Part 3

941 52 2
                                    

"TWO dinner dates in a week. Not bad," wika ni Estella sa kanya. Araw ng Linggo at kumpleto ang kanilang pamilya. Hindi naman ito taong masikreto. At may palagay pa nga siyang sinasadya nitong malaman ng mga kapatid niya ang tungkol don.

"Wow, Maia! Nagdadalaga ka na uli," kantiyaw sa kanya ng Kuya Allan niya na siyang panganay.

Irap ang iginanti niya dito.

"Don't misinterpret things, Mommy," seryosong baling niya sa ina. "I'm a businesswoman. Alam ko kung paano makiharap sa mga tao. And Art is in banking business. I need to establish a good relationship just in case kailanganin ng Womanly ang isang loan."

"You don't need to loan kung magpapakasal kayo ni Art," prangkang sabi ni Estella. "He can provide enough capital for your business."

"Si Maia, magpapakasal? Na naman?" sabad naman ng Kuya Vic niya.

"I just wish, matuloy na ang kasal this time. Dati, naka line-up si Jay-jay ko na ring bearer. Ngayon pang-best man na ang pamangkin mo." Si Allan uli.

Napatiim-bagang siya. Kapag may sumabad pa na kahit isa lang sa mga hipag niya, magwo-walk out na siya.

"This serious," sabi ni Estella at sinulyapan ng masamang tingin ang dalawang anak na lalaki.

"Mommy," aniyang nagtitimpi ng inis. "Kahit mag-rally pa kayong lahat, hindi ninyo ako makukumbinse."

"If you're dating him, hindi ba't nasa getting to know each other na kayo?"

"Pero, Mommy---"

"'Kunsabagay, little sister, wala namang masama roon. Actually, mabuti nga iyon." Si Allan. "Mag-asawa ka na, Maia. Malapit ka nang mag-menopause."

"Puwede ba, tigilan ninyo ako?" pikong sabi niya.

"Give it a month or two, Maia." Ang mommy niya uli. "Kung kami ni Madel, anytime, we're ready to prepare the necessaries. You know, reservation... chapel... trimmings..."

Tumikhim si Vic. "Tan-tan-tatan... Tan-tan-tatan!"

"Tigilan ninyo na 'ko!" Nagpapadyak na siya. Tanging sa harap lang ng pamilya niya napapayagan ang sarili na mag-asal bata. Bunso siya at may mga pagkakataong umiiral sa kanya ang ganoong kilos. "Nakakainis kayo!" tili niya at nagdadabog na umalis.

Kaysa umuwi sa apartment ay sa car park ng Megamall niya itinuloy ang minamanehong sasakyan. Pikon na pikon pa rin siya. kahit wala sana siyang balak mag-mall ay doon na lang niya piniling pumunta. May palagay siyang kapag umuwi siya at si Tita Connie naman ang nakausap niya ay malamang lalo lang siyang maguluhan.

Ang resulta, nagastusan siya nang wala sa panahon. Umandar ang pagiging impulsive buyer niya at parang lalo pang na-trigger iyon ng inis niya sa dibdib. Hindi na siya nag-iisip na mabuti. Bawat bagay na magustuhan niya ay kaagad niyang binibili. It was almost closing time nang maalala niyang kumain. Nang magpasya siyang umuwi ay mag-a-alas onse na ng gabi.


"MAIA, saan ka ba galing?" nag-aalalang wika sa kanya ni Tita Connie. Bago pa niya maipasok sa compound ang kotse ay lumapit na ito sa tapat ng passenger seat. "Ang mommy mo, isinugod nila sa ospital!"

Napakunot ang noo niya. "Bakit?" She sounded calm ngunit kagyat na napuno ng kaba ang dibdib niya.

"Inatake. Tara na sa St. Luke's." At sumakay na ito.

"Bakit?" tanong niya uli. She sounded like an idiot. Ngunit ano ba ang dapat pang sabihin? Her father died of heart attack two years ago. He was a healthy, strong man in his prime ngunit bigla ay nag-traydor ang puso nito. Magkakaganoon din ba ang mama niya?

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon