Random Scene

2.4K 72 2
                                    

MAINIT-INIT ang sinag ng araw na tumatama sa balat ni Maia. May ilang pagkakataong sumagi sa isip niya na tuluyan nang tanggalin ang buhol ng kanyang bikini top upang huwag magkaroon ng sunburn line sa balat niya. hindi niya alam kung saan nagmumula ang ideyang iyon. Kagabi pa ay ramdam na niya sa sarili na parang nais niyang maging "wild."

Kung anu-anong ideya ang pumapasok sa isip niya. she felt she was out of character. She planned of sunbathing topless! Ngunit siya na rin ang pumigil sa sarili. Nang mag-umaga ay tinungo niya ang beach suot ang pares ng string bikini. Well, maliban sa mga maliliit na triangle patch ay halos wala na rin naman siyang suot. But then, hindi rin naman siya naka-topless.

She smiled at the thought.

Bumiling siya padapa at ini-adjust ang suot na sunglass. Pakapa ay dinampot niya ang baong pocketbook. Iilan pa lang silang nakalatag sa buhanginan. Wala pang alas nueve ng umaga at parang mas marami ang nagbibisikleta kundi man nagdya-jogging. Alinman sa dalawa, mas gusto pa rin niyang mag-sunbathing.

Ilang paragraph pa lamang ang nababasa niya ay isinara na niya ang libro. Wala siya sa mood magbasa. Mas gusto niyang damhin ang init ng araw na parang humahaplos sa balat niya. ngayon niya nare-realize kung gaano katagal nang nakakulong ang buhay niya sa bahay-opisina. Parang sabik na sabik tuloy ang balat niya na matamaan ng sikat ng araw.

Sinulyapan niya ang wristwatch at bumangon. Nag-apply siya ng panibagong sun tan lotion. Napansin na niya ang bahagyang pagtingkad ng kutis niya at nagustuhan naman niya iyon.

Kaysa balikan ang libro upang basahin, inipon niya ang buhanging nasa tabi niya. hindi na abot ng alon ng dagat ang kinalalagyan niya ngunit mamasa-masa naman iyon ng hamog. Gumawa ang pagiging artistic niya. Ilang sandali pa ay may hugis na ang ginagawa niya. Malaki iyon at parang isa nang kumpletong kaharian. Kung babalik siya sa pagkakahiga ay malamang na hindi siya agad mapansin ng magdaraan dahil maikukubli siya niyon.

Pinagmasdan niya iyon bago nagpasyang mahiga uli. She made a mental note na ilang minuto na lamang ang palilipasin at maliligo na. Tumataas na ang araw at hindi na siya kumportable sa tama niyon sa kanyang balat.

Muli ay in-adjust niya ang sunglass bago dumapa. Just a few more minutes, she told herself. Pagpapatayin lang niya ang epekto ng sunbathing niya.

She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. At hindi niya inaasahan iyon sa simula pa lamang ng kanyang bakasyon.

Wala sa loob na hinaltak niya ang buhol ng bikini top upang mabilad ng husto ang kanyang likod. She wanted to gain a spectacular tan. Iyon ang ebidensya niya sa bakasyong iyon.

Ilang sandali na wala siyang kilos doon maliban sa banayad na paghinga. Ni hindi niya inabala ang sariling dumilat. She let her other senses para madama ang paligid niya. She could inhale the ocean breeze and tropical sun. at bagaman may sumasaging ingay ay hindi iyon nakakasira sa imahinasyong gumagana sa isipan niya.

Then suddenly, parang natabunan ng mabibilis na mga yabag ang isip niya. At bago niya nagawang idilat ang mga mata upang alamin ang dahilan niyon ay isang kalabog na ang narinig niya.

Hindi niya nagawang magsalita ga-putok man. Sumunod na naramdaman niya ay kagyat na sakit sa gawing balakang niya. At nang ganap niyang makita ang mabilis na pangyayari, hindi pa rin siya agad nakaapuhap ng salita.

Unang napako ang tingin niya sa Nike shoes na nasa balakang pa rin niya. pagkatapos ay parang may linya iyon upang tuntunin niya ng tingin. Ang binting nasusuutan niyon ay mahaba at matipuno. That must be the million-dollar legs, she thought abruptly. Ngunit mabilis na naagaw ang kanyang atensyon nang gumalaw iyon. Parang isang ahas na nagdaan iyon sa balakang niya.

As if set in slow-motion, unti-unting umangat ang paningin niya. The skin was a toasted brown at parang pinaliguan ng pawis. His broad chest was also damp. At sa paghinga nito ay tila lalong nagkakaroon ng karakter ang matitigas na kalamnan nito. His eyes were glowing in its darkest brown.

Then she heard a groan.


IT WAS a full five seconds bago ito nagbuka ng mga labi. "I'm sorry."

Awtomatiko naman na nahaplos ni Maia ang bahagi ng katawan niya na tinamaan nito. "Hindi mo naman siguro sinasadya."

"Hindi ko talaga napansin. It was already late nang makita kong may tao akong masasagasaan."

"Then you're forgiven," nakangiti nang sabi niya. Wala naman siyang maisip na dahilan para ikagalit pa. Maliban na lang siguro kung gusto niyang mag-exaggerate. Pero para ano? Kahit naman ang sakit sa balakang niya ay papalipas na.

Gumanti ito ng ngiti sa kanya. and after a few moments of meeting her eyes, bumaba pa ang tingin nito. Noon siya biglang na-conscious sa anyo niya. Para na rin siyang nakahubad lalo at dahil sa biglang pagbangon niya nawala na sa tamang lugar ang bikini top niya. It fell on her waist kaya naman halos wala na siyang naitago sa kaharap!

Tumingkad pa ang namumula na niyang mukha. At sigurado siyang hindi ang pagkakabilad sa araw ang dahilan niyon.

She grabbed her towel at mabilis na ikinanlong doon ang katawan.

"I'm Drigo Valderama," kaswal na pakilala nito.

Napaangat uli siya ng tingin dito. Sa mga mata niya ito nakatingin ngunit tila may kakaibang kislap sa mismong mga mata nito. Hindi niya alam kung mapapahiya siya. But she could tell na nagawa na rin nitong pagmasdan ang halos hubad niyang katawan.

"I'm Maia Monteclaro," aniya at pagkuwa ay bumuntong-hininga. "What a way of meeting someone."

Tumawa ito nang mahina. "Yeah. Very unique."

They had a handshake at doon niya naramdaman ang sinseridad nito sa pakikipagkilala. Nang mabawi niya ang kamay ay tumindig na siya. Pasimple na lang niyang hinablot ang nakalas nang bikini top. Naitapis na niya nang mahigpit ang tuwalya sa katawan niya.

"It's time for me to go. Masyado na akong masusunog dito," sabi niya.

"Wait," habol nito. "Where do you stay?"

"Diyan lang," malabong sagot niya at nagsimula nang humakbang.

"Are you with someone? Or friends?" kaswal na tanong nito. Nagawa nitong makaagapay sa lakad niya.

"Sige. Mauna na ako sa iyo," sa halip ay sagot niya. Mas malalaki pa ang naging hakbang niya at kung hindi lamang niya iniisip na magiging katawa-tawa siya ay baka nagtatakbo na siya.

Tumuloy na siya sa cottage niya. Mabilis siyang nag-shower at nang nagbibihis na ay saka lang niya naalalang mag-almusal. At habang nag-iisip kung lalabas siya uli o magpapa-room service ay muli na namang pumasok sa isip niya ang estranghero.

Hindi niya alam kung bakit. While on shower ay ang lalaki na ang nasa isip niya. Bakit parang ayaw siyang tantanan ng anyo nito? How could she be so much affected by a mere stranger?

Oh, well, not really a stranger. He was Drigo Valderama, according to him.

--- --- ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon