Boracay
"MISS MONTECLARO," mainit na salubong sa kanya ni Miss Bennet. Magkakilala na sila ngunit ngayon lamang sila nagkaharap ng personal. "Biglaan ho yata ang pagdating ninyo?"
Ngumiti siya. "Ilang beses kong pinatawagan sa sekretarya ko itong hotel pero palaging busy. Since may plane ticket na rin ako nagdesisyon na akong tumuloy na. May problema ba?"
She looked apologetic nang minsan pang ngumiti sa kanya. "Kaunti lang naman ho. Occupied kasing lahat ang hotel rooms. Maliban na lang doon sa personal na gamit nina Sir Andrew at Ma'am Rachel. Pero may naka-schedule namang mag-check out kaya lang ay mamayang hapon pa."
Bahagya lang siyang nagulat. "That's not a problem," nakakaunawang sabi niya. "I know there's a fault on my part. Ganito na lang, help me find a room kahit sa ibang hotel."
"Pero, Ma'am..."
"It's all right, Miss Bennet."
"Pero mapapagalitan kami ni Sir. Ganito na lang, Ma'am. Ipapahanda ko ang mismong kuwarto nila. Naipapagamit naman namin iyon basta personal guest nila ang dumarating."
Umiling siya. "No, thanks. Ako mismo ang hindi magiging kumportable kung alam kong may personal touch ang kuwartong iyon." Hinaplos niya ang braso nito. "I'll be fine, Miss Bennet. Mayroon pa namang ibang pagkakataon para i-honor ninyo ang GC na dala-dala ko."
"Pero lagot kami kay Sir," nag-aalala pa ring wika nito.
"Ako ang magpapaliwanag sa kanila kung kinakailangan," nakangiting wika niya dito.
Siya rin ang nasunod. Humingi na lang siya ng pabor kay Miss Bennet na ito na ang humanap ng maaari niyang tuluyan. At habang naghihintay siya, ipinagkaloob naman ni Miss Bennet ang pinakamainam na serbisyo sa kanya. A light meal was served to her. At bagaman inconvenience na maituturing ang paghintayin siya, naaliw naman siya sa paligid.
Naroroon siya sa garden restaurant ng hotel at very relaxing ang ambience. Kahit naman halos kadikit na niyon ang beach path ng isla ay mayroon pa rin namang sapat na privacy. May man-made falls pa na kung walang magdaraang tao sa bandang likuran niyon ay parang natural na natural.
Maraming turista sa paligid. At bagaman may ilang maiingay habang namamasyal, hindi naman niya iyon ikinairita. Sa isip niya, alam niyang kasali ang gayong ingay upang magkaroon ng lalo pang buhay ang isla.
Hindi siya nakaramdam katiting mang inip. Sa pagmamasid pa lamang sa paligid ay nalilibang na siya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon niyang tumuntong doon. Bago pa lamang sumisikat ang isla ay nagkaroon na siya ng pribilehiyong makapagbakasyon sa isla. It was a family vacation. Kumpleto pa sila noon at nasa college pa lang ang mga kapatid niyang lalaki.
Kakaunti pa lamang noon ang mga establishments. At ang mga hotel ay bago pa lamang itinatayo at iilan lang ang mapagpipiliang entertainment place. But she enjoyed her vacation. She was a daddy's girl at hindi mababayaran ang kaligayahan niya sa paggawa ng sand castles katulong ang kanyang ama.
Naulit pa ng dalawang beses ang pagpunta niya doon na pawang mga college escapades niya. Each visit was memorable to her kaya naman siguro nang mag-isip siyang gawin ang summer issue ng magazine ay ang Boracay ang unang-unang pumasok sa isip niya.
May kasabikang tinanaw niya ang paligid. Matagal-tagal na rin buhat nang huli siyang manggaling dito. At marami siyang nakikitang pagbabago. She felt excited. Mukhang mag-e-enjoy siya sa bakasyong iyon.
Not knowingly, parang nakalimutan niya ang talagang dahilan kung bakit siya naroroon.
"Excuse me, Ma'am Maia," lapit sa kanya ni Miss Bennet. "Okay lang ba sa inyo na tumuloy sa cottage? Maganda naman ang accommodation at kumpleto sa facility. Nasa beach front din ho."
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic
Lãng mạnIn-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya...