas sa pressure kahit na nga ba pansamantala lang.
Mayamaya ay bumaling uli sa kanya si Avery. "Bakit parang biglaan yata ang pagbabakasyon mo?" nang-aarok na tanong nito.
"Biglaan ba iyon?" sagot niya. "It was an invitation. Naisip kong nakakahiya naman kung tatanggihan ko."
"Ows?" Pinagmasdan siya nito. "Nabanggit sa akin ni Rachel ang tungkol doon. In fact, we are also invited. Kaso ay may ibang plano si Jake. Baka mag-Australia kami. Back to you, sa pagkakaintindi ko ay walang-wala sa plano mong iwan ang opisina. You even asked Rachel kung puwede mong i-transfer ang GC."
"Kailan ka pa naging nosy?" sa halip ay tanong niya.
"Hindi naman," depensa agad nito. "Nagkataon lang na madalas kaming makapagtawagan ngayon ni Rachel. You know, pareho kaming busy sa wedding preparation; sort of comparing notes and sharing ideas."
Dapat sana ay sasagot pa siya ngunit nauntol na iyon ng paglapit ng mga bagong kasal sa kanilang mesa. "Thank you for coming," wika sa kanila ni Rachel.
Minsan pa ay binati nila ang mga ito. they pose for a souvenir picture at saglit na nagkuwentuhan. Pagkuwa ay magalang nang nag-aya si Andrew para sa pagsaludar sa iba pang bisita.
"So, kailan ang balak mong pag-alis?" tanong na naman sa kanya ni Avery.
"Noong isang araw pa nga ako nagplano. Ang kaso ay nangako akong dadalo sa kasal na ito. Kung hindi bukas, baka sa makalawa. Anyway, I'll let you know." At ngumiti siya. "Alam ko namang hindi mo rin matitiis ang opisina."
"Well, ano pa nga ba ang magagawa ko?" wika na lang ni Averyna kunwa ay nagrereklamo.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic
RomanceIn-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya...